CHAPTER 3

44 29 0
                                    


"WOOHH! TAPOS NA RIN SA WAKAS!"


Natawa kami sa pag sigaw ni Gelo. Kakauwi lang namin at Friday na ngayon. Katatapos lang din ng First Semester at sa Monday ay wala pang pasok kaya naman masaya kami dahil makakapag chill na kami. Tapos after three weeks ay sembreak na namin.


"Lutuan mo kami Tori! Gusto ko ng Sweet and Sour tofu mo!" ganadong sabi ni Ken. Ngumiti lang ako, pumunta ako sa ref at tiningnan kung meron pa kami tokwa. Napailing ako ng wala ng kalaman laman ang ref namin miski ang lagayan namin ng pagkain ay ubos na rin.


"Guys may problema tayo!" sigaw ko. Agad silang nag puntahan sa kusina.


"Oh men! Gutom na ako e!" reklamo ni Ken.


"Gosh! Ubos na rin pala ang mga biscuits natin!" malungkot na sabi ni Thea ako rin ay malungkot dahil ubos na rin ang pretzels ko.


"Tara na! Kumain na lang tayo sa KFC tapos magro grocery tayo!" sabi ni Kael.


Nagpalit muna kami ng damit dahil naka uniform pa rin kami since kakauwi lang naming galing school. Nagsuot lang ako ng denim shorts at black t-shirt. Pinusod ko rin ang buhok ko dahil onti-onti na namang kumukulot ito. Gusto ko nang magparebond kaso naisip kong ipunin ko na lang yung ipangpaparebond ko para kung hindi ako ulit mabigyan ni Mama ng allowance ay mayro'n ako.


Sa mga nakalipas na buwan ay maliit pa rin ang padala ni Papa. Minsan ay naririnig ko na rin silang nagtatalo habang nag vivideo call. 'Yong sa sideline naman ni Mama na nagbebenta siya ng bags, damit, make up at iba pa ay successful. Dahil marami talagang umorder sa kaniya. Minsan pati kaklase ko ay nag-oorder kaya malaking tulong iyon sa amin, pero kahit gano'n. Nagkukulang pa rin dahil sa mga kamag-anak naming laging pinapaboran ni Lola.


Buwan buwan may nakukuhang pera si Lola dahil sa pension niya pero para sa sarili niya lang iyon ginagastos. Kaya naman kapag may nangungutang na kamag-anak, kahit kay Lola nagsasabi, si Mama pa rin talaga ang nagbibigay. Hindi ko maintindihan kung bakit oo lang ng oo si Mama. Ayaw niya ring nagagalit si Lola sa kaniya at parang mas spoiled pa si Lola kaysa sa aming mga anak.


"AKO SA SHOTGUN!" agad na sigaw ni Thea. Agad namang umangal si Ken at Gelo. Si Charles ay tahimik lang na naupo sa usual spot niya sa back seat. Si Kael naman ay inistart na ang kotse niya.


"AKO! PINSAN AKO DIBA! TABI!" sigaw ni Ken pero sinabunutan siya ni Thea.


"AKO NA LANG! MAGVLOVLOG AKO!" sigaw din ni Gelo habang hawak ang camera niya at tripod.


"Psh! Tori ikaw na dito sa Shotgun. OOPS! Walang aangal ako may-ari ng kotse!" sigaw sa amin ni Kael. Napa simangot naman agad ang tatlo. natatawa akong sumakay sa shotgun.


"Kasi! Dapat pala sumakay na agad ako!" reklamo ni Thea. Ilang beses pa silang nagsisihang tatlo.


"Akala ko ba magvlovlog ka Gelo?" tanong ko para tumigil na sila.


You're my Answered Prayer [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon