CHAPTER 33

12 8 0
                                    


"Last ng meeting 'to, Ate?" inip na tanong ni Jacob habang papunta kami sa meeting room.

"Oo, pagkatapos uuwi na tayo kaya ayusin mo 'yang mukha mo. Bawal nakasimangot!" saway ko sa kaniya. Napabuntong hininga siya pero sinunod din ako.

Pang-limang meeting na yata namin 'to ngayong araw lang. Nagsimula kami nang ala-sais ng umaga tuloy-tuloy hanggang ngayong gabi. Nalipasan na nga kami ng gutom sa dami nang ginagawa, paano kasi hindi pumasok si Papa at kami ang pinapunta niya sa office. Mabuti na lang mababait ang mga managers at board of directors/members namin at tinuturuan pa kami lalo na ni Sir Rich, ang secretary ni Papa.

"Ayaw na yata kami makita ni Mister Fernando." Pabirong bungad ni Attorney Ching na siyang corporate lawyer namin, nirekomenda siya ni Tita Chynna dahil matagal sa kanilang nag-trabaho ito.

Nagtawanan ang ilang board members at nakidagdag pa ng biro. Napa-iling na lang kami dahil kahit nandito si Papa ay laging may biruan muna bago mag-seryoso sa meeting. Nang umupo na kami sa harapan ay agad silang tumahimik at indikasyon na 'yon na simula na at seryoso na. Hindi ko alam kung bakit automatic na sa kanila 'yon siguro isa rin sa mga rules ni Papa.

"Kung magpapatuloy ang maganda nating sales ay makakapag-expand tayo hindi lang condominiums kung hindi resorts din." Masayang sabi ng isang board director na siyang nag-prepresent sa harapan. "Kaya naman, naghanap na ako ng possibleng pagtayuan natin. I suggest na sa Zambales tayo unang mag-tayo." Nagkatinginan naman kami ni Jacob.

"Uhm, masiyado naman pong mabilis. Hindi rin naman po biro ang ilalabas na pera para sa project na 'yan knowing na hindi pa tapos ang pinapatayo natin sa Makati." Sabi ko. Nagsitanguan ang iba, ang iba naman ay binasa ulit ang binigay na folders kanina.

"Oo nga naman, hintayin muna na nating ma-establish ang branch natin sa Makati."

"Pero mas maganda diba kapag nakabili na tayo ng lot para sa resort."

"Mag-focus muna tayo sa Condominiums since nagsisimula pa lang tayo."

"Pero sana maka-abot rin kay Mister Fernando."

Nagkatinginan ulit kami ni Jacob bago siya nag-taas ng kamay para tumahimik ang lahat. Sumenyas siya na magpatuloy ang presentation kaya 'ayun ang nangyari. Palihim akong napangiti dahil kahit bata pa si Jacob ay makikitaan na siya ng awtoridad kahit sa simpleng kumpas lang ng kamay niya, kaya lang minsan ay napagsasabihan ko siya dahil may nasusungitan na siyang mga empleyado namin.

Pagka-uwi namin ay pasalampak kaming umupo sa sofa dito sa office ni Papa. May mga pinipirmahan siyang papeles na binigay namin sa kaniya kahapon. Ngayon ay mayroon na naman siyang kailangan pirmahan at i-approve.

"Kumain na ba kayo?" tanong niya. Wala na kaming energy ni Jacob para sumagot dahil sasabog na yata utak namin sa dami ng ginawa namin kanina. Napatingin sa 'min si Papa at natawa kaya sumimangot ako. "Osige, mag-papadeliver na lang ako, hindi rin kasi nagluto ang Mama niyo at panay ang bake ng cake. May balak yatang mag-patayo ng cake shop." Pa-iling-iling na sabi ni Papa. Nang magbuntis kasi si Mama ay panay na ang pag-bake nito, hinayaan na lang namin siya kahit minsan ay mula breakfast hanggang dinner ay puro cake ang kinakain namin. Minsan kapag uuwi ako sa BK ay may dala akong sandamakmak na cake kaya tuwang-tuwa naman si Ken.

Maya-maya ay pumasok si Linda na karga si Pretzel na agad na pumunta sa 'kin. Sumiksik siya kay Papa kaya inasar siya ni Jacob na hindi na siya ang bunso at baby ni Papa. Nag-asaran lang kami hanggang dumating na ang pinadeliver ni Papa. Nagulat pa ako dahil lahat ng paborito namin ay nandoon.

You're my Answered Prayer [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon