CHAPTER 31

14 8 0
                                    


"'Wag kayo masiyadong uminom, lagot kami kila Kael eh!"

Nagtawanan lang kami ni Thea bago uminom ulit. Nakita naman ang pagkamot sa batok nila France, Rafi at Max na siyang kasama namin ngayon. After party na 'to kaya wala ng mga matatanda puro mga kasing edad namin at mg kakilala ni Rico. Naka-bikini top at naka beach shorts kami ni Thea, black ang sakaniya sa 'kin ay red. Sa una ay hindi ko alam na may after party pala buti na lang may dala si Thea kaya nakapag-palit ako.

Noong formal party ay hindi na ulit nag-krus ang landas namin ni Rico dahil sa dami ng bisita niya ay impossible na talaga, pero ayos lang dahil nagkita naman na kami bago pa magsimula ang party niya. Nakita ako ni Tita Yarie at Tito Ricardo pero si Tito Ricardo lang ang nakipag-usap sa 'kin. Kahit nginitian ako ni Tita Yarie ay alam kong peke 'yon pero hindi ko na lang din pinansin.

"Uuwi ba tayo? Gusto niyo rito na matulog?" tanong sa 'min ni France. Ang usapan kasi pagkatapos ng party ay uuwi rin kami ni Thea sa bahay, sila Kael na ang bahalang mag-uwi ng mga gamit namin. Hindi ko nga alam kung bakit sila hindi pumunta kahit imbitado sila.

"Hindi! Uwi tayo! Alam mo naman hindi ako nakatutulog sa ibang lugar!" pasigaw na sagot ni Thea bago uminom ulit. Natawa naman at sabay pa kaming tumili.

"God! Tori, stop na." pigil sa 'kin ni Max halatang kanina pa nag-titimpi.

"Mga bespren, tubig na lang muna kayo oh! Hehehe!" nag-aalangan na sabi ni Rafi pero sabay kaming umiling, sa pag-iling ko ay nakaramdam ako ng hilo kaya napahawak ako sa table namin. Shems! Lasing na ba ako?

"Tigil..no.. water.. only.. Ano 'to? Alfonso? Tanduay? Wine? HAHAHAHA!" hindi ko na alam ang pinagsasabi ko basta gusto ko lang tumawa nang tumawa.

"Wait, kayo muna bahala sa kanila. I'm gonna call someone." Paalam ni Max.

"Hoy driver! 'Wag mo 'ko iwan hindi ako marunong mag-drive!" sigaw ko pero inilingan niya lang ako na kinatawa namin ni Thea.

"Swimmig tayo Kups!" aya ni Thea na pagewang-gewang na.

"Gaga! Hindi ako masiyadong marunong! Seben feet 'yan oh!" pagewang-gewang na sabi ko dahil hinihila na niya ako.

"Akong.. HAHAHA! Ako bahala sa'yo Kups! Maninisid ako! Ay.. ako pala ang sinisisid ni France! HAHAHHA!" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Hala weh! Sana all!" hindi ko alam ang susunod na nangyari dahil bumagsak na kami sa tubig. Nang hindi na ako makahinga ay kinabahan na ako. Hinanap ko ang kamay ni Thea pero nakita ko rin siyang tuloy-tuloy sa paglubog. Nang humapdi ang mga mata ko ay napapikit na lang ako at tumigil na sa paggalaw. Bye world! Yow!

"Tori! Damn!" may naramdaman akong malambot sa labi ko na may kasamang hangin kaya tinanggap ko 'yon. Ilang beses pang naulit 'yon bago ako napamulat kasabay ng pagsuka ko ng tubig at may lumabas pa sa ilong ko. Ang hapdi!

"Fvck! Ano bang ginawa niyo?" napatingin ako kay France at nakita ko siyang yakap si Thea na umiiyak. Teka ano bang meron?

"A-Anong.." hindi ko pa natapos ang sasabihin ko nang makita ko si Rico na nag-aalalangang tumingin sa 'kin. Basang basa ang katawan niya at gano'n din ako.

"Nahulog kayo sa pool tapos nawalan ng malay si Thea ikaw naman ay kamuntik nang malunod. God, Tori! Sabi nang 'wag kayong masiyadong iinom eh!" tuloy-tuloy na sabi ni Rico pero tumawa lang ako.

"G'wapo mo 'no?" walang kwentang sabi ko, tila hindi nakatulong ang kamuntikan kong pagka-lunod para mawala ang kalasingan ko. Napasapo siya sa kaniyang noob ago ako balutan ng t'walya para hindi ako lamigin. "Ikaw ba 'yong humalik sa 'kin kanina?" tanong ko ulit habang pinupunasan niya ako.

You're my Answered Prayer [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon