CHAPTER 27

18 10 0
                                    

"Ma? Pa? bakit walang ilaw?" nagtatakha akong pumasok.

Sa mga nakaraang linggo ay hindi ako naka-uwi dahil maraming activities sa school at... oo 'yon lang. Kahapon noong magkasama kami ni Rico ay pinapa-uwi ako nila Papa dahil may pag-uusapan daw tungkol sa pagbubuntis ni Mama. Kaya kahit ayokong umuwi dahil alam kong makikita ko siya ay nagpahatid ako kila Kael na uuwi rin naman talaga.

"Hala sis, hindi kayo nagbayad ng bill?" narinig kong tanong ni Thea at may narinig pa akong tawanan.

"Hindi—"

"HAPPY 19TH BIRTHDAY, TORI!"

Napapikit ako saglit dahil sa biglang pagbukas ng ilaw bago napangiti nang makita sila Mama, Papa, Jacob, Linda, Ate Lina, Lola at ang mga Kupal na may kaniya kaniyang hawak na lobo. Nagulat pa ako nang biglang sumulpot si Alberto Justin an siyang may dala ng cake. Gosh! Birthday ko na pala! Sa sobrang occupied ng utak ko ay hindi ko naalalang birthday ko na pala.

Hindi alam nila Mama ang nangyari sa pagitan namin kaya siguro naisip nila na ayos lang na si Alberto Justin ang may hawak no'n. Sigurado rin akong si Mama ang nag imbita sa kaniya dahil siya ang pianglilihian nito.

"Thank you." Masayang sabi ko habang isa isa nila akong niyakap. Si Lola naman ay halatang maganda ang mood dahil hinalikan niya pa ako sa pisngi.

"Make a wish, love." Napatingin ako sa kaniya at pinasingkitan siya ng mata. Ngumiti lang siya at parang walang pakialam kung may makarinig sa kaniya, napatingin ako kila Papa na nakangiting nakatingin sa 'kin tila hindi nila pinansin ang sinabi ni Alberto Justin.

"Uhm," pumikit ako. Sa totoo ay walang pumapasok sa utak ko kundi siya lang, kung sino ang nasa harap ko ngayon. Ugh! Kaya kahit peace of mind pa lang ang nasabi ko sa utak ko ay hinipan ko na agad ang candles.

Naghiyawan sila at sabay sabay na bumati. Napansin kong may pa banner pa silang ginawa para sa 'kin at maraming lobo. Nag-aya si Ate Lina na mag-picture kaming lahat kaya pinatong na lang ni Gelo ang camera niya at tinimer.

Masaya ako dahil kasama ko sila sa birthday ko kahit ngayon ko lang 'yon naalala. Sa daming nangyari nitong nakaraan pati kaarawan ko ay nakalimutan ko na. Napailing ako at huminga ng malalim para mawala sa isip ko ang mga bumabagabag sa 'kin.

"Nasaan sila Rico?" tanong sa 'kin ni Thea.

"Malelate raw sila." Si Ate Lina ang sumagot para sa 'kin dahil hindi ko rin naman alam kung bakit wala sila. Medyo nadissapoint lang ako dahil siya ang inaasahan ko kaysa kay Alberto Justin.

"Ohoy! 'Wag kang gahaman!" natatawang sabi ko kay Ken. Iniislice ko na kasi ang cake ko at si Ken gustong mas malaki ang sa kaniya.

"Psh! Tita p'wede round 2 diba?" tanong niya kay Mama na hinihimas ang tiyan niyang may umbok na habang kinukuhaan siya ni Papa ng pagkain.

"P'wedeng p'wede mga anak! Lalo ka na Tori! Pumayat ka na naman!" pagpupuna niya sa 'kin. "Kaya lalong halata ang kaliitan mo eh!" pang-aasar sa 'kin ni Mama.

Kunyari akong napanguso an kinatawa nila lalo na si Papa. Aba!

"Wow Papa, tawa lang 'no?" inis na sabi ko.

"Hahaha! Totoo naman anak. Hijo pakainin mo nga 'yan." Nagulat ako nang tapikin niya ang balikat ni Alberto Justin na kanina pa nakatitig sa 'kin.

"Papatabain ko pa po kung gusto niyo." Loko loko niyang sagot. Inirapan ko lang siya bago ko tinapos ang pag-slice ng cake ko.

Maya maya ay dumating na si Kuya Gus, Kuya Andrei, Ate Arianne at sila Tita kaya lalong umingay. Kaniya kaniya silang p'westo sa bahay buti na lang at kasya kami. Naupo ako sa dining chair at kukuha na sana nang pagkain nang biglang lumapit sa 'kin si Alberto Justin at inabutan ako ng paper plate na punong puno ng pagakain.

You're my Answered Prayer [EDITING]Where stories live. Discover now