CHAPTER 30

15 9 0
                                    

"I've been calling him so many fvcking times!"

"Same bro, Yuan just turned off his phone! Damn!"

"Bad news 'to pre! Baka kung saan pumunta ang mga 'yon!"

Halos mahilo na kami ni Thea dahil sa palakad lakad nila Daniel, France, at Rafi, kapwa mga natataranta. Si Max naman ay kakarating lang dahil hinatid niya muna si Tita. Nandito kami ngayon sa R1800 bar kung saan inakala naming dito namin makikita sila Yuan at Rico.

"Nahabol ko naman siya bro, pero ang pvtek ang alam ko talaga may kinausap lang siya saglit sa phone tapos nagulat na lang ako biglang paalis na 'yong kotse." Kwento ni Rafi at pabagsak na umupo sa tabi ko sabay inom ng alak.

Napa-iling na lang silang lima at sabay sabay na uminom. Katulad ni Yuan ay nag-walkout din si Rico pagakatapos niya akong tingnan. Sinubukan ko siyang habulin pero huli na dahil paalis na agad ang kotse niya. Hindi na rin ako bumalik sa loob ng mansion nila dahil sumunod na rin sa 'kin sila Thea palabas.

Hindi ko na rin alam kung anong nangyari kila Lee pero panatag na rin ako lalo na't tinanggap agad sila ni Tita Mei. Sobrang proud ako kay Lee dahil naging malakas siya kanina at talagang makikitang mong sincere siya sa mga sinabi niya. Sana ay maging masaya na sila ni Mika katulad ng dapat na mangyari.

"Okay, I'm out. France ihatid na natin sila, gabi na rin. Tawagan niyo na lang kami kapag may balita na." sabi ni Max pagkatapos uminom sa baso niya. Tumango na lang si Rafi at Daniel na panay pa rin ang kalikot sa phone.

Nagpaalam kami sa kanila ni Thea bago umalis. Si Thea ay sumabay na kay France samantalang ako ay kay Max ulit. Tahimik lang kaming dalawa at tila nabigla rin talaga sa mga pangyayari. Expected na naming hindi magiging maganda ang reaksyon ni Tita Yarie pero hindi ko ineexpect na sasagutin ni Rico ang Mama niya sa unang pagkakataon. Ayokong isipin na dahil sa 'kin 'yon pero alam kong kasama ako sa mga dahilan kung bakit niya sinabi 'yon kaya hindi ko rin masisi si Tita Yarie kung bakit galit siya sa 'kin.

"Noong highschool kami, he fell in love with a girl, like really hard." Napatingin ako kay Max na seryosong nag-dardrive. Sino ba ang inutukoy niya? "He courted her and eventually sinagot din siya after a year. Doon namin nakita kung gaano kasaya si Yuan at mind you, sobrang tino niya nang mga panahon na 'yon. Nalalagpasan niya pa ako sa ranking, even si Rico ay nalalagpasan niya because of her." Nakita ko pa ang pagngisi niya, tila inaalala ang mga nangyari noon.

"Anong nangyari bakit.. bakit siya iniwan?" tanong ko.

"Katulad sa inyo ni Rico pero may ginawa kasi si Tita Ling sa pamilya ni Loizel, Yuan's first love. Ginawa talaga noon lahat ni Tita para magkahiwalay sila, wala siyang pakialam kahit nasasaktan ang anak niya basta dapat sumunod si Yuan." Natikom ko ang bibig ko at inantay na lang ang sunod niyang ikwe-kwento. "Arrange marriage, bata pa lang kami alam na namin na may posibilidad na maranasan namin ang mga 'yon kaya never din sumagi sa isip ko na magmamahal ako ng seryoso dahli alam ko ang kakahantungan no'n."

"P-Pero wala namang nabanggit si Tita Chynna tungkol diyan.." kasi sa pag-kakatanda ko ay gusto na nga ni Tita Chynna na magka-girlfriend siya.

"Yeah kaya I love my Mama so much. Hindi ko ipag-kakaila na I'm a Mama's boy." Natawa kami pareho sa sinabi niya. "Dahil sa ginawa ni Tita Ling sa pamilya ni Loizel, bigla na lang hindi nagpakita si Loizel kay Yuan. She left him."

"Yuan tried to find her pagkatapos ma-settle at ma-cancel ang engagement niya pero ilang buwan na ang lumipas never niyang nahanap ulit si Loizel. Pati kami ay walang ideya kung nasaan siya kaya noong nag-college na kami Yuan changed." Ngumiti siya ng mapait at napabuntong hininga na lang.

You're my Answered Prayer [EDITING]Where stories live. Discover now