CHAPTER 17

17 10 0
                                    


"Mag-ingat kayo mga Anak. Rico, pasensya na sa abala ha."


Naghikab pa ako pagkatapos kong yakapin si Mama para magpaalam. Si Rico naman ay halatang kulang rin sa tulog pero napaka fresh niyang tingnan, lalo na basa pa ang buhok niya at kasusuklay lang nito. Shet! Ang pogi mo kyah!


"Wala po 'yon, ayos na po sa 'kin ang makatulong. Ayoko rin po kasing makitang nag-aalala si Tori." Napatingin ako sa kaniya saka uminit ang pisngi ko. Umagang umaga! Rawr!


"Hay naku, mukhang may hindi kayo sinasabi sa 'kin mga Anak? Kayo na ba?" nanunukso ng tanong ni Mama. Agad nanlaki ang mata ko at napanguso. Si Rico naman ay nasamid at napa ubo pa. Mukha kaming guilty!


"H-Hindi pa Ma!" sigaw ko na lalong napangisi si Mama.


"Hindi PA, Hmm?" napanguso ako lalo at nag-iwas ng tingin. "Hahaha! Basta dapat ay magsabi kayo sa 'min at ayokong mag sisikreto kayo. Ang mga paalala ay wag niyong kalilimutan." Tumango naman kami ni Rico at nagpaalam na.


Hanggang sa makasakay kami sa kotse ay tahimik pa rin kami. Gusto ko sanang matulog pero magiging unfair 'yon sa kaniya kaya nag patugtog na lang ako at sinabayan 'yon. Pinilit ko siyang sumabay para hindi siya antukin kahit ang pupungay na ng mga mata niya. Medyo natraffic kami pero sakto lang ang dating namin sa school ko.


"Thank you talaga Rico." Sinsero kong sabi bago ako bumaba sa kotse niya.


"No problem basta ikaw." Kinindatan niya ako kaya natawa kami pareho.


"Ingat ka ha! Hmm.." saglit akong napayuko at uminit ang pisngi ko.


"Hmm? Do you need—"


Pinutol ko na siya at mabilis kong hinalikan ang pisngi niya. Hindi ko na tiningnan ang reaksyon niya pero alam kong nagulat siya. Mabilis akong naki halo sa mga schoolmates ko na kapwa papasok na sa school. Saglit ko pang nilingon ang kotse niya na umandar na papaalis. Nakangiti akong pumasok sa classroom kaya naman agad akong tinukso nila Hazel pero nakipag-asaran na lang ako sa kanila.


Ngayong araw ay naka schedule para mag-ayos ng classroom para sa Christmas party. Late na nga kasi dapat simula pa lang ng December ay may decoration na pero dahil busy kaming lahat pati ang advisers namin ay ngayon lang kami nakahanap ng time. Ang iba kasi naming teacher ay hindi na pumapasok kaya sinamantala namin 'yon para magplano at mag decorate para sa Christmas party.


"Tungtong ka na lang sa upuan Tori para magdikit ng garlands, mas pantay ka kasing magdikit, kapag itong si Lian tabingo!" sabi sa'kin ni Hazel saka naglagay ng isang Monobloc chair sa may labas ng pinto.


"Oo na! Ako na duling!" pikon na sabi ni Lian pero nagtawanan lang kami ni Hazel.


Pagkatapos naming ilagay ang mga 'yon ay nag-usap na kami tungkol sa party. Ang iba ay gusto ng parlor games kaso karamihan ay ayaw at gustong karaoke nalang at may premyo na lang ang pinakamataas na score. Pambata na lang daw kasi ang mga relay-relay pero para sa'kin ay ayos lang naman 'yon kasi alam kong mag-eenjoy kami. Nagtagal kami sa usapang pagkain. Ang iba kasi ay hindi pa sigurado kung makapapag dala sila ng mga sinabi nila kasi depene raw 'yon sa mga nanay nila. Ang iba naman ay puro kalokohan ang sinasabi, ayaw lang mag-ambag.

You're my Answered Prayer [EDITING]Where stories live. Discover now