CHAPTER 50

20 3 2
                                    


"Banyo lang ako.."

Paghinto ni Alberto Justin ng sasakyan ay agad akong nag paalam at nag madaling bumaba. Alam kong maya-maya ay susunod na si Karen para mag-ayos ng mukha. Totoong naiihi ako pero mas matimbang ang bigat na nararamdaman ko. Oo, nagseselos ako. Kahit ilang beses kong itanggi, kahit may tiwala ako kay Alberto Justin, nagseselos pa rin ako.

Kahit sabihin kong matagal na kaming magkakilala ni Alberto Justin alam kong mas nauna siya kaysa sa 'kin. Naging magkaklase, magkaibigan at mag nobyo silang dalawa. Kahit nag-break na sila ay magkasama pa rin. Eh ako? Kung tutuusin ay maikli lang. Maikling panahon lamang 'yon kumpara sa kanila.

Napailing ako sa kung ano-ano na ang pumapasok sa isipan ko. Lahat 'yon pangungumpara at isinisigaw no'n na mas matimbang ang pinagsamahan nila kaysa sa 'min. Nang matapos akong umihi ay tama nga ako, dito rin ang punta niya. May hawak siyang box ng tissue mula sa kotse ni Alberto Justin at may dala siyang leather jacket na nasa sasakyan ni Alberto Justin.

Yumuko lang siya at nagpunta sa may sink para maghilamos. Hindi siya maka salita dahil sa paghikbi niya kaya sa halip na hintayin siya ay lumabas na ako. Saktong paglabas ko ay nakita ko siyang hindi mapakali at halatang may iniintay. Lumapit ako nang hindi nagsasalita kaya napahinto siya.

"Karen—Love.." napahinto siya at agad napaiwas ng tingin. "I'm sorry—"

"Nandito na ba tayo sa pupuntahan natin? Saan pwedeng umupo?" pag-iiba ko ng topic. Natahimik siya saglit at mukhang may sasabihin pero hindi na naituloy. Tinuro niya lang ang pwesto ng mga benches.

"Wait—"

"Sige." 'yon lang ay nilagpasan ko na siya. Narinig kong tinawag niya ako pero nang tangkang hahabol siya ay 'yun naman ang paglabas ni Karen mula sa banyo at maayos na ulit ang mukha.

Napabuntong hininga ako at napatingin sa paligid. Tanaw mula rito ang taal volcano at lake. Walang tao ang nakatambay kaya parang solo namin ang lugar. Makulimlim at malakas ang hangin. Pumikit ako para damhin ang tunog ng paghampas ng alon at malakas na hangin. Pinili kong umupo sa pinakadulo, kung saan may poste ng ilaw at natatalsikan ako ng tubig mula sa mga alon. Ang ilang nilalakaran ay may bitak na, dahil siguro sa pagputok ng bulkan noon.

Ilang beses akong napabuntong hininga habang pinagmamasdan ang paligid. Gusto sigurong ipakita sa akin ni Alberto Justin ang sunset pero nabigo siya dahil makulimlim at mukhang may malakas na ulan ang parating. Parang ang nararamdaman ko ngayon, pabigat ng pabigat, kaunti na lang ay bubuhos na ang mga luha ko.

Ilang minuto akong nakatingin lang sa paligid at minsan nilalaro ang paa kong may yellow na nail polish na may nail art. Suot ko rin ang puti kong heels na sa tingin ko ay malapit nang masira, kasasadsad ko sa sahig.

"Uhm, AJ left for a while. " tumango ako ng hindi siya tinitingnan. May chance akong makatakas. Kinapa ko ang cellphone sa bulsa ko pero saka ko lang narealize na naiwan ko 'yon sa kotse, tatawagan ko sana ang isa sa mga kupal para magpasundo. "He asked me to give you this." Saka pa lang ako nag-angat ng tingin at nakita kong hoodie niya 'yun kung saan pareho kami. Isa 'yun sa mga binili kong couple hoodies naming dalawa.

"Okay lang, hindi naman ako nilalamig." Pagtanggi ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at dahan-dahang umupo sa tabi ko. Napa-usog tuloy ako bigla. Tila nagulat siya sa ginawa ko kaya narinig ko ulit ang pagbuntong hininga niya at nilagay sa pagitan namin ang hoodie na tinanggihan ko.

"AJ is a good man, minsan mean lang siya pero gano'n lang talaga siya." Napanguso ako dahil alam ko na ang kasunod. Hihingiin niya ulit si Alberto Justin tapos—"That's why I thought na he will immediately go after me sa New York noong nalaman niya na may nangyaring masama sa akin... but no.. " napatingin ako sa kaniya at nakita ko ang malungkot na ngiti niya.

You're my Answered Prayer [EDITING]Where stories live. Discover now