CHAPTER 49

15 2 0
                                    


"Kailan ulit start ng classes mo, love?"

Nandito kami ngayon sa unit ko, katatapos lang ng rehersals namin para sa graduation at lagi kaming half day kaya lagi ring nandito si Alberto Justin. Pumunta ako sa sink para magbanlaw ng kamay, katatapos ko lang kasing maghiwa ng carrots at ibang pansahog sa Caldereta. Napatingin ako kay Alberto Justin na pinapanood na mag-rise ang chocolate chip cupcake na binake ko kanina. Kanina pa siya diyan, sabik na sabik kumain, eh kakain niya lang kanina ng tiramisu.

"Next, next week pa. I'll be taking evening classes." Sagot niya bago nangalumbaba sa harapan ng oven. Nag-indian sit pa siya sa harap no'n.

"Ah, parang kay Neil noon. Dati kasi kapag sinusundo niya ako, after naming mag-dinner papasok na siya." Sabi ko habang nag-gigisa ako ng bawang at sibuyas.

"Yeah." Narinig kong sagot niya.

"May books ka na?" tanong ko. "Nagtext kasi sa 'kin si Neil, sabi niya may mga naiwan daw siyang books sa office namin dati na p'wede mo raw kuhanin." Sabi ko. Nagkaka-usap kami pero more on business matters. Hindi na naming napag-uusapan ang mga personal na bagay, ni hind inga kami nagkakamutsahan. Ang mga text namin madalas ay kung may ipapasadya lang ang Daddy niya.

"Hmm.."

"Tapos noon naalala ko, noong first year siya sa law school, 'yung unang week wala halos pumasok na professors. Kaya baka gano'n din sa'yo kaya 'wag ka muna mag-all out sa pag-aaral." Dagdag ko.

Nang hindi siya sumagot ay nangunot ang noo ko. Nakita ko siyang nakasimangot sa oven habang nakatitig sa mga cupcakes niya. Siguro naiinip na siya kahihintay. Natawa na lang ako at nagpatuloy sa pagluto.

Natapos na ako sa pagluluto ay hindi pa rin umiimik si Alberto Justin. Siguro kapag nakakain babalik din mood niya. Hinanda ko na ang mga plato namin at nagsandok na rin ako ng kanin at ulam. Sinundan ko siya ng tingin hanggang maka-upo siya sa pinaka-dulo ng lamesa kaya umusog na lang ako para medyo malapit ako. Nagdasal muna kami bago ko kinuha ang lalagyanan ng kanin para lagyan ang plato niya.

"Ako na.." mahinang sabi niya kaya nag-aalangan kong binitiwan ang hawak ko. Inabangan ko siyang lagyan din ang plato ko pero noong ginawa niya 'yon ay napabuntong-hininga pa siya.

"Okay ka lang?" nagtatakhang tanong ko. Hindi niya ako pinansin at naglagay ng ulam sa plato naming dalawa.

Napanguso ako at napatingin ako sa plato ko. Ang kaunti naman ng nilagay niya. Hindi na lang ako nag-reklamo at nagsimulang kumain na rin. Panay ang sulyap ko sa kaniya habang kumakain dahil tahimik lang siya at hindi man lang tumingin sa gawi ko.

"Love.." mahinang tawag ko pero parang hindi niya ako narinig at nagpatuloy lang sa pagkain, parang ang lalim ng iniisip niya. Lalo akong napanguso at kumain na lang ulit. May nagawa ba ako?

Hanggang sa paghuhugas ng plato ay nababagabag ako sa biglang pagtahimik niya. Hindi naman kami nag-away nitong mga nakaraan, napipikon ako minsan sa mg asar niya pero hindi naman kami nagkasagutan. Shems! Napanguso ulit ako at napabuntong hininga.

"Hey.." nagulat ako nang biglang yumakap sa bewang ko mula sa likod si Alberto Justin. Pinatong niya ang baba sa balikat ko kaya medyo bumagal ang paghugas ko ng plato. "I'm sorry, I'm just thinking.." sabi niya kaya nangunot ang noo ko.

"Ano naming iniisip mo kanina?" tanong ko at tinapos na ang paghuhugas ng plato. Kumuha ako ng tissue para punasan ang kamay ko bago ko hinawakan ang mga braso niyang nakapulupot sa 'kin.

"'Yung ilang taon tayong hindi magkasama.. Sayang lang.." malungkot na sabi niya. Humarap ako sa kaniya at pinulupot ang dalawang braso ko sa batok niya. Niyakap niya ang bewang ko pero hindi siya makatingin ng diretso sa akin.

You're my Answered Prayer [EDITING]Where stories live. Discover now