CHAPTER 11

21 16 1
                                    


"Sabi na nga ba at puyat ang mga kupal na 'yon e!"


Inis na sabi ni Thea habang nag strestretching kami. Kasama namin si Ate Lina na medyo tulala pa dahil mukhang puyat kagabi, hindi ko na nga sana siya isasama kaso nauna pa siyang nakapagbihis sa 'kin kaya hinayaan ko na. Si Ate Julia naman ay hindi yata umuwi kagabi kasi nakasalubong namin siya ni Ate Lina pagkalabas namin ng bahay, mukhang nakiparty dahil amoy alak at sigarilyo siya.


"Parang hindi ko pa nakikita ang Reyes?" tanong ko at siniko si Ate Lina pero agad naman siyang sumimangot.


"Lakompake!" masungit na sabi niya at inayos ang pagkakatali ng buhok niya. Sakto naman nakita ko sila Andrei na nagjojogging na. Pasimple kong hinila ang buhok ni Ate na busy sa pagtatali ng buhok.


"Ano ba!" inis na sabi ni Ate nginuso ko naman si Andrei na kakwentuhan si Albero Justin. Mabilis lang na lumingon si Ate pero umiwas din at nagpanggap na wala siyang pakialam.


"Alam mo pabebe ka rin Ate!" bulong ko sa kaniya.


"Galit ako sa kaniya!" bulong niya pabalik at ilang ulit na umirap. Tumawa ako at kumaway kay Alberto Justin kaya napatingin din si Andrei sa 'min. Nakita ko ang mabilis na dako ng mata ni Andrei kay Ate Lina na hindi talaga lumilingon.


"Hay Salamat naman at nagising na rin kayo!" napatingin ako kay Thea na kabababa lang ng phone at ang mga kupal na papalapit sa 'min. Hinanap agad nang mata ko si Rico pero wala siya. Nagpalinga linga pa ako pero wala miski anino niya.


"Looking for me?" napatalon ako nang may bumulong mula sa likod ko. Bumiilis ang tibok ng puso ko at napatitig sa kaniya. Naka black sando siya at jogging pants na gray. Halata ring mamahalin ang sapatos na suot niya.


"Assuming!" pasaring ko para hindi ipahalatang kinikilig ako. Nakita ko ang pag ngiwi niya at tiningnan ang kabuuan ko. "Oh bakit?" tanong ko at tiningnan ang suot kong Sports bra at leggings na kulay itim.


"Uhh. Nothing." sabi niya at hinawakan na ako sa siko para makasabay siyang maglakad.


Hindi ko napansin sila Ate Lina dahil nauna kaming nag jogging kaysa sa kanila. Nagkwentuhan kami kaunti ni Rico at nalaman kong tennis player pala siya. Pero matagal na siyang hindi nakapag laro dahil busy. Minsan daw ay isasama niya ako para mapanood ko siyang maglaro pati para maturuan niya ako. Naglalaro naman ako ng volleyball at badminton pero larong kalye lang hindi pang laban kaya hindi ko na lang binida 'yon baka madissapoint ko pa siya.


Nagpahinga kami sa isa sa mga bench dito sa Plaza Centre dahil ang hirap sabayan ng takbo niya. Hapong hapo na ako hindi pa siya pinagpapawisan.


"You tired already?" tanong niya habang inabutan ako ng tubig na kabibili niya. Napa-irap ako sa kaniya dahil obvious na obvious naman.


"Epsi ka?" pikon na sabi ko at natawa lang siya. Nag jumping jacks siya sa tapat ko kaya napatingin ako sa kaniya. Pinasadahan ko ng tingin ang katawan niya at kahit nakasando siya ay halata na may abs siya.

You're my Answered Prayer [EDITING]Where stories live. Discover now