CHAPTER 43

19 10 0
                                    


"Nagkaproblema po sa branch natin sa San Fernando, madalas pong mawalan ng kuryente between 12 to 9 PM."

Tumaas ang kilay ni Jacob habang nakikinig sa branch manager. Mag-hahatinggabi na pero kumpleto ang board dahil maaring bumaba ang sales namin dahil dito. Nagbasa-basa lang ako sa mga ilang reports at may napansin akong mali.

"Wait! Bakit pare-pareho ang reports niyo from June hanggang ngayon? Sinong nag-aapprove nito?" seryosong tanong ko. "At as far as I remember wala pang dumadaaan sa akin galing sa accounting department." Binagsak ko ang folders sa lamesa kaya napasinghap ang iba. Kinuha 'yon ni Jacob at napakunot din ang noo niya.

"S-Sa akin po dumadaan Ma'am pero—"

"Bakit hindi mo ako ininform agad?" inis na tanong ko. Napayuko siya bago naiiyak na tumingin sa akin. Bago pa siya magsalita ay sumingit na si Jacob.

"Are you really doing your job?" nakakatakot na tanong ni Jacob.

"H-Hindi ko lang po talaga napansin agad, since nag focus po ako sa paghahandle ng resorts natin around pampangga." Napabuntong hininga ako at minasahe ang sentido. "A-And si Misis Fernando po ang—"

"How come? Bago mapunta sa kaniya ang mga documents ay dumadaan muna sa amin ni Jacob." Inis na tanong ko. Hindi ko alam kung hindi ko lang napansin pero impossible dahil lahat ng condominiums at resorts namin ay kabisado ko. 

"B-Basta po kay Misis Fernando po ako nagpapasa ng reports.." mahinang sabi niya.

Pagkatapos ng meeting ay nag desisyon kami ni Jacob na bisitahin ang branch doon kinabukasan. Wala siyang klase pero ako meron, kaya ko naman magpa-excuse. Naka-indian sit ako sa sahig habang inaayos ang ilang documents habang si Jacob ay may mga binabasa.

"Tawagan kaya natin si Mama?" tanong ko sa kaniya.

"Tinawagan ko na, fault niya raw at hinayaan niya pero nagpadala naman daw siya ng notice sa San Fernando pero hanggang ngayon hindi pa rin nagbabago." Pailing-iling na sabi ni Jacob. "Ate, ilipat na kaya natin sa pangalan mo 'tong company para sa'yo na lang ang pirma at hindi na natin kailangan pagtrabahuhin si Mama." Dagdag niya pa.

"Jacob kung may magmamana man nito ay ikaw 'yon. Hindi ko nakikita ang sarili ko na magtrabaho ng matagal dito sa kumpanya. Matagal pa akong mag-aaral at siguradong kapag nag med school ako ay sa'yo rin maupunta 'to." Sabi ko.

Kinabukasan ay nagpunta rin kami kaagad at pagdating palang namin doon ay sumalubong na ang maraming problema. Kung ako ay kalmado at laging pabuntong hininga si Jacob naman ay galit na galit. Masungit na siya lalo pa siyang sumingit kaya kapag nag-utos siya sinusunod agad. Basta tungkol sa negosyo, gusto ni Jacob maayos lahat. Mukhang napabayaan namin ang branch dito sa Pampanga. 

Panay kasi ang request nilang ng budget pero hindi naman nila inaayos ang ibang sira rito. Dahil sa dami nang inasikaso ay kinabukasna na kami naka-uwi at mukhang hindi na naman kami makakapasok dahil babalik pa kami ro'n.

"Kumain muna tayo bago tayo bumalik doon." Sabi ko kay Jacob pero umiling lang siya habang inaayos ang polo niya.

"Drive-thru na lang Ate, maghati tayo sa pagdra-drive kailangan kong mag-quiz sa isang subject ko." Sabi niya. Umo-oo na lang ako kasi alam kong mas pagod siya sa akin. Woh! Magdra-drive ako?

Tinawagan ko si Jiero at sinabihang kuhanin na lang niya ang ilang activities ko na ipapasa ngayong araw. Sinabi ko rin na pasahan niya ako ng notes at ang ilang pinapagawang activities pero ang sabi niya ay nagawa na niya ang akin.

You're my Answered Prayer [EDITING]Where stories live. Discover now