CHAPTER 14

32 14 1
                                    


"WAHHH! GAGO TALAGA KAYO!"


Napatili kami ni Thea nang gumalaw ulit ang boat na sinasakyan namin ngayon. Nasa Burnham Park kami ngayon at kasama namin ang mga singkit friends na pare-parehong naka shades e hindi naman masyadong maaraw, foggy pa nga.


"WAHH! MAMA!" tili ko at napakapit kay Niko at si Thea naman ay kay Charles pumulupot.


"TIGILAN NIYO NGA KAPAG TAYO LUMUBOG!" sigaw ulit ni Thea pero tuloy pa rin sa pag gewang sila Kael at 'yong mga singkit at panay ang tawanan. Si Gelo naman ayun nilalapit pa sa mukha namin ang camera niya.


"HAHAHAHA!" tawa nila. Kumanta kanta at sabay sabay na ginewang ang bangkang sinasakyan namin. Nakatingin na ang iba sa amin, 'yong iba ay natatawa at 'yong iba ay natatakot para sa amin.


"PVTANGINA NIYO! WAHHH!"


"WAHHH CHARLES!"


Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko. Hindi ako masyadong marunong lumangoy, ni hindi ko alam kung gaano ba 'to kalalim at nakasisiguro akong malamig ang tubig. Sinamaan ko ng tingin si Jiero na nangunguna pa sa pagkanta.


"HOY TAMA NA NAIIYAK NA SI THEA! HAHAHAHA!" natatawang sigaw ni Gelo at lumayo nang hampasin siya ni Thea na sumubsob na sa balikat ni Charles.


"Gusto ko umiyak muna si Tori HAHAHA!" pang-aasar ni Jiero bago kumanta kanta ulit. Sinamaan ko siya ng tingin at minura siya. Humigpit ang kapit ko sa braso ni Niko na bahagyang natatawa na rin. Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit bago pinatigil ang mga Kupal.


"Mga bobo, Tigilan niyo na!" sigaw niya, natatawa naman silang tumigil at panay ang asar sa amin. Sumenyas si Sean na 'wag silang isasama sa video pero dahil sa lakas ng boses ni Jiero ay nakuhanan pa rin sila.


Pagbaba namin mula sa boat ay agad naming pinagpapalo ni Thea ang mga Kupal. Nakakabadtrip talaga sila. Hindi namin sila pinansin ni Thea at tanging si Niko at Charles lang ang pinapansin namin hanggang mapunta na kami sa bicycle area kung saan pwede kang magrent ng may time limit lang.


Hindi ako masyadong marunong mag bike kaya sobrang bagal ko. Kaya ko kapag tatlo ang gulong kahit makipag karerahan pa ako okay lang. Madalas pa rin na hawal ni Niko ang kamay ko at minsan ay nakaakbay sa 'kin. Hinayaan ko na lang dahil ganiyan naman siya lagi miski noon pa. Pero minsan ay umiiwas na ako dahil feeling ko magagalit si Rico kahit wala naman siya rito.


"Angkas kita Tori!" sabi sa'kin ni Gelo pero inirapan ko lang siya.


"Woohh! Bilisan mo pa Gelo!"


Tuwang tuwa ako habang nakahawak sa bewang niya at ang isang kamay naman ay hawak ang camera niya. Nakangiti kong sinalubong ang malamig na hangin dala nang mabilis na pagpapatakbo niya. Nasilip ko sa camera na kasunod lang namin ang mga Kupal at singkit na parang nagbabanggaan pa na akala mo ay bump car.

You're my Answered Prayer [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon