CHAPTER 42

20 10 0
                                    


"Huy! Sorry na nga eh!"

Iyak lang ako ng iyak habang yakap ang isang unan ni Alberto Justin. Bwisit! Sinamaan ko nang tingin si Kuya Gus at mukhang guilty na siya sa ginawa niya. Niloko niya lang naman ako na si Alberto Justin ang pumasok, paano ba naman kasi siya lang naman ang tumatawag sa akin ni 'Eliss'. Inis kong binato sa kaniya ang isang unan na nadampot ko at agad niya namang sinalo 'yon.

"K-Kasi naman eh! Kinabahan talaga ako!" inis na sabi ko habang umiiyak pa rin.

"Osige na, oh!" hinamapas niya sa sarili ang hawak niyang unan at tila pinaparusahan ang sarili sa pang-tritrip sa'kin. Napatigil ako sa pag-iyak at natawa na lang sa ginagawa niya. Loko-loko talaga!

Patapos na ang party at umuwi na rin ang mga bisita saka pa lang dumating sila Max. Niyakap ko sila at nagkamustahan kami dahil madalang na lang kaming magkita, lalo na sila Daniel at Yuan. Kapag may importanteng event sa kumpanya ay saka lang kami nagkikita-kita. Si Rafi minsan ay pinupuntahan ako sa school at si Max naman ay bumibisita sa bahay. Si France ay nakakasama ko dahil na rin kay Thea.

"You're late guys, tsk! Pinagtripan tuloy ako nila Jacob." Inis na salubong ni Rico. Namumula na ang mukha niya, siguradong dinaya ng mga Kupal ang mga shots na binibigay sa kaniya.

Kauuwi lang niya galing China at babalik din siya pagkalipas ng ilang buwan. Onti-onti na rin siyang gumagawa ng pangalan sa mundo ng pagnenegosyo, ang sabi niya sa akin ay gusto niyang bumukod sa mga magulang niya at ayaw niya nang umasa sa mga 'yon. Gusto niyang makilala siya ng mga tao hindi dahil sa Mama niya kung hindi dahil siya si Rico.

Masasabi ko namang magkaibigan na lang kami ngayon, pati si Rafi ay hindi na awkward kapag magkasama kami. Lalo na kay Niko, kapapasok niya palang ng seminaryo dahil nagtrabaho muna siya sa kumpanya nila at siyempre sa iba pang dahilan pero wala ako sa lugar makialam kahit kasama ako sa mga dahilan.

"[Ano, hindi pupunta Attorney mo?]" tanong sa 'kin ni Jiero sa kabilang linya. Narinig ko pa ang pagbusina niya, siguro ay nag-dradrive 'to.

"Hindi pa nga umuuwi eh!" inis na sabi ko bago uminom ng alak, nasanay na akong uminom dahil sa mga Kupal pero kumpara sa kanila ay nauuna pa rin akong malasing.

"[Alam ko na 'yan! 'Yong isa mong Attorney! Diba siya naghatid sa'yo diyan?]" natatawang tanong niya.

"Oo gago ka kasi! Ang sabi mo wala kang ganap today, prisinta kapang sasama ka hindi naman pala!" naasar pa ako lalo nang tumawa siya. "Hinatid lang ako, mag-aaral pa raw siya eh."

"[Sus! Ang sabihin mo takot siya kay brother Jacob at kay bestpren Max!]" tawa na naman siya nang tawa kaya nahawa na lang din ako. "[Idagdag mo pa na bahay 'yan ng ex mo! Ooppss!]"

"Pvtangina mo talaga! Ibaba ko na, mag-ingat ka sa pag-dradrive, kapag nabangga ka diyan tatawanan talaga kita."

"[Pvtangina mo rin! Mas tatawanan kita kapag biglang dumating ex mo tapos may jowa nang iba!]" inis kong binaba ang tawag pero agad din naman siyang nag-text.

From: JieroBOBO

'Wag ka masiyadong maglasing, kukutusan kita kapag umiyak-iyak ka nanaman diyan!

Hindi ko talaga alam kung concern siya sa akin o nang-aasar lang. Mura lang ang nireply ko at sinendan niya rin ako nang maraming mura. Hindi ko na lang pinansin 'yon at uminom ulit. Well, totoo naman ang sinabi niya, may mga pagkakataon na kapag nalalasing ako ay umiiyak na lang ako bigla at lagi kong hinahanap si Alberto Justin. Oo na, miss ko na siya okay?

You're my Answered Prayer [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon