CHAPTER 18

20 11 0
                                    


"Magsisimbang gabi na next week! Ano wish niyo?" tanong ni Thea.

Naka-upo kami ngayon sa hagdanan dito sa tapat ng Chapel. Kakatapos lang ng misa at mga church workers na lang ang natira. Hinihintay namin ngayon si Niko dahil may meeting silang mga sacristan. Nakita ko pa ang sasakyan ng mga Reyes pero hindi ko na 'yon pinansin dahil buong misa hindi talaga kami nagpansinan ni Alberto Justin tanging sila Kuya Gus lang ang binati ko.

"Oo nga noh! Hmm?" humawak si Ken sa kaniyang labi at pinaglaruan 'yon.

"Secret na 'yon kupal! " nakangisi naman sabi ni Kael.

Dito kasi sa Subdivision namin, kapag unang araw ng simbang gabi ay nagtitirik kami ng kandila at nag-wiwish. Tapos dapat kukumpletuhin moa ng simbang gabi para matupad. Naniniwala rin kami na within nine days ay p'wedeng matupad ang isa sa mga hiling mo tapos kapag natupad nga ang isa ron ay parang may mini ceremony kung saan mag-titirik ulit ng kandila para magpasalamat. Nakasanayan na namin 'yon dahil simula highschool ay ginagawa na namin 'yon nila Thea.

"Saan ba ang candle place this year Kuya?" tanong ni Thea, kasama na namin si Niko ngayon habang papunta sa Plaza Centre.

"Sa may tapat ng Chapel kaya papaurungin 'yong mga nagtitinda para mas malaki ang space, last year kasi ay nagkulang kaya dinamihan ni Father ang p'wedeng tirikan ng kandila." Sagot ni Niko.

"Excited na ako!" natawa kami sa pagsigaw ni Thea. Naramdaman ko ang akbay ni Charles sa'kin kaya napatingin ako sa kaniya.

"May problema?" bulong ko kasi kanina pa siya tahimik. Alam kong tahimik talaga siya pero hindi naman siya ganun pagdating sa'min.

"Do I really have a freaking wall?" nakakunot niyang tanong. Nagtataka rin ako na tumingin sa kaniya. "Hinaharangan ko ba talaga ang sarili ko para hindi ako mapalapit sa iba?" napabuntong hininga siya at sinandal ang ulo sa'kin.

"Hoy kayong dalawa! Bilisan niyong maglakad, magsasara na ang sisigan!" sigaw sa'min ni Gelo.

Sa sobrang seryoso ng pag-uusap namin ni Charles, ang bagal naming maglakad at sila Thea ay naka-upo na at naghihintay na lang ng pagkain. Kaya nagmadali na kami ni Charles sumunod sa kanila. Katabi ko si Niko pero casual naman kami sa isa't isa hindi nga lang maiiwasan ang ilangan lalo na kapag inaakbyan niya ako.

"Dapat sinabunutan mo ng bongga 'yung manyakis na 'yon! Grr!" nag-action pa si Thea na parang may sinasabunutan kaya natawa kami.

"Actually kups, wala namang mali sa suot mo kasi doon ka kumportble at hindi naman revealing 'yon para paglibogan." Sabi naman ni Kael.

"Kasi nga kapag taglibog, kahit anong parte nang katawan ng bababe, mamanyak na." sabi naman ni Thea kaya binatukan siya ni Kael.

"Pero seryoso, dapat pinablotter mo 'yun." Sabi naman ni Ken.

"Tumakas nga eh, saka hindi ko na rin masyadong maalala mukha, naiinis lang ako." Sagot ko.

"Buti na lang may isang Reyes don. Nasindak si Kupal eh!" sabi ni Gelo.

"Dapat turuan kayo ni Thea mag self defense eh! Tulad niyan hindi mo kami kasama Tori, paano kapag wala na talagang p'wedeng magtanggol sa'yo baka may masama pang nangyari." Suggestion ni Kael.

"Marunong naman sila ipagtanggol sarili nila. Bunganga pa lang ni Thea tablado na!" asar na sabi ni Ken.

"Dagdag mo pa mga hampas ni Tori! Boom!" panggatong ni Gelo. Inirapan ko lang sila at binato ng tissue si Gelo.

You're my Answered Prayer [EDITING]Where stories live. Discover now