CHAPTER 32

15 8 0
                                    


"[Ano sis, ilang linggo nang pabalik-balik si Alberto Justin dito inaasahang uuwi ka tuwing linggo pero hindi. Nag-away ba kayo?]"

Napahinto ako sa pagsusulat at napahawak sa ulo ko. Nandito ako ngayon sa milktea shop at nag-dradraft ako ng ilang reports na kailangan kong ipasa this friday. Inayos ko ang earphones ko na naka-connect sa cellphone bago sumagot.

"Ate Lina, gusto ko naman talagang umuwi kaso sobrang dami ko lang talagang ginagawa. Sembreak naman na next week kaya magkikita rin kami." Sagot ko.

"[Sus, madaming ginagawa pero nakakasama sa vlogs ni Gelo? Gagang 'to sa 'kin ka pa magsisinungaling? Tungkol ba 'to kay Karen?]" napabuntong hininga ako at nag-simula na namang kumirot ang puso ko.

Simula noong nalaman kong umuwi si Karen ay dumistansya na talaga ako kay Aberto Justin. Totoong marami akong ginawa nitong mga nakaraang linggo pero kahit gano'n ay kaya ko namang umuwi, natatakot lang ako.

Panay ang post ni Felly ng mga pictures nilang magkakasama nila Karen at ang tropa nila ni Alberto Justin. Nabanggit naman na sa 'kin ni Alberto Justin na umuwi na nga si Karen pero hindi niya masiyadong dinetalye. Hindi ko rin alam kung madalas ba silang magkita dahil ayoko siyang tanungin, natatakot ako sa sagot niya.

Araw-araw pa rin naman kaming nag-uusap ni Alberto Justin pero lagging tipid ang mga reply ko sa kaniya, kung ichachat ko siya ay nandoon na lahat, hindi ko na siya hinahayaang mag-tanong ng iba para hindi na humaba ang pag-uusap namin.

"[Ano? Silence means yes! Gaga ka! Alam mo ba chinismis sa 'kin ni Andrei na break na raw sila?]" nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Ate. "[Pero alam mo naman ang bebe ko minsan hindi ko alam kung nagsasabi ng totoo. Kung ako sa'yo tatanungin ko si Justin!]" napabuntong hininga ulit ako sa pahabol niya.

Kung sakaling totoo ngang break na sila, hindi ko pa rin alam ang gagawin. Nakilala ako ni Karen noon na bilang kaibigan lang ni Alberto Justin at alam kong pinag-katiwalaan niya ako pero ang boyfriend naman niya ang dahilan kung bakit kami napunta sa ganito, hindi ba? Kung hindi siya nagpakita ng motibo noon ay hindi ko naman mararamdaman ang ganito, kung hindi niya ako hinalikan ay.. Bakit ba ako naninisi? Gosh, Tori ang bobo!

"N-Natatakot ako, Ate."

"[Ang gulo niyo naman kasi, 'ayan walang label pa kayo ha!]" panenermon niya.

"Bakit kayo ni Kuya Andrei?" hamon ko. "Madalas kayong magkasama, hinahawakan niya pa lagi ang kamay mo. Hatid-sundo ka rin! Oh! Ano kayo mag-jowa?" dagdag ko.

"[E-Edi mag-pinsan nga tayo! Psh!]" sa halip na matawa ay pareho pa kaming napabuntong hininga. "[Basta ha! Umuwi ka na at tanungin mo na si Justin tungkol sa kanila ni Karen.]"

"Oo na, Ate. Tanungin mo na rin si Andrei kung anong label niyo ha." Alam kong asar na sa 'kin si Ate pero namiss ko na rin kasing makipag-sagutan sa kaniya.

"[Sige tanong ko rin si Justin kung kailan ka niya iiwan para masaya tayo pareho 'no?]" ako naman ngayon ang napikon.

"Sampal ko sa'yo mga hoodie niya na binigay na sa 'kin."

"[Sampal ko rin mga kahon ng condom na binibili namin ano?]" nanlaki ang mga mata ko.

"Gaga ka Ate, totoo ba?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Lagot ka kay Lola!" pagbabanta ko.

"[Baliw! Wish ko lang 'no! Hindi nga naattract sa ka-sexyhan ko, mas sexy pa raw mga naka-fling niya noon! Oh paano kami mag-kakapamilya niyan, hindi ko yata napapatayo ang alaga niya!]" natawa na lang ako sa pinag-sasabi ni Ate. "[Gosh! Tuyo pa rin ako girl, gra-graduate na ako't lahat, tuyo pa rin!]" reklamo niya pa.

You're my Answered Prayer [EDITING]Where stories live. Discover now