CHAPTER 16

22 12 0
                                    


"Pwede ba sila sa loob?"


Naglalakad na kami palabas ng parking lot. Karga ko pa rin si Ico samantalang si Ica naman ay nakay Rafi.


"May pinag-iiwanan ako sa kanila, tara! Gutom na rin 'tong mga 'to." Sabi niya at inakbayan ako gamit ang isa niyang braso, ang isa naman ay karga si Ica.


"Gutom na ang baby ko? Wawa naman." Pagbebaby talk ko kay Ico at dinilaan niya ang mukha ko kaya napapikit ako. "Wah! Hindi ako dog food!" reklamo ko. Narinig kong tumawa si Rafi at pinunasan ang pisngi ko habang pinagsasabihan si Ico.


Pagkaiwan namin sa kanila ay naglibot lang kami sa loob ng mall habang nag-uusap. Hindi ko alam kung sinasadya niyang hindi pag-usapan ang tungkol sa Hongkong trip nila or talagang wala siyang planong pag-usapan iyon. Hinihintay ko nga rin na banggitin niya si Rico pero ang tanging pinag uusapan namin ay mga aso niya tapos mapupunta sa Mommy niya tapos sa aso ulit.


"Unan na lang kasi! I'm starving!" reklamo niya.


"Fifty pesos lang 'yong worth dapat nung gift! Kriss Kringle!" pagpapaliwanag ko kahit obvious naman. Napakamot siya sa batok.


"Psh! Ang mura naman ng fifty pesos! Anong mabibili mo ro'n?" inirapan ko lang siya.


"'Yon nga challenge ron! Anong mura? Ang mahal na nga ng fifty pesos! Baon ko rin 'yon isang araw!" sabi ko sa kaniya habang naglilibot-libot kami.


"F-Fifty pesos? Baon isang araw? Anong mabibili mo ro'n? Bottled water?" hindi makapaniwala na tanong niya.


"Gagong 'to! Sa fifty pesos may ulam at kanin na ako! Sampung pisong kanin tapos 'yong ulam nagre range from 35 to 40 tapos bahala ka na sa drinks mo! Buraot buraot ka na lang ganern! Or mag babaon ka!" sabi ko, nakita ko pa siyang magbilang sa kamay niya. "Tapos kung tipid ka dahil kailangan mo ng pamasahe papunta at pauwi, may sandwich na 15 pesos lang! Minsan lugaw ganern!" nakita ko ang pagnganga niya kaya natawa ako.


"W-What?" hindi na naman makapaniwala na tanong niya.


"Rich kid kasi ikaw!" natatawang sabi ko at pumasok na ako sa isang store na puro Korean products ang binebenta. Parang wrong decision nga kasi ang dami kong gustong bilihin. Ang cute kasi! Tapos may bagong stock pa ng food nila. Wahh!


"Gusto mo ba ako magbigay ng allowance mo?" agad akong napatingin kay Rafi na halatang ang lalim ng iniisip. Binatukan ko siya.


"Boplaks! Sugar daddy?" napa buntong hininga na lang siya.


"It's just that, how? Ang liit ng baon mo tapos okay lang sa 'yo 'yon?" tanong niya.


"Hindi naman maliit ang baon ko. Monthly allowance ang binibigay ni Mama tapos ako na bahala ron, pero kasi sanay akong tipirin ang baon ko at fifty pesos ang limit ko sa paggastos sa isang araw para makapag-ipon ako. Minsan kasi hindi ako na nabibigyan ni Mama kaya kailangan may tabi ako lagi. Gets?" sabi ko habang kumukuha ng ilang face masks. Hindi ko mapigilan, Shet!

You're my Answered Prayer [EDITING]Where stories live. Discover now