CHAPTER 25

16 10 0
                                    

"Oh ano? Ba't ka ganiyan makatingin? Nawala lang saglit sa tabi niya, sus!"

Inismiran ni Ate Arriane si Alberto Justin na nakataas ang kilay sa Ate niya. Kakatapos lang namin kumain ng dinner at inaya ako saglit ni Ate Arriane sa garden para makipag-chikahan. Pagbalik namin ay si Alberto Justin na lang ang nasa table at halatang hinihintay kami. Nagpaalam na si Ate, kaya kami na lang dalawa ang natira. Pinaupo niya ako sa tabi niya at kumuha ng dalawang platito at tinidor.

"Anong pinag-usapan niyo?" tanong niya habang kinukuha ang tiramisung ginawa namin.

"Binackstab kita." Sagot ko, hindi ko na pinansin ang pag-irap niya dahil nae-excite na ako matikman ang ginawa namin.

Nag-indian sit ako sa upuan habang pinapanood ko siyang lagyan ang platito ko at pati ang sa kaniya. Nag picture siya pero hindi ako tumingin dahil gusto ko na talagang tikman ang ginawa namin. Kahit alam kong hawak niya pa rin ang cellphone niya ay kumain na ako.

"Hmm! Ang sarap!!" masayang sigaw ko. Narinig ko ang tawa niya at napasimangot nang makitang nakatutok sa 'kin ang camera niya. "Tikman mo na! Kainis naman 'to eh!" sabi ko at pilit inagaw ang cellphone niya pero siyempre nailayo niya ito kaaagad.

Pagkatapos naming kumain ay umakyat ulit kami sa kwarto niya para manood. Ganoon pa rin ang suot naming dalawa. Pareho kami ng t-shirt na nalaman kong batch shirt pala nila at ang isa raw ay noong naglaro siya ng basketball kaya dalawa, naka boxers kami parehas kaya pinilit ko siyang mag picture kami para sa remembrance.

"Tinatamad na akong manood, kantahan mo na lang ako. May utang ka pang kanta sa 'kin ah! 'Wag mo akong rasunan na busog ka." Pangunguna ko sakaniya. Mabilis kong kinuha ang gitara niya at patalon na umupo sa kama niya.

"Careful! Tsk!" kinuha niya ang gitara mula sa 'kin at tiningnan kung naka tono 'yon." What do you want me to sing?" tanong niya.

"Wala ako maisip, ikaw ano ba feel mong kantahin ngayon?" balik kong tanong.

Nakita ko ang pagbuntong hininga niya at pagpikit niya, magkaharapan kasi kami. Kumuha ako ng isang unan niya at excited na nakatingin sa kaniya. Yakap ko lang ang unan habang hinihintay siyang kumanta. Umubo muna siya bago tumingin sa 'kin at nagsimulang mag strum.

I don't have much to give, but I don't care for gold

What use is money, when you need someone to hold?

Don't have direction, I'm just rolling down this road

Waiting for you to bring me in from out the cold

Napatitig ako sa kaniya at napanganga sa ganda ng boses niya. Kung tama ako ay si Sam Smith ang kumanta nito pero hindi ko matandaan ang title. May pagka husky ang boses niya at talagang maantig ang puso mo sa ganda non. Seryoso lang siyang kumakanta at madalas ay sumusulyap sa 'kin.

You'll never know the endless nights, the rhyming of the rain

Or how it feels to fall behind and watch you call his name..

Pack up and leave everything

Don't you see what I can bring

Can't keep this beating heart at bay

Set my midnight sorrow free

I will give you all of me
Just..

Tumitig siya sa 'kin na nagdala ng kaba sa 'kin. Pakiramdam ko ay may maling nangyayari pero hindi ko matukoy kung ano. Bumagal ang pagkanta niya habang nakatitig lang sa 'kin.

You're my Answered Prayer [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon