CHAPTER 20

24 10 0
                                    


"Wahh! Tama na! Shems!"

Hinihingal akong napahawak sa dibdib ko dahil sa pagod. Para akong nag jogging sa Plaza Centre sa bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam na ganito pala ang gusto ni Rico. Masyado siyang energetic.

"Got you!" natatawa niyang sabi bago ako niyakap sa likod. Tumama pa ang binti ko sa may lamesa kaya napadaing ako.

"Suko na 'ko, sige sa'yo na ako." Nanghihinang sabi ko.

"I don't want to stop, babe." Sagot niya at mas mahigpit na humawak bewang ko.

"Jusko, Rico Ou! Isusumbong kita kay Mama at—Aray!" napadaing ako nang kagatin niya ang leeg ko. Gosh!

"Okay babe, one more and I will stop na." sabi niya kaya nakahinga ako ng maluwag. Naramdaman ko ulit ang halik niya sa leeg ako pakawalan.

Nang pakawalan niya ako ay nakangisi ko siyang pinalo sa braso at mabilis na tumakbo palayo sa kaniya.

"Taya!! Hahahaha!" pang-aasar ko sa kaniya. Sandali siyang nagulat bago nagsimula ulit na habulin ako. Tumatawa at tumitili akong tumatakbo dito sa third floor nila.

Hindi ko alam kung anong sumagi sa isip namin at naglaro kami ng taya-tayaan. Akala ko talaga ay may mangyayaring milagro dahil sa mapusok naming halikan pero mabuti na lang at may control kami pareho at hanggang doon lang. Nahiya lang nga ako nang ilang beses niyang pisilin ang p'wet ko habang naghahalikan kami. Hindi na lang namin pinag-usapan ang tungkol doon dahil may tiwala naman ako kay Rico.

Sa laki ng bahay nila ay talagang nakakapag habulan kami. Lagi akong nahuhuli ni Rico at ang laging kapalit non ay halik. Katulad kanina ay naubusan ako nang tatakbuhan kaya napangisi siya at mabilis akong niyakap. Bawal kasi kaming bumaba dahil baka maaksidente kami sa hagdanan kapag naghabulan kami ro'n.

"Uhm, excuse me Sir. The food is ready." Matigas ang English na pag-kakasabi ng kasambahay, halatang hindi 'yon sanay. Natigil kami sa pagtawanan at sabay na napatingin sa kasambahay nila. Agad akong nakaramdam ng hiya kaya sinubukan kong kumawala sa yakap ni Rico pero pinigilan niya ako at kinausap na naman niya ito na sila lang ang nagkakaintindihan.

Agad na bumaba ang kasambahay at hindi na lumingon pa. Mabilis akong hinalikan ni Rico sa pisngi bago niya pinakawalan at hinawakan ang kamay ko.

"Let's go downstairs." Nakangiti niyang sabi. Habang bumababa kami ay inaayos ko ang buhok ko gamit ang isang kamay dahil nagulo 'yon sa paghahabulan namin. Kulot na nga ulit ang buhok ko dahil hindi na ako nakapag pa-rebond nilalagyan ko na lang ng vitress para hindi buhaghag.

"Pa rebond na kaya ako?" tanong ko kay Rico. Tumingin siya sa 'kin at matagal akong tinitigan na para bang iniimagine niya akong straight ang buhok.

"P'wede, pero okay naman na 'yang buhok mo. Love your hair, babe." Nakangisi niyang sabi sa 'kin.

"Eh ang hirap kaya, masyadong buhaghag." Sabi ko.

"Then we'll go to Salon tomorrow." Pasya niya. Medyo hindi pa ako sigurado kaya napanguso ako.

"Tanungin ko pa sila Mama." Sabi ko na kinatawa niya. "Saka 31 na bukas, may bukas bang Salon?" sabi ko.

"Meron 'yan." Paninigurado niya.

Agad akong natahimik nang nakapunta na kami sa sobrang laking dining table nila. Mga 30 katao ang kasiya doon, ganoon kalaki.

"Grabe bakit ang laki? Ilang tao ba kayo rito?" tanong ko.

"Three." Napabuga ako sa hangin dahil sa sinabi niya. "That's why I don't like eating here, especially when I'm alone." Naramdaman ko ang lungkot sa boses at mukha niya. Pagka-upo namin ay agad kong hinawakan ang kamay niya at hinaplos 'yon.

You're my Answered Prayer [EDITING]Место, где живут истории. Откройте их для себя