CHAPTER 38

14 9 0
                                    


"Condolence, hija."

Tumango lang ako at kinuha ang kanilang abuloy. Pumunta sila sa kabaong ni Papa para magdasal at tingnan si Papa. Nilagay ko sa isang bag ang mga abuloy at sinulat ang pangalan nila dahil 'yon ang utos sa 'kin ni Lola. Huling gabi na ngayon kaya maraming tao na ang pumupunta. Nandito na rin ang mga kamag-anak ko at sa condominium namin sila pinatuloy dahil wala kaming panahong asikasuhin sila sa bahay kaso nga lang nagkakaproblema.

"Tori! Pinagbawalan kami nung isang staff niyo na mag-swimming sa pool! Ang sabi ko nga ay kamag-anak ako nung may-ari pero hindi pa rin sila pumayag! Tawagan mo nga at nang mapahiya siya!" reklamo ni Auntie na pinsan ni Papa. Nakita ko pa ang malulungkot na mukha ng mga pinsan at pamangkin ko na kapwa naka-pang swimming ang suot.

"Uhm, Auntie temporary closed po kasi ang pool at ang entertainment hall sa condo dahil.. para na rin po kay Papa." Paliwanag ko. Tinaasan niya ako ng kilay na para bang may mali akong sinabi.

"Ano?! Siyam na araw na kaming nag-titiis tapos bukas ay uuwi na kami hindi pa rin kami nakakapag-enjoy sa negosyo ng pinsan ko?! Hindi porket ikaw ang namamahala ay may karapatan kana, ako pa rin ang mas matanda kaya 'wag mo akong binabastos." Napatingin sa amin ang ibang bisita kaya hinila ko si Anuntie sa gilid para hindi na makasira sa katahimikan.

"Auntie, hindi naman po kayo nandito para mag-enjoy. Nandito po kayo para makiramay—"

"Hay nako! Eto na nga ba sinasbai ko, porket sa malayong probinsiya kami nakatira ay minamaliit mo na kami?! Minsan lang kami mapunta rito sa Maynila, pagbabawalan mo pa kami?" galit na sabi niya kaya ang iba ay nakuha ang atensyon at nanonood na sa 'min. "Maiintindihan ni Elias 'yan at hindi naman magagalit 'yan kung magswiswimming kami! Ang lakas—"

"I'm sorry Madame but you're interrupting solemnity here. I understand that you wanted to have some fun because it's your first time here in Manila but please.. pay some respect to the family and to Tito." Napatingin ako kay Alberto Justin at napabuntong hininga.

"Aba.. sinasabi mo bang wala akong respeto? Nobyo ka palang ng pamangkin ko kung maka-asta ka—"

Hinila na siya palabas ni Uncle dahil marami na ring nagrereklamo sa ingay na nagagawa niya. Sumunod ang mga pinsan kong nakasimangot at ang iba ay nagtatantrums na. Muli akong napabuntong hininga nang pumasok ang asawa ni Tita Julie na lasing na lasing. Pagewang-gewang siyang pumunta sa akin at naglahad ng kamay.

"Pahinging pang-alak.." utos niya. Napaatras pa ako dahil kamuntik na siyang bumagsak. Nang hindi ako sumagot ay lumapit siya kay Mama na nakatulala sa kabaong ni Papa. "Hoy! Pahinging pang-alak!" napapikit ako sa inis at napakapit kay Alberto Justin.

"Ano ba 'yan! 'Wag mong guluhin si Anabelle!" makakahinga na sana ako nang maluwag nang sinaway siya ni Tita Julie. "Doon ka kumuha sa mga abuloy!" napaamang ako nang pumunta sa 'kin si Ate Julie at pilit inaagaw ang bag na hawak ko.

"Tita.." pagmamakaawa ko. Tumingin pa ako kay Lola umiiling pero hindi naman siya sinasaway. Si Ate Lina naman ay lumapit na rin.

"Hoy Tita! 'Wag naman kayong mag-eskandalo rito! Ang abuloy na 'yan ay para sa pamilya nila Tori!" tinago ako ni Ate Lina sa likod niya. Kahit nasa gilid kami ay napapansin pa rin kami ng mga tao.

"Aba! Eh mayaman naman na sila, may kumpanya na sila hindi na nila kailangan ng perang 'yan! Ibalato niyo na lang 'yan sa 'min!" pareho kaming napanganga ni Ate Lina nang nagsitanguan pa ang ibang kamag-anak namin at pumunta pa sila sa lugar namin. Para silang sabik na sabik sa pera.

You're my Answered Prayer [EDITING]Where stories live. Discover now