CHAPTER 35

19 9 0
                                    


"Fvck!"

Kahit biglang sumigaw si Alberto Justin ay hindi ako natinag, parang napako ang mga paa ko sa kinakatayuan ko. Gusto kong tumakbo paalis pero may parte sa 'kin na gustong pakinggan ang paliwanag niya.. na baka mali ang nakita ko na.. aksidente lang 'yon.

"I love you, AJ! Please, bumalik ka na sa 'kin.." napahagulgol si Karen at napa-upo sa sahig.

"Damn, tapos na tayo! Ano ba ang hindi mo maintindihan doon?! Mahal ko si Tori! Mahal—"

"Then why did you kiss me back?! I know.. alam kong mahal mo pa rin ako.. please.." tumayo si Karen at umambang hahalik ulit nang itulak na siya ni Alberto Justin. Tumama siya sa maliit na cabinet kaya napa-upo siya ulit. Sinipa ni Alberto Justin ang maliit na cabinet sabay sabunot sa kaniyang buhok.

"What is happening to you, Karen? You're not like this! You're better than this!" galit na sigaw ni Alberto Justin at saktong paglingon ng ulo niya sa gawi ko ay awtomatiko siyang napahinto.

Nagkatitigan kaming dalawa at hindi ko alam kung bakit sobrang sakit na makitang guilty siya. Oo, guilty siya. Mabilis akong tumalikod at naglakad palabas. Narinig ko ang pagmumura niya at ilang kalabog bago niya ako sinundan. Nakasalubong ko pa si Rico na seryosong nakatingin sa 'kin.

"Tori please! P-Please let me explain!" narinig kong tawag niya pero mas ramdam ko ang kirot sa dibdib ko. "L-Love!"

Hindi ako magtataka kung mabulabog niya ang mga katabi naming kwarto dahil sa pagsigaw niya. Hanggang makalabas ay panay ang lakad ko sa palayo sa kaniya pero alam kong anumang oras ay maabutan niya ako kaya ang kaya ko lang gawin ngayon ay pilit pakalmahin ang sarili ko.

"Tori, please.." napapikit ako nang mahawakan niya ang kamay ko.

"Pvnyeta!" inis na sigaw ko bago ko binawi ang kamay ko. Biglang sumakit ang ulo ko pero mas masakit ang puso ko.

"P-Please.." natataranta niyang pinunasan ang mga luha ko pero pinalo ko ang kamay niya. "I-I.."

"Ano magpapaliwanag ka ba o ano? Pvtangina, Alberto Justin!" inis kong pinunasan ang pisngi ko bago siya sinamaan ng tingin. Nakita ko ang pagpula ng mga mata niya at pagtiim ng bagang pero wala akong pakialam dahil mas gusto kong marinig kung ano ang paliwanag niya.

"It was a mistake.. Noong hinatid ko sila sa room ay aalis na sana ako pero pinagbantay muna ako ni Felly dahil nakalimutan ni Karen ang cellphone niya sa table natin. I thought she's sleeping kaya nag-stay ako habang hinihintay bumalik si Felly but she suddenly hugged me. Nagkasagutan kami then... she kissed me!" paliwanag niya at agad na tinitigan ang mukha ko para malaman kung naniniwala ako sa kaniya.

"P-Pero sabi niya.. hinalikan mo rin siya.. so nag-sisinungaling lang siya no'n?" tanong ko. Napaawang ang bibig niya at tila hindi makahanap ng sasabihin. Napakagat ako sa aking labi at tuloy-tuloy na umagos ang mga luha ko. "S-So.. totoo nga.. h-hinalikan mo rin siya?" emosyonal na tanong ko.

"No! it's not like that! I---"napahinto siya sa pagsasalita nang bigla siyang sinuntok ni Rico.

"Tarantado ka! Akala ko hindi mo gagaguhin si Tori pero.. Gago!" galit na sinuntok ulit ni Rico si Alberto Justin samantalang ako ay umiiyak lang. Nakita kong napatingin sa 'min ang iba at nakita ko rin si Felly na nagmamadaling pumasok sa hotel namin.. na walang dala na kahit ano. Ibig sabihin.. hindi talaga nakalimutan ni Karen ang cellphone niya?

"Fvck you!" nang makabangon si Alberto Justin ay sinuntok niya rin si Rico nang malakas.

"Akala ko papasayahin mo siya! 'Yan ang sinabi mo sa 'kin, hayop ka!" galit na sumugod si Rico kay Alberto Justin na lalo kinabigat ng dibidb ko. "Akala ko ba mahal mo siya?! Gago ka!" tuloy lang sila sa pag-susuntukan at hindi ko sila magawang maawat dahil nakakatakot ang mga tinginan nila.

You're my Answered Prayer [EDITING]Where stories live. Discover now