CHAPTER 21

23 11 0
                                    

"Tori! May bisita ka!" sigaw ni Thea.

Nangunot ang noo ko at nagkatinginan kami ni Rico. Nilapag ko ang yellow pad na pinagsusulatan ko bilang draft bago tumayo para lumabas. Sino naman ang bisita ko?

"Very special delivery, paki bayaran na lang po 'yong pinang-gas ko." Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong si Alberto Justin 'yon. He is wearing his uniform and it suits him. Sobrang gwapo niya pero intimidating ang dating.

"Wahh! Alberto Justin!" tumitili akong yumakap sa kaniya at mabilis na kinuha ang paper bag na dala niya. Lumaki ang mga ngiti ko ng tapsilog 'yon at luto ni Aling Maria. Nakakatuwa pa dahil binyahe niya talaga ito para lang padalhan ako. "Thank you!" masayang sabi ko na para bang hindi ako umiyak kanina.

"You're welcome. Ang kulit mo kasi sa twitter, baka mapanaginipan mo pa 'yan." Loko loko niyang sabi. Sa halip na mapikon ay hinawakan ko ang braso niya para ayain siya pumasok sa loob.

"Tara! Pasok ka! Paano mo nga pala nalaman 'yong address ko rito?" tanong ko.

"I texted Kael to send me your location." Sabi niya habang palinga linga ang tingin halatang kinakabisado na ang lugar.

"Ang layo ng byahe mo ha, baka gabihin ka niyan!" pag-aalala ko. Hindi diya sumagot at nanatiling nag-titingin tingin.

Pagpasok ko ay nakatayo na si Rico, nawala ang pagtataka sa mukha niya nang makita si Alberto Justin sa likod ko. Lumapit ako sa kaniya at pinakita ang tapsi na bigay sa 'kin ni Alberto Justin. Ngumiti siya at tumingin kay Alberto Justin. Hindi ko alam kung nag-usap ba sila kasi pumunta na ako kaagad sa kusina para kumuha ng mga plato, utensils at baso. Nagtimpla rin ako ng juice para sa kanila at dinala ko 'yong pretzels ko kasi alam kong mahilig si Alberto Justin sa matatamis.

Ngiti-ngiti kong pinatong sa coffee table ang mga dala ko at tinabi muna ang sinusulat ko. Naabutan ko silang nag-uusap pero natigil 'yon ng dumating ako.

"Anong pinaguusapan niyo? Sali naman ako!" tanong ko pero tumawa lang si Rico at hinawakan ang kamay ko para paupuin sa tabi niya. Umupo na rin sa tabi ko si Alberto Justin para kumain. "Kain na muna tayo bago magsunog ng kilay!" energetic kong sabi.

Habang kumakain ay kinwento ko lahat ng rants ko sa school pati sa mga kaklase at kagrupo ko. Nakikinig lang din silang dalawa at minsan ay natatawa. Sobrang gaan ng loob ko ngayon dahil kasama ko sila. Minsan ay inaasar ko pa si Alberto Justin kapag hinahalikan ako ni Rico sa pisngi.

"Ano ka! Ang tagal kong naging third wheel sa inyo ni Karen, ikaw naman ngayon!" sabi ko at nagpa-akbay pa kay Rico. Tumawa silang dalawa at napailing na lang si Alberto Justin.

Pagkatapos kumain ay si Rico na ang nag prisintang ilagay ang pinagkainan namin sa lababo. Pinakuha ko rin siya ng snacks para makain namin habang may ginagawa. Hindi naman ako nag rereview kaya okay lang isabay ko ang kain kasi hindi ako masyadong madididstract.

"May pretzels ka pa?" tanong sa 'kin ni Alberto Justin. Pinasingkitan ko siya ng mata at tinag ang hawak ko.

"Naka limang balot ka na ah!" sabi ko.

"Ang kaunti kaya ng laman! Pahingi pa!" para siyang batang na ng hihingi ng baon sa kapwa bata.

"Psh! Favorite ko 'to eh!" wala sa loob kong tinapat sa kaniya ang hawak ko. "Kuha na!" sabi ko nang hindi siya kumukuha. Nginuso niya ang dalawang kamay niya na may hawak na calculator at stats notebook ko. Arte! Ngumanga siya at sinenyas na subuan ko siya.

Kumuha ako ng isa at sinubo sa kaniya, talagang nilusot ko sa dulo. Nasanggi ko pa ang labi niya kaya mabilis kong inalis ang mga daliri ko doon. Bigla siyang nasamid kaya natawa ako. Sinamaan niya ako ng tingin habang umiinom pero belat lang ang sinagot ko sa kaniya.

You're my Answered Prayer [EDITING]Where stories live. Discover now