CHAPTER 12

22 16 0
                                    


"Are you okay?"


Nandito kami ngayon sa mall para bumili ng mga babaunin at ilang kailangan namin para sa Baguio Trip bukas. Papunta na kami ngayon sa grocery dahil 'yon agad ang gusto ni Ken. Walo kaming lahat, Ken, Kael, Charles, Gelo, Thea, France at kami ni Rico. Hindi kasama si Niko dahil may ganap sa ministry nila, pero nagbigay siya ng listahan kay Thea na bibilhin din namin.


"Yeah, puyat lang." sagot ko at bahagyang ngumiti sa kaniya. Pinisil niya ang kabilang balikat ko at tumango, nakaakbay kasi siya sa'kin.


Hindi ko rin alam kung bakit hindi ako makatulog kagabi. Siguro ay hindi ako sanay na hindi kami ayos ni Alberto Justin dahil unang beses nangyari 'to. Kadalasan kasi ay asaran lang pero ngayon ay sensitibong usapin 'yon. Mabuti na lang ay naaliw ko ang sarili kong kausap si Rico. Hindi na kasi siya nakapag-hapunan sa bahay dahil nagpunta pala sila nila Charles sa bar.


"Itong si Ken kagabi pa good mood!" narinig kong sigaw ni Gelo. Napatingin ako kay Ken na pasipol sipol pa.


"Nakascore yata doon sa mahinhin na babae!" natatawa na sabi ni France. Agad sumimangot si Ken pero tatawa tawa.


"Bobo! Schoolmate ko 'yon! Nalaman ko kasi pangalan niya Hahaha!" sabi ni Ken na parang may accomplishment siya. Binatukan siya ni Kael.


"Nilasing mo kasi hinayupak ka!" nagt awanan sila samantalang kami ni Thea ay pinasingkitan sila ng mata.


"Ano na namang ginawa mo?" masungit na tanong ko. Natigil sila sa pagtawa at nagsikuhan.


"W-Wala! Ito si Tori masyadong seryoso!" pilit na tawa ni Ken at inakbayan kami ni Thea.


"'Yon ba 'yong pinagtritripan mo sa school? 'Yong tahimik? Si Arynela?" sunod sunod na tanong ni Thea. Napalunok naman si Ken at nagtatawanan sila Gelo.


"Oo 'yon yun! Nilasing niya kagabi para sabihin ang pangalan sa kaniya! Hahaha!" gatong ni Gelo.


Nagtaka naman ako dahil ang tahimik ni Charles at naka iwas ng tingin. Lumapit ako kay Charles at tinitigan ang mukha niya. Lalo siyang umiwas ng tingin kaya kinurot ko ang pisngi niya.


"Sabi ko na nga ba! Ikaw din noh! May kalokohan ka ring ginawa!" pag aakusa ko. Kilala ko na 'tong mga ugok na 'to at alam namin ni Thea kung kailan sila may ginawang kalokohan o wala.


"Nako tumpak ka diyan! Kilala mo si Lilly, diba Tori? 'Yong isa sa mga admirers niya? Pvta kups! Nagkiss sila!" pagsusumbong ni Kael, agad siyang sinamaan ng tingin ni Charles at napalitan 'yon ng pagka ngiwi ng batukan siya ni Thea.


"Pinapaasa mo nanaman! Pinapaasa mo!" sigaw naming pareho sa kaniya.


"Hindi kaya! It was a dare! C'mon my bestfriends don't be upset." Nakanguso niyang sabi. Napairap naman kami.


You're my Answered Prayer [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon