CHAPTER 26

14 10 0
                                    

"Hindi ko alam kung sasabuntan kita o kakalmutin kita. Hayst!"

Napayuko na lang ako at tahimik na umiyak nang makita ko ang inis sa mga mukha ni Thea at ni Ate Lina. Madaling araw ngayon, araw ng linggo at hindi pa ako nakakatulog dahil sa pag-iyak. Naging maayos kami ni Rico at bumalik kami sa dati kahit alam kong nasaktan ko talaga siya. Sa kwarto siya ulit ni Jacob natutulog at sana natutulog talaga siya dahil alam kong kailangan na kailangan niya 'yon.

"Binalaan na kita, Tori! Sinabihan na kita tungkol diyan! Anak ng puke naman oh!" napahawak pa si Ate Lina sa ulo niya, tila gulong gulo na.

"S-Sorry—"

"Shh!" pagpapatahimik nilang dalawa sa 'kin. Napayuko ulit ako at umiyak ulit.

"Kahit mahal ka namin Tori, cheating pa rin 'yon." Pagpapaintindi sa 'kin ni Ate Lina.

"Umamin ka nga, may feelings ka na rin ba kay Alberto Justin?" tanong ni Thea.

"H-Hindi ko alam.." naguguluhang sagot ko.

"Oh ganito na lang, kapag palubog na ang Bangka, sino sa kanila ang sasagipin mo?" tanong ni Ate Lina.

"Hindi naman ako marunong lumangoy eh." Pagkasagot ko no'n ay sabay nila akong binatukan. "S-Si Rico!" agad na sagot ko at hindi pinag-isipan.

"Psh! Ito kunyari kumakain ka ng paborito mong pretzels. Kung manghihingi silang dalawa sino ang bibigyan mo?" napanguso ako at alam ko na aga ang isasagot.

"Si Alberto Justin." Walang pag-aanlinlangang sagot ko.

"Tig one point na sila.. Hmm" nag-iisip na sabi ni Ate Lina. "Sino ang mas masarap humalik?" nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko.

"Ate!" saway sa kaniya ni Thea.

"Oh bakit? Kapag ako ang sumagot niyan siyempre si Andrei ang isasagot ko dahil mahal ko 'yong malanding 'yon! Oh ano?" panghahamon sa 'kin ni Ate Lina.

Napatulala lang ako sa mga kamay kong nanginginig at hindi alam ang isasagot. Tama nga naman si Ate, boyfriend ko si Rico at mahal ko siya kaya dapat siya agad ang isasagot ko pero..

"'Wag mong sabihing 'yong nasa bar tayo?" napatingin ako kay Thea na nakataas ang kilay sa 'kin.

"OMG! 'Yong Jiero ba na kinwento mo sa 'kin? Gosh!" gulat na tanong ni Ate Lina.

"Last na, ano ang dream destination mo?" tanong sa 'kin ni Thea.

"'Yong pinaka gusto mo talagang puntahan." Dagdag ni Ate Lina.

"B-Batanes.." sagot ko. Tiningnan ko sila at tila nag-eexpect silang dagdagan ko 'yon ng rason. "G-Gusto ko kapag pumunta ako ro'n kasama ko na ang gusto kong mapangasawa." Pagtutuloy ko.

"Kunyari pupunta ka na ng Batanes.. sino sa kanila ang isasama mo?" napatitig ako sa bracelet na suot ko at hindi nakasagot.

Ilang minuto ay tahimik lang kami. Ako ay lutang samantalang sila ay hinihintay ang sagot ko. Walang pumapasok sa isip ko kundi ang bracelet na nasa pulsuhan ko. Napahawak ako sa puso ko ng maalala ko kung paano niya 'to ibinigay sa 'kin.

"Pvnyeta.." 'yan na lang ang nasabi ko pero alam kong naintindihan na nila. Nasapo namin ang pare-pareho naming noo at sabay napa buntong-hininga.

"Babe, ikaw na lang kasi dapat ang pumunta eh." Reklamo ko habang kumkain kami dito sa party ni Alberto Justin.

Kanina pa kami dumating at kanina ko pa rin siya iniiwasan, miski lingon ay hindi ko ginawa kahit alam kong nakatitig siya. Nagtataka na nga sila Kael dahil sa pagiging mailap ko pero sinabi na lang ni Thea na nagkatampuhan kami kaya hindi ko siya pinapansin.

You're my Answered Prayer [EDITING]Where stories live. Discover now