CHAPTER 39

14 10 0
                                    


"So, I thought Filipinos are hospitable? Juice please!"

Pumalakpak pa siya at maarteng umayos ng upo. Napa-ayos ng upo ang mga kapatid kong kapwa hindi kumportable sa presensya ng aming bisita. Natatawa siyang tumingin sa aming bahay hanggang magtama ang mata naming dalawa. Kunyaring nag-alala ang itsura niya at pumangulumbaba.

"You look sick. My son would be mad if he see you like this. Tsk,tsk!" umiling-iling pa siya.

"Hon.." pigil sa kaniya ni Tito Ricardo, halatang ayaw ang ginagawa ng asawa.

"What? I told her to stay away from my son but she didin't! My son got hurt because of her!" inis na sigaw niya.

Nalaman niya siguro ang nangyari sa amin sa boracay kaya pala sinundo ng mga tauhan nila si Rico mula sa airport. Kaya ba nandito sila ngayon? Napatingin ako sa mga bodyguards nila na sa sobrang dami ay nasa ilabas na ang iba.

"Sorry po but it wasn't my intention to hurt---"

"Shut up! I don't care if it's intentional or not! God!" minasahe niya ang sentido niya at nagsalita ng chinese. "I heard about what happened to your father—"

"Kayo ang may dahilan kung bakit nawala si Papa!" agad kong pinigilan si Jacob sa pagtayo dahil sa sobrang galit. Matagal siyang tiningnan ni Tita Yarie sa paraang nakaiinsulto kaya nag-iwas ng tingin si Jacob, pati si Linda at si Ate Lina ay napasinghap. Ngayon lang kasi nila nakita si Tita Yarie at malamang ay nararadaman din nila na mahirap kalabanin ito.

"I think you're blaming for your loss. Hmm. If that is the case let me pay for it, how much?" Napatigil kaming lahat sa sinabi niya, miski si Mama ay napatingin sa kaniya. Kung makapagsalita siya ay parang hindi buhay ang nawala. Kung makapagsalita siya ay parang matutumbasan nang pera ang nawala sa amin.

"Let's go! Stop this nonsense Yarie!" galit na tumayo si Tito Ricardo. "Pasensya na, Tori. Mauuna na kami, ngayon na ang balik namin sa China, nagkamali akong hinayaan kong puntahan kayo ni Yarie rito ang akala ko kasi ay manghihingi siya ng tawad. Pasensya na." tumingin din siya sa pamilya ko bago hinila si Tita Yarie pero isang malakas na sigaw ni Tita Yarie ang nakapag-patigil kay Tito. Nag-usap sila na sila lamang ang nagkakaintindihan at bakas ang galit ni Tito pero ayaw magpatalo ni Tita Yarie.

"It's aluboy!" pag-pipilit ni Tita na kahit bulol sa tagalog ay naiintindihan namin siya. Humarap siya sa akin at naglabas ng tseke.

"10 billion pesos for your loss and another.." nagsulat pa siya roon bago inabot sa akin ang dalawa. "10 million for you to stay away from my son. Don't ever see him again, never! Understand?"

Napatingin lang ako sa dalawang tseke na inaabot niya sa akin. Pera ang ipapalit niya sa buhay na nawala at pera rin ang katumbas nang paglayo ko kay Rico. Gano'n na ba siya kadesperada?Napatingin ako kila Mama pero nakatingin lang sila kay Tita Yarie tila gulat sa sinabi nito. Umiling-iling ako bago tumingin sa kaniya.

"I will not accept it, Tita." Matigas na sabi ko.

"What?! Do you want more?" akmang magsusulat ulit siya sa kaniyang tseke nang pigilan na siya ni Tito.

"That's enough! Yarie what's happening to you?!" napaatras ako sa sigaw ni Tito halatang kanina pa siya nagpipigil.

"I told you it's for their deceased father! Don't worry about the money these are nothing!" tuluyan nang bumagsak ang balikat ni Tito sa sinabi naang asawa.

"Again, I will not accept it, Tita." Pag-uulit ko.

Tumingin siya sa akin sa paraang nakaiinsulto bago lumipat ang tingin kay Mama na umiiyak na ngayon. Ngumisi siya at matagal pa muling tumitig sa akin bago marahas na inalis ang kamay ni Tito sa braso niya.

You're my Answered Prayer [EDITING]Where stories live. Discover now