CHAPTER 44

22 11 0
                                    


"Ate! Ate!"

Agad akong napabangon nang marinig ang boses ni Junavi. Malaki ang ngiti niya bago sumampa sa kama ko. Hinawakan niya ang mukha ko at napanganga pa siya.

"Hindi ka na mainit, Ate! Doctor ba 'yong Kuya kagabi? Tabi ni Mama alaga ka raw niya." Nagulat akong tumingin sa kaniya. Inalagaan niya ako?

Kinuha ko ang thermometer para makasigurado na wala na ako lagnat. Humiga-higa na si Junavi sa kama ko dahil ang dabi niya ay hindi na raw siya mahahawa sa akin. Nanlaki ang mata ko nang wala na nga akong lagnat, miski sinat ay wala na.

"Anong oras siya umalis Ma?" tanong ko pagkalabas ko sa kwarto. Naghahanda na siya ng agahan at naka-upo na rin si Jacob at Linda na halatang puyat, mukha pa ngang may mga hangover.

"Ah si Justin? Kung tama ang pagkakatanda ko ay mag-aalaskwatro na siya umalis, mukhang sinigurado niya na wala ka na talagang lagnat." Nanlaki ulit ang mga mata ko habang si Mama ay parang kinikilig pa.

"Ma, galit siya sa akin diba? Baka mali lang kayo ng tingin sa oras." Sabi ko. Napanguso naman si Mama at nagkibit-balikat na lang.

"Ah oo nga pala, si Lina ay kay Andrei pa rin sumabay kagabi. Ayaw ni Andrei na umuwi ang mag-ina niya nang hindi siya ang kasama." Pag-iiba niya ng topic.

Hindi natuloy ang paghatid ng breakfast ni Neil dahil na late raw siya ng gising at may hangover pa, mukhang nakarami siya kagabi. Hindi pa rin mawala sa isip ko na inalagaan niya raw ako.. impossible. Napakagat ako sa labi nang biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Gosh, Tori!

Para mawala siya sa isip ko ay inisip ko na lang na naawa siya sa akin o nagkamali lang ng tingin si Mama sa oras. Nakatulala lang ako habang naghihintay sa may lobby, sa totoo lang ay maaga pa pero nag-aya kasi si Neil na sabay daw kaming maglunch, pambawi niya raw. Nilaro-laro ko ang tali nang bag ko habang nakasalampak sa isa sa mga upuan.

"Ma'am, meryenda na po." binati ako ng mga ilang staff na palabas na at papunta sa maliit na kainan. Ngumiti lang ako sa kaniya at tumango.

Naghintay pa ako ng ilang minuto bago ko nakita ang kotse ni Neil. Pagkababa niya ay nagmamadali siyang nilapitan ako. Basang-basa pa ang buhok niya, hindi pa rin naka-ayos masiyado ang polo niya kaya habang naglalakad ay tinutupi niya ang sleeves niya.

"I'm sorry, nakatulog ulit ako. How are you feeling?" tanong niya. Hinawakan niya ang mukha ko at naka-hinga siya ng maluwag nang mapansin wala na akong lagnat.

"Tara na, gutom na ako." Ngumiti ako sa kaniya para ipakita na ayos lang dahil may isa't kalahating oras pa ako bago sa klase ko.

"Are you mad?" nag-aalangan niyang tanong habang iniistart ang kotse. Nakangunot akong tumingin sa kaniya. Bakit naman ako magagalit? Dahil ba hindi niya natupad 'yong breakfast na sinabi niya? Or dahil na late siya?

"Bakit naman? Ayos lang sa akin, makakain pa rin naman tayo." Sagot ko. Narinig ko siyang napabuntong hininga bago tumango. Himalang hindi siya nakinig ng cases dahil music lang ang pinapatugtog niya ngayon.

Kumain kami sa isang Japanese restaurant kaya nag-enjoy ako. Nag-usap kami pero nauwi lang talaga sa kain dahil hindi pa rin pala siya nagbre-breakfast. Pagkatapos ay nagmamadali na kaming pumunta sa school ko dahil 10 minutes na lang ay klase ko na.

"Salamat, ingat ka!" paalam ko. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Maya-maya rin ay humiwalay siya pero nanatiling malapit kami sa isa't isa.

"I-I really like you.." nakita ko ang sinseridad sa mga mata niya kaya napalunok ako. "No.. I love you." Napanganga ako hababng nakatingin sa kaniya, siguro ay nakakatawa na ang itsura ko pero wala na akong pakialam.

You're my Answered Prayer [EDITING]Where stories live. Discover now