CHAPTER 5

36 27 1
                                    



"PVTA! MGA LASING GISING!"


Napahawak ako sa ulo ko at saka bumangon. Nilibot ko ang paningin ko at nasa BK na kami. Teka ano bang nangyari?


"SABI NA EH! HINDI NA KAYO MAKAKAULIT AH!" sigaw na naman ni Gelo na kaliligo lang. Napatingin ako at pare-pareho pala kaming nakahiga nila Thea sa sala at mukhang dito kami natulog.


"Bobo mo! Hindi mo man lang kami dinala sa kwarto" reklamo ni Kael habang minamasahe ang balikat niya.


"KUPAL! Pahirapan na nga kayong isakay kahapon tapos bubuhatin ko pa kayo papuntang kwarto? Si Charles naman kakapasok palang sa bahay tulog agad!" inis na sabi ni Gelo.


Nakita kong bumangon na rin si Thea at nagpunas pa ng mukha, si Ken naman ay tulog pa rin, samantalang si Charles ay papunta na sa kusina. Malamang ay kukuha na ng kape.


"Kape.. inom." Lutang na sabi ko kaya napa-iling si Gelo at pumunta na rin sa kusina.


Feeling ko 'yon lang ang makaka pag gising sa min. Kinapa ko ang sarili ko at napansin kong may suot akong red leather jacket agad nangunot ang noo ko at inamoy 'yon.


"Amoy panlalaki.." mahinang sabi ko.


Maya maya ay dumating na si Gelo at Charles at may dalang mga baso. May tinapay din silang dala at gamot. Umayos ako ng upo nang ilapag nila iyon sa coffee table agad kong kinuha ang baso ko at dahang dahang uminom. Napapikit naman ako sa sarap.


Tuloy pa rin ang pag-gising ni Gelo kila Ken pero ako iniisip ko pa rin ang mga nangyari kagabi. Marami ba akong nainom kagabi? Nalasing ako? Ba't may suot akong red leather jacket? Kanino 'to?


"I'm sorry"

"I'm sorry"

"I'm sorry"


"Ahh! Putek!" daing ko at napahawak sa ulo ko.


"Tsk! Ayan na nga ba sinasabi ko eh! Ano Thea, Tori uulit pa kayo? Pagkatapos niyong kumain maligo na kayo mga amoy alak kayo! Uuwi pa tayo ngayon! Umayos ka Kael at ikaw na ang magdadrive." sabi ni Gelo at binato ng unan si Kael na halos masubsob na sa coffee table.


Shemay! Naalala ko na lahat! Yung dare! Oh men! First kiss ko 'yon! Teka kiss lang ba yun? PAKSHET! Nasuko ko ba ang bataan? Pero hindi naman masakit yung ano... AHHH! At sino ba yun? Gosh! Patay ako nito!


Paano kung may sakit yun? Or adik?


"I'm sorry"


Pero nag sorry siya. Parang naramdaman ko pa nga ang hininga niya sa tainga ko eh. Napahawak ako sa suot kong leather jacket, baka ito ang sinuot niya sakin? Napahawak ako sa noo ko at hindi ko inaasahang bibilis ang tibok ng puso ko. PUTSPA! ANG HAROT KO YATA KAGABI! Dapat hindi na ako malalasing ng gano'n at baka masuko ko talaga ang bataan! Papatayin ako sa sermon ni Lola kapag nagkataon. Beri rong!

You're my Answered Prayer [EDITING]Where stories live. Discover now