CHAPTER 46

13 6 0
                                    


If I had to live my life without you near me

The days would all be empty

The nights would seem so long

With you I see forever, oh, so clearly

I might have been in love before

But it never felt this strong

Nangilid agad ang luha namin ni Thea nang makita ang kislap sa mga mata ni Jennalyn lalo na ni Gelo. Hawak niya ang kamay ni Jennalyn habang naglalakad sila sa gitna. Malaki ang ngiti ni Jennalyn at parang hinahanap niya pa ang boses ni Rico.

Nothing's gonna change my love for you

You oughta know by now how much I love you

One thing you can be sure of

I'll never ask for more than your love

Nothing's gonna change my love for you

You oughta know by now how much I love you

The world may change my whole life through

But nothing's gonna change my love for you

Napaiyak na kami sa tuwa nang malakas na sumigaw si Gelo dahil sinagot na siya ni Jennalyn. Napatalon pa siya bago hinalikan si Jennalyn. Naghiyawan kami at nag-asaran. Awtomatikong dumapo ang mga mata ko kay Alberto Justin na nakatingin din sa akin.

Umiwas ako ng tingin at pinunasan ang sariling luha. Kung sana.. Hindi ko pa rin maiwasang mainggit dahil katulad ng sabi ni Kael, akala ko rin ay kami ang unang ikakasal. Nagplano pa kami noon na kapag naging lawyer na siya at kahit nag-aaral pa ako para sa medicine ay magpapakasal kami. Ngayon, malabo nang mangyari.

"Hey, ayos ba?" tanong sa kain ni Rico, tinutukoy ang pagkanta niya kanina.

"Maganda, parang dati lang kinakantahan mo ako. Baka maging vocalist ka na niyan ah!" nakangiti ko siyang siniko.

"Well, I can always sing for you." Nakangisi niyang sabi. Nagtawanan kami habang kumukuha ng pagkain. "Oh, by the way uuwi na ako next week." Sabi niya.

"Woah! Sama naman ako! Turuan mo ako mag-chinese!" biro ko. Nanindig ang balahibo ko nang masulyapan ko ang masamang mukha ni Alberto Justin. Ano na naman ba?

"Sige nga! Tapos kausapin mo si Mama." Panghahamon niya.

"Hoy, bad joke!" saway ko, ginulo niya ang buhok ko at nag-sorry.

Naging masaya ang gabi na 'yon at lumipas din ang gabi na 'yon na hindi kami nag-usap ni Alberto Justin. Tanging masasamang tingin lang ang natatanggap ko mula sa kaniya kaya gano'n din ang ginagawa ko. Nakakainis, alam kong galit siya pero 'wag naman niyang masiyadong ipahalata.

Dumating na ang sembreak at nandito kami ngayon ni Pretzel sa garden namin. May dinalang aso si Rafi at kalaro niya, husky rin 'yon pero kulay na pinagsamang itim at puti. Tinuruan sila ni Rafi kanina at ngayon break na nila. Pumasok ako sa loob para magluto, wala sila Mama dahil pinapalinis nila nag puntod ni Papa. Sila Jacob naman ay may mga lakad kaya ako lang ang nandito.

Nilutuan ko siya ng Sinigang na baboy dahil 'yon ang request niya. Mamaya rin kasi ay darating si Max at sila Kupal kaya marami-rami ang mga niluto ko. May purpose talaga ang pagpunta nila rito dahil pag-uuspan namin ang Bachelor at Bachelorette Party. Ininvite rin ni Thea ang mga kaibigan ni Jennalyn, bali ang plano isa sa mga condominiums namin gaganapin at ang kay Gelo ay sa building nila Charles.

You're my Answered Prayer [EDITING]Where stories live. Discover now