CHAPTER 4

45 29 0
                                    



"Madaming tao ro'n ngayon dahil may ibang banda rin daw na tutugtog. May mga mag pupunta rin na mga nag-aaral sa Manila kaya didikit lang kayo sa amin."


Hindi ko na mabilang kung ilang beses kaming pinaalalahanan nitong mga kupal simula pa noong pag alis namin sa BK. Hindi rin nila kami pinayagang mag shorts or skirt dahil baka masilipan daw kami. Kaya pareho kaming naka skinny jeans ni Thea. Naka black skinny jeans ako at gray na off shoulders na hindi natatakpan ang pusod ko. Si Thea naman ay naka white na skinny jeans at naka tube top. Nag heels din kami para naman tumangkad kami ng kaunti. Well ako lang pala dahil matangkad naman na si Thea.


"At wag na 'wag kayong tatanggap ng drinks na binigay ng hindi niyo kakilala! Sa—"


"Sa amin lang dapat kayo tatanggap nang iinumin dahil alam namin ang mga light drinks lang! Mga kupals nakailang ulit na kayo! Unli? Unli?" inis na sabi ko kaya binatukan ako ni Kael na nagdadrive.


"Gagi, pauwiin ko kayo eh!" inis na sabi niya.


"Itaas mo nga yang suot mo Thea! Psh!" narinig kong sabi ni Ken.


"Dapat nagdala kayo ng jacket eh tsk!" inis na sabi ni Gelo.


"Sus! Arte niyo! Hanggang anong oras ba tayo doon?" tanong ni Thea.


"Nine." sabi ni Charles kaya nanlaki naman ang mga mata namin.


"Nine?! Eh eight-thirty palang nga magsisimula yung tugtog nila Rico eh!" angil ko kaya sinamaan ako ng tingin ni Kael.


"Ayaw niyo? Sige umuwi na tayo!" sabi niya at liliko na sana siya pero agad namin siyang pinigilan ni Thea.


"Joke lang! Oo na!" pagbawi ko. Napahinga kami ng maluwag ni Thea ng nag drive na ulit si Kael.


Nakakaloka! Para namin silang naging Kuya na sobrang higpit. Akala naman nila hindi namin alam kung anong dapat gawin.


Pagdating namin sa bar ay sobrang dami ng sasakyan na naka park. Mukha ngang maraming tao. Pagbaba namin ay agad na sumalubong sa amin ang dalawang bouncer na tila kakainin kami ng buhay sa laki ng mga katawan nila. Naramdaman ko ang pagkapit sa'kin ni Thea na halatang nasindak din sa dalawang bouncer. Napakapit rin ako sa braso ni Gelo ng lumipat ang tingin sa amin nung isang bouncer na halatang sinusuri kami.


"Sigurado ba kayong nasa tamang gulang na ang mga kasama niyong babae?" mababang boses na tanong nung isa sa kanila kaya lalo tuloy humigpit ang kapit sa'kin ni Thea at ganun din ako kay Gelo. Hinawakan ni Gelo ang kamay kong nakahawak sa braso niya at tinapik iyon.


"Opo boss, isasama ba naman naming dito kung hindi?" walang kakaba kabang sagot ni Gelo. Shems! Hindi pa kami nakakapasok pero kinakabahan na agad ako.. Awet!


"Ganun ba? Ang liit niya kasi parang magha-highschool pa lang" sabi nung isa at tinuro ako, tila uminit ang mukha ko sa inis idagdag mo pa ang narinig kong pagtawa nila Kael.

You're my Answered Prayer [EDITING]Where stories live. Discover now