CHAPTER 8

28 22 0
                                    


"Tori anak!"


Tumakbo agad ako papasok ng kainan at niyakap si Aling Maria. Kasunod ko naman si Alberto Justin na dala ang laptop at ilang makakapal na libro. Nag mano naman si Alberto Justin habang magkayakap kami ni Aling Maria.


"Pasensya na po at ngayon lang ako ulit nakadalaw! Alam niyo naman po aral is life!" sabi ko. Tumawa siya at tumango tango, nauna nang umupo si Alberto Justin at tumingin sa amin.


"Ayos lang at masaya ako at bumalik ka at kasama mo ulit si AJ. " sabi niya kaya tumango ako at lumingon kay Alberto Justin na nakangiti rin.


"Ngayon lang din po ulit kami magkasama. Almusal po kami dito Aling Maria, usual order po ulit ni Alberto Justin at siyempre po coffee." energetic kong sabi kaya nag tawanan kami.


"Okay okay! Hintayin niyo na lang sa table niyo." tumango ako at umupo sa tapat ni Alberto Justin.


"Ako taya ha! Libre kita!" nakangiting sabi ko, nangunot naman ang noo niya.


"Good mood?" tanong niya sa 'kin.


"Oo naman! Marami akong chika sayo! Wahhh!" sabi ko pero agad akong napatingin sa mga dala niyang libro. "Ay marami ka palang gagawin.. next time na lang pala." sabi ko pero umiling siya.


"It's okay. May kailangan lang akong gawin sa fundamentals, kukuha lang ako reference dito sa mga libro." sabi niya pero napanguso ako.


"Anong okay ka diyarn! Madidistract kita! Kailangan mong mag focus diyarn!" inartehan ko ang pagkasabi ko para hindi mukhang bossy pero tumawa lang siya.


"I can do multitasking. Matutunan mo 'yan kapag nagcollege kana." natatawang sabi niya. Nanlaki naman ang mga mata ko.


"Ano? Ang busy na nga ngayong Senior High may ibubusy pa sa college?" tanong ko.


"Exactly." Simpleng sagot niya habang nag bubuklat ng libro.


"In what way? Paperworks? Performance?" tanong ko. Seryoso siyang tumingin sa 'kin.


"In any way." Sagot niya kaya sinipa ko ang binti niya sa ilalim ng mesa "What? Are you now horse or something?" natatawang tanong niya.


"Tinatakot mo naman ako e!" pikon na sabi ko na kinatawa niya.


"I'm just preparing you." sagot niya kaya umirap ako sa kaniya.


Medyo matagal dumating ang order namin dahil marami ang customers ngayon at kapwa nag-aalmusal din. 'Yong iba ay galing pa sa jogging at yung iba naman ay galing sa trabaho. Siguro mga call center agents sila, ang lalaki ng eyebags eh. Ooppss! Judger!


Hindi na ako nakatiis at tumabi na sa kaniya. Nakisingit ako sa kaniya at tiningnan ang laptop niya at ang kamay niyang ang bilis mag type. Hindi ko naman maintindihan ang tinatype niya at binabasa niya kaya pabasagak akong sumandal sa balikat niya nang nakasimangot.

You're my Answered Prayer [EDITING]Where stories live. Discover now