CHAPTER 24

18 10 0
                                    

"Stop crying, baka akalain ng mga tao ako nag-paiyak sa'yo."

Hindi ko pinansin si Max na siyang humabol sa 'kin kanina. Hindi ko na rin alam kung nasaan na kami dahil hindi ko naman kabisado ang maynila.

"Tingnan mo! Hindi man lang ako hinabol! Break na ba talaga kami? Ayaw na niya talaga?" tumigil ako sa tapat ng saradong shop at sumandal doon. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago ako nilapitan.

"Sorry, hindi naman talaga gano'n si Rico mukhang naipon lang. Alam mo naman 'yong responsibilidad niya diba?" tumango tango lang ako habang pilit pinupunasan ang mga luha ko.

"Anong gagawin ko? Babalik ako doon para mag sorry? Eh siya lang naman ang inaalala ko eh!" inis na sabi ko. Napailing naman si Max at inakbayan ako.

"Nope. Magpalamig muna kayo pareho kasi baka kapag nagkaharap kayo ngayon ay totoong hiwalayan na." nakuha niya pang tumawa kaya sinapak ko siya pero lalo lang siyang tumawa.

Gaya ng sabi ni Max ay hindi kami bumalik doon at pinakuha na lang niya kay Rafi ang kotse niya. Habang naghihintay kami, si Max ay may kausap sa phone at hindi ko na napakinggan dahil ang bigat bigat pa rin ng loob ko. Siguradong sobrang namamaga na ang mata ko ngayon.

"What the fvck happened to you?" napatingin ako sa gawi ni Max at nakita kong nandoon na ang kotse niya at bugbog saradong mukha ni Rafi.

"Wala, tara na Tori." Pagbabalewala ni Rafi. Nilapitan niya ako at hinawakan ang kamay ko, napatingin ako roon saka napansing namumula din ang mga 'yon.

"Anong nangyari?" tanong ko pero hindi niya 'yon sinagot. Pareho kaming sumakay sa backseat at si Max sa driver seat na panay ang pagmumura.

"Don't tell me you told him about that fvcking feelings of yours?" galit na tanong ni Max.

"Why not? Binalaan ko na siya diba? Gago siya eh." Katulad kanina ay parang wala lang ang galit na tono ni Max.

"Teka ano bang meron?" naguguluhang tanong ko. Wala agad nagsalita sa kanila, si Max ay nakasimangot na nag drive si Rafi naman ay sinandal ang ulo sa balikat ko.

"Wala, let's just sleep. I'm tired." Sabi niya.

"Max, daan tayo sa butika, ang lala ng mga sugat mo!" sabi ko sabay baling kay Rafi na nakapikit na talaga.

"Stupid!" inis na sabi ni Max pero hininto niya 'yon sa tapat ng isang pharmacy at siya na ang bumili.

"Rafi?" tawag ko pero nagulat ako ng bigla niyang hawakan ng mahigpit ang kamay ko. "Ano ba?" pinilit kong agawin ang mga kamay ko dahil nakaramdam ako ng hindi maganda.

"Break na kayo, edi p'wede na kitang pormahan?" simpleng sabi niya na para bang ganon kadali 'yon. Tinulak ko siya palayo at humakbang paharap para maka –upo sa shotgun seat.

"Tigilan mo ako, Rafi. Kaibigan ka ni Rico at kaibigan kita. Mahal na mahal ko si Rico at.. nag-away lang kami." Seryosong sabi ko pero ngumisi lang siya, halatang walang pakialam sa sinabi ko.

Gosh! Lord! Give me a break!

Mag-tatatlong linggo na simula noong huli naming usap namin ni Rico. Madalas siya sa bahay dahil nga inaasikaso na nila ni Papa. Nagkakasalubong kami pero hindi kami nagpapansinan, magkatabi kaming kumain pero hindi kami nag-uusap at minsan ay sabay pa kaming pumupunta sa building namin. Pati ang pag finalize ng staffs ay magkasama kami pero hindi kami nag-uusap.

Hinayaan ko na lang atleast nakikita ko pa siya at alam kong maayos ang kalagayan niya. Natatakot nga lang ako na pagkatapos ng opening bukas ay hindi ko na siya makita. Nakatulala lang ako habang tinitingnan ko ang gown na isusuot ko bukas dahil may event kami bukas. Kulay Yellow 'yon at tube siya kaya kita ang cleavage ko. Si Ate Lina ang pumili kaya hindi na ako nakakontra.

You're my Answered Prayer [EDITING]Where stories live. Discover now