CHAPTER 19

20 10 0
                                    


"Alam mo ba Karen, inaway ako niyan ni Alberto Justin!"

Nasa kwarto ako ni Alberto Justin at ka video call ulit namin si Karen. Nag-order si Alberto Justin ng sushi kaya ang dami ko nanamang nakain, ako naman ang sagot sa milktea. Lumabas saglit si Alberto Justin kaya isusumbong ko na siya. Narinig ko ang pagtawa ni Karen bago sumagot.

"[Yeah, I know. Ganun lang talaga siguro magalit si AJ.]"

"Siguro?" nagtatakhang tanong ko.

"[Y-Yeah. Hindi pa kasi kami nag-away like what happened sa inyo. And hindi rin namin napag-awayan ang tungkol sa pananamit ko.]" sabi niya.

"Hindi ka pa nasigawan nung mokong na 'yon? Unfair! Edi kayo na inlove sa isa't isa." Pikon na sabi ko. Ngumiti lang siya at nagbukas na ng ibang topic. Sakto naman na dumating na rin si Alberto Justin na may dalang apat na slice ng cake. Gosh!

Nagkwentuhan lang kaming tatlo habang kumakain kami ni Alberto Justin, si Karen naman ay nasa gym kaya iniiggit namin siya. Panay pa ang tawa ko kapag napipikon ko silang dalawa. Kinwento ko rin ang tungkol sa pagste-stay ni Rico sa'min sa Pasko kaya kinilig nanaman tuloy ako.

"[I want to meet your Rico.]" nakangiting sabi ni Karen.

"Huy! Enebenemen yen! Hindi pa siya sa'kin. Soon pa lang! Rawr!" pagpapabebe ko kaya natawa sila. Kumuha ako ng cake na dala ni Alberto Justin at napangiwi ako sa sobrang tamis.

"Pfft." Napatingin ako kay Alberto Justin dahil sa pagtawa niya. Nagulat ako nang bigla niyang pinunasan ang gilid ng labi ko gamit ang daliri niya. "Patay gutom." Asar niya, kumuha ako ng tissue para punasan ang daliri niya sabay kurot sa mga 'yon. Napadaing siya ngunit tumawa na lang.

"Tingnan mo 'yan Karen, patay gutom daw—Okay ka lang ba?" natigil ako sa pagsumbong ko nang nakita ko siyang nakatulala, maya maya ay ngumiti naman na siya at tumango.

"I need to go na guys. Goodbye babe, I love you." Sabi niya. Kumaway ako bago ko sinubo ang isang sushi. Nangunot naman ang noo ko dahil ang tagal sumagot ni Alberto Justin, palihim ko siyang kinurot kaya napa-ubo siya.

"Alright. I-I love you too. Take care." Nakita ko ang gulat ni Karen at ang pamumula ng mukha niya. Edi sila na may lovelife!

"Landi niyo! 'Pag ako nagka-jowa talaga!" pagbibiro ko. Tumawa si Karen at halatang masaya siya kaya nakangiti akong lumingon kay Alberto Justin na parang pilit lang ang ngiti.

"Ang sweet mo kanina ah!" pang-aasar ko at pinanggigilan ko pa ang braso niya dahil sa kilig. Ngumiti lang siya sa 'kin pero hindi ako sinagot. Weird!

"What do you think, babe?" bulong sa 'kin ni Rico.

Nandito kami sa mall, namimili kami ng p'wede naming iregalo sa mga kaibigan namin. Sobrang daming tao dahil karamihan ng mga binebenta ay sale. Nagsisi nga ako kanina kasi dapat mas maaga akong namili para hindi marami ang tao.

"Ang mahal naman niyan, dapat 'yong nakita na lang natin kanina eh." Sabi ko. "Para kanino ba 'yan?" tanong ko naman.

"For your Mom." Nakangiting sagot niya. "Let's go to Chanel, baka may mas maganda ron." Nanlaki naman ang mga mata ko. Hiyang hiya naman ako sa mga nabili kong galing SM department store at ilang galing sa watsons sa mamahaling brands na gusto niyang pagbilhan.

"Ang mahal doon, Rico! Simple lang naman ang gusto ni Mama! Ikaw puro ka gastos, p'wede namang ito na lang, 1499 lang oh!" sabay turo sa bag na nakita kong sale. Ngumiwi naman siya.

You're my Answered Prayer [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon