CHAPTER 2

63 33 0
                                    


"Tara na Tori! Hinihintay na ako ng bebe ko!"


Napailing na lang ako kay Ate Lina na panay ang picture niya sa tapat ng salamin para sa OOTD niya. Naka yellow dress siya, nakalugay ang buhok at nag cheek at lip tint. Maganda naman siya kahit hindi na siya mag-ayos pero dahil nga nandon ang crush niya dapat mas bongga.


Naka simpleng pants lang ako at blouse na kulay yellow. Para tuloy kaming magkapatid ni Ate Lina, matchy matchy pa talaga kami. Naka flat shoes lang rin ako samantalang siya ay naka heels, matangkad na siya lalo pa siyang tumangkad. Sana all!


"Huwag kang tumabi sa 'kin mamaya! Nanliliit ako lalo!" reklamo ko sa kaniya. Natawa siya habang pababa kami. Nandoon na rin sila Jacob na nakabihis na. Si Lola ay nauna na, dahil makikipag chikahan pa yun sa mga ka amiga niya ro'n.


"Hahaha! Hindi naman talaga ako tatabi sayo! Sa bebe ko ako tatabi! Patangkad ka kasi 'te!" asar niya sa'kin. Kasalanan ko bang maliit ang angkan nila Papa? Pero ako yata talaga ang hindi nabiyayaan ng height dahil 4'11 lang ang kinaya ko. Hindi man lang sumampa kahit 5 flat. Awit!


"Kasalanan ko? Kasalanan ko?" pikon na sabi ko.


"Hindi ka kasi natutulog sa tanghali noon, kaya pandak ka anak." nang-aasar na sabi ni Mama kaya nagtawanan sila.


"HA HA HA! Sobrang funny!" pikon na sabi ko pero natawa pa rin sila. Binatukan ko na si Jacob pero tumatawa pa rin ang loko.


Nang makarating kami sa chapel ay kaunti pa lang ang tao dahil nga maaga pa naman. Maaga lang kaming pumunta para makaupo kami sa lagi naming pwesto. Halos magkakakilala na kasi ang mga matatanda dito dahil sa isang subdivision lang naman kami nakatira. Ako naman dakilang makakalimutin ay tanging mukha lang ang natatandaan ko kapag pinapakilala kami ni Mama. Kaya kapag nakasalubong ko ay ngumingiti na lang ako.


Sa chapel ay parang may trademark na pwesto na ang bawat pamilya. Ewan ko ba nasanay na lang kasi ang mga tao na kung saan sila madalas umupo ay doon na lagi. Kadalasan kasi ay magkakatabi ang mga magkakakilala.


"Hoy Linda umalis ka diyan.. mga Reyes na ang may sakop niyan" bulong ni Lina.


Hindi naman talaga necessary pero nakagawian na lang. Tinapik ko si Jacob na nasa tabi ko at sinabihan isave niya ako ng upuan dahil lalabas lang ako saglit. Umoo siya kaya umalis na ako. Sakto naman nakasalubong ko na ang pamilya Reyes na binati agad sila ng mga kakilala nila. Isa sila sa mga mayayaman na nakatira sa subdivision kaya naman sikat ang pamilya nila. Madalas silang mag donate at present sa mga activities sa church. Mga dati kasing sacristan ang mga anak ni Misis Reyes tapos lay minister naman si Mister Reyes. Hindi ko rin sure kung sino sa kanila ang nag sacristan pero hindi ko maalala na nakita ko silang nag serve. Nakalimutan ko na ang pangalan nila pero palagi silang nababanggit ni Ate Lina.


"Hello po Tita! Hello Andrei!" narinig kong bati ni Ate Lina. Napailing na lang ako at nagpatuloy sa paglakad palabas.


"Aray!"


"Oh sh*t!"

You're my Answered Prayer [EDITING]Where stories live. Discover now