CHAPTER 6

37 25 5
                                    


 "God! You're so tiny!"


Natatawang asar niya sa 'kin habang pinapagpagan ko ang pwetan ko. Sinamaan ko siya ng tingin.


"Pake mo?" pikon kong sagot, sandali siyang nagulat pero napangiti rin pagkatapos.


"Pikon! I'm 5'11 by the way" natatawang sabi niya kaya inirapan ko siya.


"Walang nagtatanong! Yabang!" pikon ko pa ring sagot. Natawa siya at pinasakay na ako sa kotse niya. Grabi lalo akong nanliit nung sinabi niya ang height niya. Bwisit!


"Bakit mo nga pala ako dinala rito? Balak mo talagang magpakamatay kasama 'ko kung sakali?" curious na tanong ko habang iniistart niya ang kotse, hinintay ko siyang sumagot dahil focus siya sa pag-atras ng kotse kaya hindi ko muna kinulit.


"Actually, halos two weeks na kaming magkaaway ni Karen kaya naman I'm a dumbass lately. Shit!" sagot niya at bahagya pang sinabunutan ang sarili.


"Grabi ka! Ang taas naman ng pride mo!" pagaakusa ko agad namang nanlaki ang mga mata niya.


"Dude! Excuse me! She's the one who's avoiding my calls and messages!" defensive niyang sagot. Pinasingkitan ko siya ng mata hindi niya pinansin iyon at kunwari focus sa pag drive.


"Hay nako! Mga lalaki talaga!" pagaakusa ko ulit kaya sinulyapan niya ako saglit.


"Hey! Kayo ang hilig niyong lahatin! Porket---"


Nagkatinginan kami ng tumunog parehas ang mga sikmura namin. Shems! Nakakahiya! Napa-iwas ako ng tingin at kunwaring walang nangyari.


"Uhm.. hahah! Do you wanna eat?" natatawang tanong niya.


"Wow! Baka ikaw! Ha Ha Ha!" pang-aasar ko.


"Tsk! Let's eat. Tapsi" sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya at tinignan ang orasan sa kotse niya. Loko loko ba siya!


"Boplaks! May bukas pa bang kainan nang ganitong oras? Ang alam ko mga drive thrus na lang eh!" sabi ko, agad naman akong nahiya dahil sinabihan ko siya ng boplaks. "Hehehe sorry!" dagdag ko agad. Nakita ko naman siyang tumawa.


"It's fine. Actually bago lang sa 'kin yung mga terms mo hahaha! I'm glad dahil you seem comfortable with me." nakangiting sabi niya.


"Bakit kapag college na ba pormal na lagi ang salitaan? Dude! Puro mura ka nga diyan kanina!" pang-aasar ko sa kaniya "Ewan ko ba, baka kasi di ba lagi naman tayong nag kaka sabay magsimba? Kahit hindi tayo nagpapansinan pamilyar na 'yang mukha mo, kahit mukha kang nakakaintimidate.. Hindi ko nga lang alam pangalan mo." sabi ko. Kahit alam kong Alberto Justin siya, baka magtaka siya at akusahan pa akong stalker.


"Hahaha! Hindi lang talaga ako masyadong madaldal, I don't have that friendly aura that my Kuya Gus have and I'm Alberto Justin Reyes and you are?"

You're my Answered Prayer [EDITING]Where stories live. Discover now