CHAPTER 34

14 8 0
                                    


"Kinakabahan ako!" napahigpit ang hawak ko kay Alberto Justin nang maramdaman kong medyo gumalaw ang eroplanong sinasakyan namin.

"Hey, it's alright. I'm here." Pagpapakalma niya sa 'kin. Tinakpan niya ang tainga ko nang magsimula nang lumipad ang sinasakyan namin.

"Hmm!" napapikit ako dahil sa tindi ng pressure na nararamdaman ko. Inabutan ako ni Rico ng chewing gum at siya na mismo ang nag-subo no'n sa 'kin.

"Calm down, Love. It's okay now." Napamulat ako nang wala na ang pag-alog kanina. Inayos ko ang upo ko at napatingin sa bintana. Sa ganda ng view ay onti-onting nawala ang takot ko lalo na't hawak ni Alberto Justin ang kamay ko.

Nagpasalamat ako kay Rico dahil sa pagbigay niya ng gum sa 'kin dahil kahit papaano ay nakatulong 'yon. Magkakatabi kaming tatlo, sa harapan namin ay si Kuya Gus, Secretay Min at si Trish. Sa likod naman ay Si Karen, Felly at ang manager niya. Ayos lang naman sa 'kin ang mga p'westo namin kaso itong dalawang katabi ko mga ilag sa isa't isa.

Nakatulog ako sa mga biyahe kaya hindi ko masiyadong nakita ang view lalo na noong nasa boat kami papuntang island. Ang kasama ko sa room ay si Trish, si Felly at Karen ay nasa tabi lang ng room namin samantalang tapat naman namin ang room ni Alberto Justin at Rico at katabi nila ang kina Kuya Gus at Secretary Min.

"First time mo pala sumakay sa airplane?" tanong sa 'kin ni Trish habang nag-aayos kami ng mga gamit namin. Since tanghali na kami nakarating ay mataas na ang araw kaya nagmamadali na kami para kumuha ng magandang pictures.

"Oo, gano'n pala ang feeling." Medyo nanginig pa ako nang maalala kung gaano ako katakot kanina.

"Masasanay ka rin, ako nga noong first time ko nasuka pa ako eh!" natawa siya habang nag-kwe-kwento. "Two-piece susuotin ko, ikaw?" napangiwi ako dahil beach dress na ang balak kong suotin. Napatingin siya sa nakalapag sa kama ko at agad na napailing. "Don't you dare! Mag-bikini ka!" lumapit siya sa'kin at naghanap sa maliit na maleta ko.

"Ayoko, hindi ako confident sa katawan ko." Tanggi ko kahit kasi 'yong off-shoulders na top ay nahihiya pa rin ako dahil kita tiyan.

"Love your body! Lahat ng mga babae rito Tori, naka-bikini! Kahit ano pang hugis ng katawan!" sabi niya bago ako itinulak sa maliit na banyo kasama ang napili niyang damit para sa 'kin. "Bilisan mo ah, mag-apply pa tayo ng sun block!" sigaw niya.

Nakayuko akong lumabas sa banyo pagkatapos kong sinuot ang off-shoulder top at bikini panty na itim. Kumportable naman ako na kita ang legs ko dahil mahilig naman akong mag short-shorts pero 'yong tiyan talaga problema ko. Nakakainis kasi si Alberto Justin, panay ang kain namin sa labas kaya tumaba talaga ako.

"Sexy ka naman pala! Nahihiya ka pa niyan?" nag-init ang pisngi ko nang ilang beses niya akong purihin. Naka-suot na siya ng two-piece niyang kulay green. Mas matangkad siya sa 'kin at payat. Mas maputi lang ako pero mas maganda pa rin ang katawan niya.

Pagkatapos naming mag-ayos at mag-apply ng sunblock ay lumabas na kami. Pinahiram niya rin ako nang manipis na scarf na pwede kong itali sa may bewang na bumagay sa suot ko. Hindi na ako nag-accessories tulad niya dahil tanging bracelet na bigay ni Alberto Justin ang dala ko. Maliit na sling bag lang ang dala namin kung saan kasya ang wallet at cellphone.

Paglabas namin ay agad akong napa-atras nang maabutan ko si Alberto Justin at Rico sa mismong tapat ng room namin. Naka-beach shorts si Alberto Justin at naka-polo na floral at nakabukas ang unang tatlong butones kung saan kita ang dibdib niya. Si Rico naman ay naka-beach shorts din at naka-sando na stripes at kitang kita ang maganda niyang pangangatawan.

You're my Answered Prayer [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon