CHAPTER 28

12 10 0
                                    

"Hindi ka muna sasama sa 'min?"

"Hindi na, sa Monday na lang ulit. Kailangan kong umuwi hinihintay ako ni baby Pretzel." Paalam ko kila Regie at Hazel. Kinindatan ko pa si Regie dahil alam kong gusto niya talagang masolo si Hazel. "Ihatid mo 'yan pauwi ah!" pahabol ko at nauna nang lumabas ng room.

Nagulat ako nang pagbaba ko ay nandoon si Rico at nakatulala sa isang gilid. Dahan dahan akong lumapit sa kaniya at pinakalma ang sarili. Tiningnan ko ang kabuoan niya at halatang pumayat siya. Pagod din ang itsura niya at halatang problemado pero kahit gano'n ay gwapo pa rin siya, hindi nga lang fresh.

Isang linggo kaming hindi nag-kausap simula pa noong birthday ko. Wala ako balita sa kaniya o kahit kay Mika. Hindi ko rin ineexpect na susunduin niya ako dahil wala naman siyang text na kahit ano. Sa isang linggong 'yon ay sigurado na ako, si Alberto Justin ang mas matimbang sa puso ko kaya kailangan ko nang tapusin ang sa 'min ni Rico na alam kong matagal ng tapos, hindi lang namin inaamin sa sarili namin. Masakit para sa 'kin ang gagawin ko pero para rin sa 'ming dalawa 'to, alam kong mas magiging maayos siya kung hindi ako makakadagdag sa isipin niya.

"Rico.." pagtawag ko. Napailing siya at agad na ngumiti nang makita ako. Matipid kong sinuklian ang mga ngiti niya at sabay na kaming naglakad papunta kotse niya.

"How's your day, babe?" tanong niya katulad ng dati.

"Busy pa rin, uuwi pala kami mamaya nila Kael mamaya so uhm, daan na lang tayo sa park saglit." Sabi ko. Napakagat ako sa labi nang malungkot siyang tumingin sa 'kin at tumango na lang. "Ikaw, kamusta nga pala si Mika? Ang baby?" tanong ko na para bang kaswal lang.

"S-She's fine now, since it's her first baby maselan pa. Monitored din namin ang pagkain niya at kailangan siyang alalayan palagi dahil mahina ang katawan niya. Madalas siyang nagsusuka at masama ang pakiramdam kaya lagi dapat siyang sinasamahan." Kwento niya kaya tumango ako.

"Buti naman at ayos na siya, si Lee?" kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag dahil mabait naman sa 'kin si Mika kahit pinagselosan ko siya kaya walang rason para mainis pa ako sa kaniya ngayon lalo na't buntis siya.

"Busy siya kay Mika at siya pa mismo ang pinaglilihian nito kaya hindi siya pinapaalis kahit bibili lang ng pagkain kaya ako lagi ang bumibili ng mga pagkain na gusto niya." Napangiti pa siya habang ikunkwento kung paano maglihi at mga pagkaing kinahihiligan ni Mika. Kung dati siguro ay kanina pa ako nagseselos pero ngayon natutuwa na lang rin ako dahil ang interesting ng pagbubuntis ni Mika.

"P'wede ka na palang tatay eh." Pang-aasar ko dahil naikwento niya rin na sa kaniya binilin ni Mika ang pagpapangalan sa magiging baby niya at sa pagbili ng gamit.

Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa pagdra-drive hanggang makapunta na kami sa park na kaunti ang tao dahil mukhang paulan na. Dito kami madalas mag-away at dito rin kami nag-kakaayos. Napangiti pa ako dahil naalala ko kung paano ko siya murahin dahil lang sa pagseselos ko at kung paano naman siya galit na tumitingin sa 'kin kapag siya ang nagselos.

"Do you want me to buys some snacks?" tanong niya pero umiling lang ako at hinawakan ang kamay niya. Magka-hawak kaming naka-upo sa isang bench kung saan tanaw namin ang ilang nagtre-train ng dogs, bigla ko tuloy naalala si baby Pretzel. Hindi na ako makapaghintay umuwi.

"Alam mo ba unang kita ko pa lang sa'yo napansin kong ang pinakamagandang feature sa mukha mo ay ng singkit mong mga mata? Noon akala ko nagwapuhan lang talaga ako sa'yo kaya gusto kitang mas makilala pa pero mas malalim pa pala roon ang dahilan. Na love at first sight yata ako sa'yo, sis!" natatawang kwento ko kaya napangiti siya tila binabalikan din ang una naming pagkikita. "Dati ay akala ko tahimik ka lang pero noong nakita kitang nagpeperform ay shet! Nahulog kaagad ako sa'yo!" diretsang sabi ko.

You're my Answered Prayer [EDITING]Where stories live. Discover now