CHAPTER 45

16 8 0
                                    


"I want to propose.. "

Napanganga kaming lahat dahil sa sinabi niya. Agad?! Ilang minuto kaming gulat at nakanganga bago nagkatinginan sa isa't isa. Naghawak pa si Ken at Kael sa balikat parang dinadama kung totoo nga ang nangyayari, si Charles naman ay nahinto rin sa pagbabasa at kami ni Thea ay magkahawak ang kamay.

"Huy ano?! Tunganga na lang kayo diyan?! Anak ng tokwa oh!" napahawak pa si Gelo sa dibdib niya. "Kabado na nga ako eh!" dagda niya pa.

"Hayop p're! Ba't parang nagmamadali ka?"

"Gago.."

"Ayaw mo nang maging binatang Pilipino pre?"

"Kaya ka ba nag-quit sa vlogging?"

"Akala ko pa naman pre, tatanda kang mag-isa."

"Sure ka na ba?"

Sabay-sabay na kaming nagsasalita, kapwa naguguluhan kung bakit ang bilis. Kailan lang nag-quit na siya sa pag-vlavlog pero nag-uupload pa rin naman siya ng mga na films na naipon niya pa noon. Kapapasok pa lang din niya sa kumpanya nila dahil noong una ay wala siyang balak, iniisip niya pa ngang mag-artista.

"Ngayon lang ako naging sure, mga Kupal. Sigurado na ako pre." Seryoso siyang tumingin sa amin. "At pre, pakiramdam ko nabuntis ko siya." Napanganga lalo kami sa sinabi niya.

"Pvtangina, uso gumamit ng condom!" sigaw sa kaniya ni Kael.

"Gago, siyempre alam ko 'yon. 'Wag mo 'kong sigawan pre, baka gusto mong isumbong kita kila Tori." Pagbabanta ni Gelo, napatingin tuloy kami ni Thea kay Kael na sumipol-sipol na.

"Anong plano mo?" tanong ni Ken na parang siya pa namomoblema.

"Oo nga, nasabi mo na ba 'yan kila Tita?" tanong ko pero umiling siya.

"Loko-loko ka, hindi ka nag-iingat!" binato siya ng unan ni Thea.

"Hey!" sinaway siya ni Charles sa pagbabato niya ng unan dahil nasa condo niya kami ngayon.

Malapit lang ang condominium building namin ni Charles kaya noon ay dito rin ako tumatambay, lalo na malapit ang school ko rito. Nagkayayaan na mag-inuman ngayon dahil nga may sasabihin si Gelo. Akala namin tungkol lang sa pagvlo-vlog, mas seryoso pa pala.

"Ano, tutulungan niyo ba ako?" tanong niya. Nagkatinginan muna kami bago sumagot.

"Game!" sabay-sabay naming sabi.

Habang umiinom ay pinag-planuhan namin ang magiging proposal niya kay Jennalyn. Sobrang seryoso namin na para bang kasal na ang pinag-plaplanuhan namin. Gusto kasi ni Gelo, pinaka-memorable. Nagtingin din kami ng resorts, restaurants, parks o kahit anong lugar na may romantic vibe.

"Grabe hindi ko inaakala na mauuna ka sa aming lahat, ikaw pa naman huling nag-jowa sa atin." Sabi ni Ken pagkatapos naming mapagplanuhan ang lahat. Ang kailangan na lang ngayon ay masabihan ang mga kaibigan ni Jennalyn.

"Akala ko talaga pre si Tori unang ikakasal sa atin!" biglang sabi ni Kael.

Natahimik ako at unti-unting nawala ang ngiti ko. Sinamaan siya ng tingin nila Charles at sinabunutan naman siya ni Thea. Tinungga ko ang isang baso at napatulala na lang sa baso ko, nakayuko. Siguro kung hindi kami naghiwalay at hindi ko siya pinaalis ay pinag-uusapan na rin namin ang bagay na 'to.. pero kung hindi ko siya pinakawalan ay hindi niya maabot kung ano man ang naabot niya ngayon.

Naalala ko pa noon sa tuwing tinitingnan ko lahat ng post ni Tita Marie sa tuwing may nakukuhang award si Alberto Justin, ma pa-academic, sports, theathre o kahit ano pa, ay sobrang proud ko. Kulang na lang magcelebrate ako at magdaos ng party para sa kaniya. Sobrang saya ko para sa kaniya pero siguro mas masaya kapag kasama ko siya.

You're my Answered Prayer [EDITING]Where stories live. Discover now