CHAPTER 13

22 13 0
                                    


"Bye po Tita! Salamat po sa pagtanggap sa 'kin!"


Inayos ko ang pagkakatali ng buhok ko habang nakatingin kay Rico na nag papaalam kay Mama. Ngumiti naman si Mama.


"Walang anuman, hijo. Ayos lang sa 'kin kung gusto mo ulit bumisita, basta alagaan mo ang anak ko kapag nasa BK siya at ang mga paalala ko sa'yo. 'Wag kalimutan." Pagpapa alaala ni Mama. Ngumiti si Rico at magalang na nagpaalam ulit kay Mama.


"Bye Ma!" paalam ko at niyakap si Mama. Inulit niya ulit ang mga bilin niya sa 'kin simula pa kagabi kaya tumango na lang ako at kumaway na nang makita kong nag park na sa tapat ng bahay ang Hiace nila Kael.


"Mag-ingat ha! Mag-update kayo kapag nandoon na kayo!" paalala ulit ni Mama habang nagmamano sa kaniya sila Kael na mga inaantok pa.


"Opo Tita!" sagot ni Thea.


Nilagay na ni Rico sa sasakyan ang bag ko bago ako hinarap. Ngumiti ako sa kaniya.


"Thank you, Rico! Kitakits na lang ulit!" masayang paalam ko. Lumapit siya sa 'kin at mahigpit akong niyakap agad namang uminit ang pisngi ko. Gosh! Ang aga ko namang kiligin!


"Mamimiss kita. Ingat ka. Update me okay?" malambing na sabi niya bago niya kinalas ang yakap sa 'kin.


"Yes boss! Ingat ka rin." Nakangiting sagot ko. Matagal niya muna akong tinitigan at mabilis na hinalikan ang pisngi ko.


"Huy! Tsansing ka ah!" saway ko pero alam kong namumula na ako. Tumawa lang siya at yayakapin sana ulit ako ng sumulpot na si Niko sa tabi ko at umubo nang malakas.


"Let's go, para maabutan natin ang sunrise." Sabi niya at sumakay na Van. Napakagat ako sa labi at naiilang na kumaway kay Rico.


"Uhm, bye na." sabi ko, tumango siya sa 'kin at inalalayan akong sumakay. Katabi ko si Thea na nagsusuot ng neck pillow niya.


Nag kawayan pa kami saglit at siya na ang nagsara ng pinto ng sasakyan namin. Sinundan ko siya nang tingin hanggang makasakay na rin siya sa kotse niya at gano'n din si France na susunod yata sa 'min palabas.


"Alis na po tayo Sir?" tanong ng driver.


"Let's go Kuya! Wohh!" sigaw ni Kael kaya natawa kami.


Walang nakaupo sa tabi ng driver, nakapatong lang doon ang bag na naglalaman ng pagkain. Si Gelo at Niko ay magkatabi sa harap at kaniya kaniya na silang pwesto. Kami naman nila Thea at Charles ang nasa gitna. Ang magpinsan ay nasa likod at mukhang matutulog na dahil nag-aaway na sila sa pwesto nila.


Binuksan ko ang cellphone ko para mag browse sa twitter dahil hindi pa naman ako inaantok. Nag suot din ako ng neck pillow at sinandal ang likod ko sa upuan para mas komportable. Nagulat naman ako nang mag dm si Alberto Justin nang ganito ka-aga.

You're my Answered Prayer [EDITING]Where stories live. Discover now