CHAPTER 40

19 10 0
                                    


"Ate! Ate! Nanganak na raw si Mama!"

Napabalikwas ako at pinunasan agad ang mga luha ko nang biglang pumasok sa kwarto namin ni Ate Lina si Linda. Hawak niya ang iPad niya at tuwang-tuwa siya. Bumaba ako sa kama kasabay ko si Ate Lina na nagising sa sigaw ni Linda.

Hinarap niya sa akin ang picture nang kapatid namin at kung hindi ako nagkakamali ay babae siya. Umiiyak siya sa picture na 'yon at nakita ko si Mama na walang malay. Si Tita Beng ang nagpadala ng picture, may picture rin na nasa nursery room na ang kapatid namin. Kahit malungkot ako ay parang biglang napawi iyon nang makita ko ang kapatid ko.

Bigla ring naki-silip si Jacob na kagigising lang at agad ding napangiti nang makita ang bunso namin.Akala ko nga ay magrereklamo siya na babae na naman ang kapatid namin pero hindi. Niyakap ko silang dalawa dahil sa sobrang tuwa.

"Puntahan na natin sila Ate! Excited na ako mag-alaga ng baby!" magiliw na sabi ni Linda.

"Oo nga, itetext ko na si Kuya para maipag-drive tayo bukas!" agad na sabi ni Jacob.

"Uhm, p'wede bang bigyan niyo ako ng ilang araw bago tayo pumunta kay Mama. Ano kasi.. may dapat akong ayusin sa amin ni Alberto Justin." Hindi na ako nagpaligoy-ligoy at sinabi na sa kanila ang balak kong gawin.

"Hoy, gaga ka! Hindi ako pabor sa gagawin mo!" pinalo pa ako ni Ate Lina nang sinabi ko ang naiisip kong paraan para mapapunta siya kay Karen.

"Ate, ayoko.." malungkot na sabi rin ni Linda.

"Kailangan.. ako kasama ko kayo, eh si Karen? Wala siyang kapatid na katulad niyo kaya mas kailangan niya si Alberto Justin." Sabi ko.

Buo na ang desisyon ko at sana magawa ko talaga ang plano sa isip ko. Sa totoo lang ay hindi ako maka-isip ng dahilan kung bakit ko siya papapuntahin doon, ayoko naman sabihin na dahil kay Karen dahil talagang magagalit siya. Bahala na..

Habang nag-hahanda ako nang agahan ay ka-video call ni Ate Lina at Linda si Tita Beng para ipakwento ang nangyari. Hindi ko na rin mabilang kung ilang buntong-hininga ang nagawa ko lalo na nang makitang may nasunog akong hotdog. May tutong din ang nasaing ko kanina kaya napangiwi ako.

"Ate.." napatingin ako kay Jacob na nakapamulsang tumingin sa akin.

"Oh? Gutom ka na ba? piliin mon a lang 'yong walang tutong ha. Tapusin ko lang 'tong—"

"Ayokong masaktan ka, Ate. Alam kong mahirap na para sa'yo ang araw-araw mong pag-aalaga sa amin lalo na gano'n pa ang lagay ni Mama kaya Ate, please.. 'wag mo lalong pahirapan ang sarili mo." Malungkot na sabi niya. "Kung kaya ko lang ang ginagawa mo Ate ay ako na ang aako kaso—"

"Okay lang ako Jacob. Kakayanin ko, para sa inyo." Nakangiting sabi ko, pilit pinipigilan ang luhang kanina pa gustong tumulo.

Pumunta rin ako kila Charles kung nasaan sila Kael, Ken at Thea. Si Gelo ay may pinuntahan pero hahabol daw siya. Noong una ay naglaro lang kami ng kung ano-ano. Hindi ko kasi alam kung paanong sasabihin sa kanila, baka katulad din ang reaksyon nila sa mga kapatid ko pero umaasa pa rin ako na maintindihan nila.

"Kupals.. 'yong kay Karen.." pasimula ko kaya agad silang napatingin sa akin. Pagkatapos kong ikwento lahat ay nagkaroon ng ilang minutong katahimikan hanggang mapaiyak na ako.

"Huy, Kups.. pag-isipan mo kaya muna?" agad akong nilapitan ni Kael.

"Oo nga, baka may ibang paraan pa? Diba may offer siya na mag-aral don?" tanong ni Thea.

You're my Answered Prayer [EDITING]Where stories live. Discover now