CHAPTER 37

16 9 0
                                    


"Pa, nandito na kami."

Hinawakan ni Mama ang kamay ni Papa at ngayon lang namin ulit narinig si Mama na magsalita ng tuwid. Naka-akbay ako kay Jacob habang ang isang kamay ko ay nakahawak sa kamay ni Linda na kanina pa ang singhot. Kung ako lang ay kanina pa ako umiyak pero dahil mahina si Mama at ang mga kapatid ko kailangan ko magpakalakas.

May ilang inalis ang mga nurses para makapagsalita si Papa, hindi ko alam kung p'wede na bang alisin 'yon pero kanina bago kami pumasok ay matagal munang inexamine ng doctor si Papa. Sinabihan kami na ilang minuto lang kami p'wedeng mamalagi.

May pinasuot na gown sa'min ang mga nurses bago kami pinapasok at kung maari raw ay 'wag masiyadong hawakan si Papa o alugin. Ang pamilya Reyes at si Ate Lina ay nasa labas. Si Lola naman at ang mga kaibigan ko ay papunta pa lang. Tinawagan din namin si Attorney kung sakaling hanapin siya ni Papa.

"M-Mahal.." mahinang tawag ni Papa. Nakita pa namin siyang napadaing kaya nataranta si Mama. "A-Ayos lang.. masaya ako at.. kumpleto kayo." Nakuha pang ngumiti ni Papa kahit halatang nahihirapan siya.

"Anong nararamdaman mo? Salamat naman at gising kana."

"H-Hindi ko... maramdaman ang mga binti at braso ko.." napasinghap kaming magkakapatid pero agad ding napatigil ng lingunin kami ni Papa. "'Wag kayong mag-alala nagagalaw ko pa naman ang mag daliri at ulo ko." Kahit ganoon ay nagagawa pa rin niyang maging positibo. Papa...

"Mahal naman.."

"M-Mukhang ikaw pa ang may sakit sa 'ting dalawa, kumakain ka pa ba Mahal?" mahihimigan ang inis sa boses ni Papa. Nang hindi sumagot si Mama ay tumingin siya sa 'min kaya napaiwas kami ng tingin. "Hay nako! Ayokong nalilipasan kayo ng gutom lalo ka na Mahal! Nasa sinapupunan mo ang bunso natin." Parang walang sakit kung magsalita si Papa at nakuha niya pang pagalitan kami.

"Ayokong umiiyak kayo at napababayaan niyo ang inyong mga sarili. Diba sinabi ko sa inyong alagaan niyo ang mga sarili niyo, Mahal? Buntis ka—"

"Mas maalagaan ko ang sarili ko Mahal kung nandito ka sa tabi ko! H-Hindi ako sanay na.." napahagulgol si Mama kaya agad ko siyang nilapitan.

"Lagi naman akong nasa tabi mo Mahal, lagi akong nasa tabi niyo. Hindi ko naman kayo iiwan." Sabi ni Papa. "Hindi pa man ako natetegi ganiyan na ang nangyari sa 'yo mahal."

"Papa naman eh!" hindi na napigilang magreklamo ni Linda dahil puro biro si Papa.

"Oh, totoo naman ah!" natatawa pang sabi ni Papa. "Ang sa akin lang, kung sakaling mawala ako o isa man sa atin ay 'wag niyong hahayaang mapabayaan ang mga sarili niyo. Hindi ko gusto na malulungkot kayo. Kalma lang! Bawal sad dapat happy!" Napanguso si Linda habang si Jacob ay napabuntong hininga.

Nag-usap pa kaunti si Papa at Mama tungkol sa mga nangyari noong wala siya. Sinumbong pa namin si Mama dahil nga sa hindi niya pagkain at pagtulog ng tama. Pinagkwento rin kami ni Papa kaya medyo gumaan na ang loob namin. Kahit nag-aalala kami dahil hindi maramdaman ni Papa ang ilang parte ng katawan ay masaya kami dahil gising na siya.

Nang sineniyasan kami ng nurse na kailangan na naming umalis ay nagsimula na namang umiyak si Mama. Panay ang pagpapatahan sa kaniya ni Papa at pinaalalang makasasama iyon sa bunso naming kapatid.

"Ate," napalingon ako kay Papa nang tawagin niya ako. "Gusto kong maka-usap ang nobyo mo. Ang mga Reyes." tumingin din siya kay Linda kaya alam kong pati Jandro ay pinapatawag niya. Hindi ko alam kung bakit napalunok ako sa sinabi ni Papa.

You're my Answered Prayer [EDITING]Where stories live. Discover now