CHAPTER 15

20 14 0
                                    


"Buti naman sinagot mo na, ang dami kong kwento!"


Nakauwi na kami at katatapos ko lang maligo. Alas otso na ng umaga pero patulog pa lang ako dahil sa biyahe.


"[Hmm? About what?]" nangunot ang noo ko nang marinig ko ang pagkatamad sa boses niya.


"Are you tired? Nasa Hongkong pa rin ba kayo?" naguguluhan kong tanong.


"[Yeah.]" hindi ko na alam kung bakit ganito siya.


"Kailan kayo uwi? Miss na kita huhuhu!" sinubukan kong mag-inarte ng kaunti pero sa halip na marinig ang tawa niya ay ang paghinga niya ng malalim ang narinig ko.


"[This Sunday.]" napanganga ako ng hindi niya pinapansin ang pag-iinarte ko.


"Hindi mo ba ako namimiss?" hindi ko na mapigil ang maging malungkot at alam kong nahalata na niya 'yon.


"[Sleep, I know you're tired dahil sa biyahe.]"


"Rico naman.. excited pa naman akong kausap ka! Hindi mo man lang ako minessage noong mga nakaraang araw!"


"[Tayo ba?]" napasinghap ako sa narinig ko. Ano bang nangyari?


"H-Huy? Ano bang meron? Sorry na pala!" naguguluhan kong sabi.


"[Bro! Nasa labas si Mika! Papasyal daw ka—Aray!...]"


"Hello? Rico? Boses 'yon ni Rafi ah? Hello?" tiningnan ko ang cellphone ko at nakita kong inend na niya ang tawag.


Natulala ako sa kisame at hindi ko alam ang nararamdaman. Bakit ang cold niya? Sinong kasama niya ro'n? Sino si Mika? Bakit sila papasyal?



"Nak? Gising na magha-hapunan na!"


Napabalikwas ako at napahawak sa ulo ko. Kanina kasi bago ako matulog ay umiyak pa ako dahil kung ano-ano na ang iniisip ko. Napaupo ako habang si Mama ay kinuha ang marumi kong damit na sinuot ko sa Baguio.


"Oh ba't mugto 'yang mata mo?" nagtataka ng tanong ni Mama pagbaba ko sa kama.


"Wala Ma, kagigising ko lang at puyat din kasi ako." Pag dadahilan ko. "Wahh! Gutom na ako Ma!" reklamo ko.


"Nako, ilang ulit kang ginising ni Lina kanina pero hindi ka raw magising gising. Ang sarap daw ng tulog mo, nalipasan ka tuloy!"


Pagbaba namin ay kami nalang ni Mama ang hinihintay, si Lola naman ay kanina pa yata nagsimula at ang laki ng ngiti dahil nabili ko lahat ng bilin niya. Niluto na rin ni Mama ang ibang gulay na nabili ko. Si Linda naman ay nakasimangot dahil hindi siya mahilig kumain ng gulay, miski kami ni Jacob ay pili lang ang gustong kainin kaya kahit gusto namin siyang sawayin ay 'wag na lang dahil wala rin namang epekto.

You're my Answered Prayer [EDITING]Where stories live. Discover now