CHAPTER 36

15 9 0
                                    


"Kahit 'wag mo na akong sunduin, p'wede naman ako sumabay kila Kael."

Pinagbuksan niya ako ng pinto sa shotgun seat bago umikot papuntang driver seat. Nilagay ko sa likod ang bag ko at ilang folders na hard copies ng thesis namin. Hindi pa tapos pero ifafinalize na lang namin ang isusubmit ka Ma'am. Nag-prisinta na ako na ako na bahala sa final outcome para alam ko kung paano ko ieexplain sa mga kagrupo ko ang mga kailangan sabihin sa thesis defense.

"It's okay, maaga ang uwian ko dahil karamihan ng klase ko ay sa umaga." Sabi niya bago humalik sa pisingi ko.

"Mapapagod ka kaya, edi sana oras mo na 'to mag-relax o mag-aral." Sabi ko habang nagsi-seatbelt.

"I am relax when I'm with you, Love." Ngumiti siya sa 'kin bago hinawakan ang kamay ko, pagkatapos ay nagsimula ng magmaneho.

Simula nung pasukan after sembreak ay lagi na niya akong sinusundo, minsan kumakain kami sa labas at minsan naman ay nag-aaral kami ng sabay. Nag-aalala lang ako dahil ang layo ng Laguna sa Manila pero parang wala lang sa kaniya ang pagod sa pagdra-drive. Nagrereklamo pa siya kapag pinipigilan ko siyang sunduin ako eh concern lang naman ako sakaniya at ayokong pinapagod niya ang sarili niya.

Nagpunta kami sa isang coffee shop para rito mag-aral, may ilang long tests kasi ako bukas at siya naman ay may mga librong babasahin. Nang makapag-order siya ay umupo agad siya sa tabi ko at nagsimulang magbasa. Ako naman ay naghighlight muna, maya-maya ay bigla niya akong kinalabit.

"Are you done highlighting?" tanong niya pero ang tingin ay nasa binabasa.

"Hmm.. ito last na." sabi ko. Tinakpan ko ang mga highlighters ko bago ako umupo ng maayos para magbasa.

Hindi na ako nagulat nang hawakan niya ang kanang kamay ko at pinatong sa binti niya. Sa ilang linggo na naming ginagawa ito ay nakasanayan ko na. Noong una ay hindi ako mapakali dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ako makapag-concentrate magbasa pero ngayon ay kahit yata magkayakap kami ay makakapag-aral pa rin ako ng maayos. Gano'n na siguro talaga kami kakumportable. Miski noong magkaibigan pa kami ay sanay na rin kaming mag-aral ng sabay.

"Huy, okay ka lang ba? Akala ko tapos mon a i-edit thesis natin bakit parang kinakabahan ka pa rin?" napatingin ako kay Hazel na inaayos ang ilang papel na kailangan namin ipasa, pati si Regie ay nagtatakang tumingin sa 'kin.

"Hindi ko rin alam. Actually kaninang umaga pa ako kinakabahan na ewan, wala namang ipapasa bukas diba?" paniniguro ko.

"Oo siyempre wala tayong pasok bukas hanggang Monday kasi may ganap na naman mga teachers!" sagot ni Hazel.

"Baka nasanay ang katawan mo na lagi may ipapasa kinabukasan kaya ka kinakabahan ngayon?" nanghuhula na sabi ni Regie. Nagkibit-balikat lang ako at napatulala sa kamay kong nanginginig.

Bakit ba ako kinakabahan ng ganito? May nangyari ba sa bahay? Kay Alberto Justin? Kila Kups?

Dahil sa hindi mawala-walang kaba ko ay tinawagan ko si Jacob na hula ko ay naglalaro lang dahil ang alam ko inexcuse siya ni Papa para puntahan ang site sa Makati pero ang ending hindi rin siya pinasama ni Papa. Ayos lang naman daw sila ro'n at nagalit pa sa 'kin dahil nag-momobile legends daw siya. Sunod naman ay sila Kupal pero puro lokohan lang nangyari kaya alam kong ayos lang sila. Nag-message rin ako kay Ate Lina pero ayos lang din naman daw siya. At ang panghuli..

"[I'm okay, Love. Why?]"

"Eh kasi, gago.. kanina pa ako kinakabahan tapos nanginginig ang mga kamay ko kahit hindi ko alam ang dahilan."

You're my Answered Prayer [EDITING]Where stories live. Discover now