CHAPTER 10

29 21 0
                                    


"Aiish! Kupal talaga!"


Pinapanood ko si Thea na sinasabunutan ang sarili habang nakadapa sa kama namin ako naman dino double check ko ang mga gamit na dala ko baka kasi may nakalimutan ako. Mamaya kaming nine o'clock ng umaga aalis. Eight o'clock na ngayon at katatapos lang naming mag almusal, hindi pa rin kami naliligo ni Thea dahil sa pag-iinarte niya.


"Walang magagawa 'yang pag-iinarte mo! Ang sabihin mo Marupok kang babaita ka!" walang buhay kong sabi, napatihaya siya at tumitig sa kisame.


"Muntik na 'yon! Pvta! Muntik nang masuko ang bataan!" sigaw niya kaya agad ko siyang sinaway.


"Gaga tumahimik ka! Kingina 'to! Kapag narinig ka ng isa sa mga kupal may world war 3 na mangyayari dadagdag pa si Niko!" singhal ko sa kaniya, napatakip naman siya sa mukha.


"Una na akong maligo tagal mo diyarn! Tse!" pag papabebe ko at maarteng kinuha ang towel ko. Hindi siya sumagot at nakatulala na lang sa kisame.


Mga twenty minutes din ang itinagal kong maligo bago ako natapos. Paglabas ko ay pumasok na agad siya sa banyo. Nakita ko ring nakaayos na ang gamit niya hindi katulad kanina.


"Ano ayos ka na?" sigaw kong tanong habang nagbibihis.


"GAGA!" sigaw niya kaya natawa ako.


"Masyado ka kasing wild boba!" pang-aasar ko ulit.


"HINDI KA LANG MARUNONG HUMALIK DIYARN! TSE!" sigaw niya sa halip na mainis ay natawa ako.


"NIKO OH! YUNG LITTLE SIS MO LUMALANDI NA!" pasigaw kong asar.


Minura niya lang ulit ako at nag-asaran pa kami. Pagkatapos naming mag-ayos ay binaba nanamin ang mga bag namin. Dalawa lang ang dala kong bag, ang backpack ko sa school at isang travel bag na maliit lang kung saan kasya ro'n ang mga damit ko. Sunod na ring bumaba ang mga kupal na malalaking backpack lang ang dala si Gelo ay may isa pa siyang bag para sa mga gadgets niyang pang-vlog.


Ten minutes before nine ay dumating na sila Rico at France. Nagulat nga kami ni Thea dahil ibang sasakyan ang dala nila mas bago at mas maganda ang mga dala nila ngayon. Agaw pansin dahil parang kumikinang pa 'yon kapag natatamaan ng sikat ng araw.


"Pasikat ampucha!" natatawang sabi ni Kael habang nilalagay nila ang ibang gamit sa compartment ng kotse niya.


"Panis sasakyan mo Kups!" pang-aasar ni Ken.


"Intimidating huh?" comment naman ni Charles at naglagay na rin ng gamit sa sasakyan.


"Oh mga kakupal may mga padating na masugid na manliligaw ng mga nagagandahan kong best friends! Payag kayo inaagaw na si Tori sa 'kin?" binatukan ko si Gelo dahil nag vovlog siya at baka maexpose pa kami ni Rico.

You're my Answered Prayer [EDITING]Where stories live. Discover now