CHAPTER 29

13 10 0
                                    


"[Ayos lang, anak. Kaya ko naman at saka may ibang bank account akong nakahiwalay para sa pag-aaral niyo at panganganak ng Mama mo. 'Wag kang mag-alala.]"

Simula nang sinabi sa 'kin ni Rico na alam na nang Mama niya ang tungkol sa relasyon namin ay dumoble ang kaba ko. Kahit hindi ko na boyfriend si Rico ay kinakabahan pa rin ako lalo na't may nagiging problema sa kumapanya namin.

Naikwento ni Rico kung gaano karami ang connections ng Mama niya at kayang kaya nitong pulbusin ang kakasimula naming negosyo. Kaya pala hindi na muna siya nakikipagkita kay Papa para hindi malaman ng Mama niya na tinutulungan kami ni Rico at para hindi na kami madamay. Pero kahit anong pagpapakalma sa 'kin ni Rico ay hindi ko magawa.

"Sa ngayon Pa, paano kapag dumating na ang Mama ni Rico madali na lang niyang magagawa ang gusto niya."

"[Napag-planuhan na namin ni Rico at nang mga kaibigan niya ang lahat. Mabuti nga at tumulong ang mama ni Max, makikipagkita pa lang ako sa kaniya ngayon.]" lalo pa akong nagulat na may dahilan pala kaya napaaga ang pag-uwi nang Mama ni Max ay dahil sa 'min. "['Wag kang mag-alala kontrolado ko pa ang lahat at maganda pa ang kita natin, kung sakaling magkaproblema ay kaya pang solusyonan.]"

"Hayy, basta Pa mag-ingat kayo lagi ha. 'Wag ka masyadong magtiwala sa mga possible investors lalo na kung hindi mo pa lubos kilala." Pag-papaalala ko na tinawanan niya lang.

"[Opo, anak. Sige na at maghahanda pa ako para sa meeting ko. Kumain ka na at alagaan mo si Rico at may sakit pala. 'Wag kang mag-alala maiintindihan ka niya.]" nagulat pa ako sa huling sinabi ni Papa na para bang may alam siya.

"Bye, Pa. love you!"

"[Love you too, anak.]"

Lumabas ako ng kwarto ni Rico pagkatapos naming mag-usap ni Papa. Naabutan kong naglalapag si Lee ng mga plato kaya tinulungan ko na siya. Si Mika naman ay nakangiting nag-aantay kay Lee habang nakatitig dito.

Habang kumakain ay sila Mika at Lee lang ang nag-uusap at Chinese pa 'yon kaya hindi maintindihan. Si Rico naman ay tahimik lang din at halatang may iniisip. Bigla namang tumunog ang phone ko at napangiti na lang ako nang makitang si Alberto Justin 'yon. Miss ko na siya! Oopss! Walang label, ekis!

"I can drive you home, if you want." Nalapag ko ang cellphone ko at napatingin kay Rico na seryosong nakatingin sa cellphone ko. Shems!

"'W-'Wag na, mabibinat ka pa eh." Tanggi ko kahit gustong gusto kong umuwi. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain.

"Alis tayo mamayang 1 pm, mag-ready ka na pagkatapos mong kumain." Sabi niya bago tumayo para ilagay ang plato niya sa sink. Nanlaki ang mga mata ko at sinundan siyang pumasok sa kwarto niya.

Binilisan ko ang pagkain ko para makaligo na ako agad at makapag-ayos. Naabutan ko siyang nag-aayos ng mga documents paglabas ko ng banyo. Sinundan niya lang ako ng tingin habang inaayos ko ang mga gamit ko. Nilagay niya sa isang folder ang mga 'yon at lumapit sa 'kin.

"Ipapasign ko 'to kay Tito at ididiscuss ko ito sa kaniya kaya tayo pupunta sa inyo." Mabilis niyang sabi bago nauna nang lumabas ng kwarto niya.

Napatulala ako saglit sa pintong nilabasan niya at hindi ko maiwasang ma-guilty. Alam ko na ngayon na nakita niyang magka-text kami ni Alberto Justin kanina at hindi ko alam kung palusot lang ang sinabi niya ngayon. Ang sinabi niya kasi kay Papa ay sa Tuesday pa. Umiling na lang ako at bumuntong hininga.

Habang nasa byahe ay sobrang tahimik namin, hindi katulad noon na lagi kaming nagkakantahan. Gusto ko man matulog ay nakakahiya dahil siya nag-dradrive tapos ako matutulog lang. Hinaplos ko ang leeg niya na hindi na niya kinagulat dahil minu-minuto ko na yatang chinecheck kung mainit pa ba siya o hindi na.

You're my Answered Prayer [EDITING]Where stories live. Discover now