CHAPTER 22

20 10 1
                                    

"Saglit!"

Napahawak ako sa tuhod ko habang hinahabol ako ang hininga ko. Lumapit siya sa 'kin habang hawak ang camera niya.

"Why? Pagod ka na agad? Kakasimula pa lang natin." Inirapan ko siya at inagaw ang towel na nakasabit sa bag namin. Nasa iisang bag lang kasi ang mga gamit namin dahil malaki naman 'yon at siya ang may bitbit.

"Ang bilis mo naman kasi, kabayo ka dude?" asar na sabi ko pero natawa lang siya.

"Naglalakad lang naman ako ah? Ooppss sorry 5'10." Pinitik ko siya gamit ang towel na hawak ko kaya napaatras siya. "Fvck, Tori!" ako naman ang natawa at binelatan pa siya. Nauna na akong maglakad at kumendeng kendeng pa.

"Bilisan na natin! Para maabutan natin yung sunrise!" sigaw ko. Inirapan niya ako bago inayos ang bag niya at sumunod na sa 'kin.

Naka-black leggings ako at sports bra na kulay yellow pero dahil malamig pa ay pinatungan ko 'iyon ng isang gray t-shirt ni Alberto Justin. Maluwag 'yon kaya tinali ko sa likod kaya medyo kita ang skin ko sa likod. Si Alberto Justin naman ay naka black hiking shorts na may lining na yellow. Naka-athlethic shirt din siyang kulay gray at litaw na litaw ang maganda niyang katawan. Sus, maganda rin naman katawan ni Rico!

May mga kasabay kami na nag-hahike rin. Ang iba ay may edad na pero ang iba ay kasing edad ko lang. May mga magbabarkada pa. By group sila at kami lang ni Alberto Justin ang pair. Dapat kasi aayain namin sila Thea kaso mga tinamad noong nalaman na madaling araw kami magsisimula.

Halatang sanay na sanay si Alberto Justin dahil kahit ang dami niyang hawak ay nakakapag-balance siya. Madalas ay nakahawak ako sa braso niya dahil medyo madulas ang mga batong inaapakan namin. Panay din ang picture namin at pagkuha niya ng video.

"Ahh Mama! Bwisit ka!" inis ko siyang kinurot nang takutin niya akong itutulak. Pinauna niya kasi ako dahil medyo matarik ang dadaanan, hawak niya ako sa bewang para hindi ako ma-out of balance.

"Sana nakuhanan Hahahha!" natatawang sabi niya, hawak ko kasi ang camera niya at nakatapat sa mukha ko kaya malamang ay nakuhanan 'yon.

Nakahinga lang ako ng maluwag nang nakarating na kami sa tuktok. Kaya pala medyo matarik na 'yong kaninag dinaanan namin dahil nasa pinakatuktok na pala kami. Nakita ko ang iba na puro picture na at lapag ng mga gamit para makapag-pahinga. Inalis ko na ang mga kamay ni Alberto Justin sa bewang ko at pumunta sa likod niya para kuhanin sa bag ang cellphone ko.

"Ang ganda!!" excited na sabi ko habang nakatapat na sa papalitaw na araw ang camera ko.

"Yeah." Napatingin ako kay Alberto Justin at nakita ko siyang nakatitig sa 'kin.

"Huy, yung araw keshe! Pereng tenge nemen eh!" pinalo palo ko pa siya habang nagpapabebe. Napailing na lang siya at napabuntong hininga.

"Let's take a picture." Biglang sabi niya kaya agad akong nag-pose.

Pagkatapos naming mag-picture ay iniwan ko na siya dahil ihahanda ko pa ang pagkain namin. Nilatag ko ang blanket na pinadala sa 'min ni Tita Marie. Nilabas ko rin ang mga niluto kong breakfast para sa 'min. Fried rice, tocino, tuna salad, bacon at siyempre ang walang kamatayang patamis ni Alberto Justin. Siya lang ang kilala kong nag dedesserts tuwing breakfast.

Tatawagin ko na sana siya pero seryoso siyang nakatingin sa araw, mukhang malalim ang iniisip. Mukhang hindi simpleng hiking ang ginawa namin, mukhang reflection trip pala ito. Hinayaan ko lang siya at nagtimpla muna ako ng kape sa stainless steel cup habang hinihintay siya. Nagtingin-tingin muna ako sa pictures namin at pinili ang mga magandang ipost.

You're my Answered Prayer [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon