Old home

127 5 0
                                    

Pagkatapos nilang kumain, hiningi na ni Kristina ang bill nila. Ngunit nagulat si Tristan at ang waiter sa sumunod nitong ginawa.

"Pwede ko bang makausap yung manager?"

"Ah, Ma'am bakit po? May mali po ba sa kinain ninyo?"

"Sa Manager ko nalang sasabihin, nasa'n siya?"

"Ah, Ma'am protocol po kasi namin na-"

Naputol na ang sinasabi ng waiter nang biglang tumayo si Kristina at naglakad papuntang kusina ng resto hindi siya nagpapigil maging kay Tristan. Hindi siya pumunta sa restaurant para lang kumain, may iba pa siyang pakay. Narating na niya ang kusina at hindi nakagalaw ang dalawang lalaking sumunod sa kanya. Hinablot ni Kristina ang isa sa mga apron na nakasabit, isinuot ito at lumapit sa isang babaeng hindi pa katandaan, mukhang kaedaran lang din ni Kristina. Samantala wala namang nakapansin sa ginawa niyang pagpasok sa kusina ng resto.

Naghuhugas ng pinggan ang babaeng nilapitan ni Kristina, hindi iyon mukhang tagahugas lang ng pinggan base narin sa ayos at pustura niya.

"So kailangan pa talagang magreklamo muna bago ko makausap ang manager?" tumulong narin siya sa paghuhugas ng pinggan nang mapansin siya ng sinasabing manager.

"Tin?" mahina at patanong na tawag nito kay Kristina. Nagulat naman ang dalawang lalaking nakabantay sa kanya.

"Grabe, dati tagahugas ka lang dito ngayon Manager na, sabi sa'yo e, may future ka. Infairness ah, naghuhugas ka parin," nakangiting nakatuon lang ang atensyon ni Kristina sa hinuhugasan habang sinasabi iyon sa dalagang kausap. Samantala, tila nagniningning naman sa tuwa ang mga mata ng babae.

"Tin!" hindi napigilang tumili ng babae sabay yakap kay Kristina at halos lahat ng empleyado sa kusina ay nakatingin na sa pinanggalingan ng boses.

"Ha?" nagtataka namang bitaw ng waiter na nakasunod kay Kristina.

"Grabe Tin, namiss kita!" kumawala na sa yakap ang babae at niyuyugyog na ang mga balikat ni Kristina saka ito tiningnan ang pustura ng dating kasamahan.

"Wala ka pading pinagbago, tignan mo naman sexy ka parin, maganda ka parin 'te!" galak na galak na puri niya kay Kristina.

"Wag ka ngang ganyan, lumalaki ulo ko. Pero ikaw, look at you, naks english 'yon, ang layo na ng narating mo, nasa harap ka lang ng lababo dati ngayon nandiyan ka parin," biro ni Kristina.

"Gaga! Alam mo naman part of the job paring tumulong kahit manager na," muling nagyakapan ang dalawa at nagmistula silang mga karakter sa palabas kung saan lahat ay nakatutok sa kanila.

"What's going on in here?" entrada ng isang ginang na naka-apron din ngunit naiiba sa suot ng mga nasa paligid. Sinuri niya ang buong paligid at matalim na tumingin sa dalawang pinanggagalingan ng ingay.

"Sino na namang nagpapasok ng Silvestre dito? Hindi ba't sinabi ko na na hindi magandang nakikihalubilo sa anak ng boss natin?" matapang ang pagkakasabi ng matanda ngunit hindi ito ininda ni Kristina.

"Ah, Chef kasi-" naputol ang pagtatangkang paliwanag ng waiter na halatang natatakot na habang pinoproseso pa sa utak ang totoong katauhan ni Kristina nang lumapit si Kristina sa ginang ng nakangiti.

"Chef!" sigaw ni Kristina habang lumalapit dito at binigyan siya ng malaki at mahigpit na yakap.

"Ikaw talagang bata ka, palagi ka nalang gumagawa ng ingay sa kusina ko at anong hangin naman ang nagdala sa'yo rito. Kailangan mo na naman ba ng sideline?" naglaho na ang maladragon na ekspresyon sa mukha ng ginang nang muling harapin si Kristina.

"What took you so long?" isang matandang lalaki naman ang lumitaw sa likuran ng ginang na Chef at biglang napahinto nang makita si Kristina, "Tintin, hija, nandito ka!" gulat at masayang pahayag ng ginoo kay Kristina at awtomatiko naman nilang ginawa ang handshake nila ni Kristina at saka niyakap ang babae.

DeadendWhere stories live. Discover now