Say it

109 4 9
                                    


Nang makabalik si Tristan sa kinatatayuan ni Kristina ay saka niya lang lalong nahalata na parang emosyonal ito. Ngayon niya lang natuklasan ang ganoong side ni Kristina - emosyonal at tahimik sa tagumpay.

Dapat lang siguro na maging ganoon siya dahil kung tutuusin hindi biro ang mga pinagdaanan niya para maabot ang lahat ng ito. Kung susumahin ay umpisa pa lang ito at maliit na hakbang pa lan ito pero para sa kanya parang buong mundo na ang napasakanya.

"Gusto mo pa bang magspeech?" biro naman niya rito oara kahit papaano ay makumpirma niyang masaya talaga ito.

"Kanina pa ako nag-speech sa utak ko, tapos na, pumalakpak na silang lahat," seryoso ngunit bakas ang saya niya sa pahayag na iyon.

"Tara?" tanong ni Tristan habang nakaangat ang kamay niya, naghihintay na tanggapin iyon ni Krsitina.

Hindi na nagdalawang isip pa si Kristina at sinunod na niya ang sinisigaw ng isip niya na tanggapin ang kamay na iyon. Kakaibang pakiramdam ang bumalot sa kanya nang magkahawak na sila ng kamay, para bang kailanman ay hindi siya mapapahamak basta hawak siya ni Tristan.

Gusto niya sanang magtanong kung bakit, bakit ito lahat ginagawa ni Tristan pero alam niyang madidismaya lang siya kaya hindi na niya ginawa.

Pero sandali siyang napatigil nang may maalala siya, "Tristan 'yung totoo? Block screening ba talaga 'yun o wala lang talagang nanonood?"

May kung ano namang gumuhit sa dibdib ni Tristan nang marinig niya iyon, bakit nga ba hindi niya naisip na hindi inosente si Kristina at alam niya talaga ang tunay na nangyayari?

"Block screening man o hindi, hindi na importante, 'di ba? As long as you see your dream right there in front of you?" sinsero niyang bitaw habang nakaharap dito.

"Oo naman, alam ko naman kasing wala masyadong tumatangkikik ng indie film sa'tin," mapait na pag-amin nito.

Tinitigan lang siya ni Tristan at nagpatuloy sa paglalakad nang hindi bumibitaw.

"So hindi nga yun block screening?" usisa pa rin ni Krsitina.

"It was, Kristina," maikling pagkumpirma niya.

Hindi na rin pinigilan ni Kristina ang mga ngiting kanina pa gustong gumuhit sa labi niya.

--

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Kristina nang mapansin niyang hindi ang daan pauwi sa kanila ang tinatahak nila ni Tristan.

"Ah, kakain?" sagot sa kanya.

"Ba't di na lang tayo umuwi? Walang kasama si Jazz," suhestiyon niya.

"Mabilis lang naman 'to," paninigurado ni Tristan kaya kahit mukhang diskumpiyado si Kristina sa gusto nitong mangyari ay nanahimik na lang siya. Ang totoo kasi niyan ay hindi na niya malaman kung paano pang tatanggapin niya ang mga susunod pang gagawin ni Tristan para sa kanya, kung meron man.

Nabuhayan siya ng loob nang mapadpad sila sa isang pamilyar na restaurant. Para namang bumilis ang mga pangyayari at nasa loob na sila kaagad, at isa isa siyang binati ng mga naroon. May pa-banner pa sila na nagko-congratulate sa kanya. Sinabuyan pa siya ng confetti pagkaraan.

Maluha-luha niyang niyakap ang bawat isa magmula kay Kathy hanggang sa dalawang chef na itinuring na niyang magulang.

Hindi na niya naitago ang saya nang naglakad siya pabalik kay Tristan, malaki kasi ang hinala niyang pakana niya itong lahat.

"Thank you," mahina ngunit bakas sa bibig niyang lumabas ang mga salitang 'yun habang lumalapit siya sa asawa. Malugod namang tinanggap iyon ni Tristan at bahagya pa siyang niyakap at hinalikan sa ulo pagkatapos na siyang nagpahiyaw sa lahat ng naroon kasama na ang mga crew at utility.

DeadendWhere stories live. Discover now