She hates me

134 10 0
                                    

Ikaapat na linggo ni Kristina sa foundation pero hindi pa rin nagbabago ang isip niya tungkol sa pag-alis sa kumpanya. Naging maayos naman ang trabaho niya doon. Magaan lang ang trabaho dahil madalas mga out reach program ang pinupuntahan niya. Bilang siya ang anak ng isa sa mga may-ari, siya na rin ang ginagawang kinatawan ng kumpanya sa mga paghahatid ng mga donasyon sa mga sinusuportahan nilang organisasyon. Halos napalapit na rin ang loob niya sa trabahong iyon dahil palagi siyang nasa labas at kahit papaano naiiwasan niya ang mga dapat niyang iwasan sa loob. Ang hindi niya lang matiis sa kumpanya nila ay ang taong kaharap niya ngayon, ang kuya Gio niya.

Sa kalagitnaan ng kuwentuhan ni Tristan at ng assistant niyang si Jake sa coffee shop na pagmamay-ari niya, natigilan siya nang makita niya ang isang pamilyar na mukha, ang tinuturing niyang mortal na kaaway -- si Kristina.

Matagal niya na itong hindi nakikita dahil sa magkaiba na sila ng departamento at laking pasasalamat siya sa pagbabagong iyon. Nagulat lang siya dahil hindi niya inaasahang makikita niya ito ngayon. Mas lalo siyang napatigil nang makita niyang may isang lalaki ang lumapit sa kanya na gumulo sa buhok niya bago umupo sa tapat niya. Nag-uusap sila na parang malapit na malapit sa isa't-isa. Agad naman niya iyong binalewala at nagpatuloy.

"Kuya, napaka-busy mo, hindi kita ma-contact. Feeling artista ka, kainis!" reklamo ni Kristina sa kuya Gio niya.

"Sa birthday mo promise, sasamahan kita buong araw," nakangiting pakunswelo ng kuya niya.

"May gilfriend ka 'no,"tukso ni Kristina.

"Tintin kailan ba ko nawalan?"  nakangising sagot naman ni Gio.

"Don't call me that!" suway ni Kristina.

"Why? Bagay kaya sa'yo," tukso ng kuya niya.

"Hindi na 'ko bata para tawaging ganyan, kuya!" depensa niya.

"Nalala mo nung bata ka pa pag sinusumpong ka pinababalik mo ang sipon mo? 'Ibalik niyo sipon ko, ibalik niyo'," tuwang tuwang pang-aasar ni Gio sa kapatid. Ginantihan lang siya ng hampas ni Kristina.

"Kuya! Gusto mo talaga 'yan, ah!" hamon ni Kristina. "Baka gusto mong malaman ng buong shop na 'to na halos isumpa mo lahat ng tao sa bahay nung pinatu-l-l," tinakpan kaagad ni Gio ang bibig ng kapatid dahil ayaw niya nang marinig pa ang sasabihin nito.

Tawang tawa naman si Kristina nang bitawan siya. " Kung nakita mo lang 'yung reaksyon mo. Priceless, kuya. I'm willing to trade anything just to see that priceless reaction."

Natahimik sandali si Gio doon.

"I'm willing to put up that reaction just to see you smile and laugh like that," naglaho ang mga ngiti sa mata at labi ni Kristina nang marinig iyon galing sa kuya niya.

"Drama," kumento ni Kristina.

"Don't worry, mapupunta ka rin sa posisyong nararapat sa'yo. I'm always here to support you," biglang pagseseryoso ni Gio na ikinahina ng loob ni Kristina. Ayaw niya ng mga ganoong emosyon lalo na kapag kaharap ang mga mahal niya sa buhay. Iyon na marahil ang kahinaan niya. Nagkakaroon siya ng emosyon kapag mga importanteng tao ng buhay niya na ang kaharap niya. Alam niyang hindi niya kailangang magtago at magkunwari sa tuwing nandiyan sila.

"I hope it's not in this company. You know what I want kuya."

"I know, whatever happens, try to make it possible," pangaral ni Gio sa kapatid.

"Let's see what I can do."

Nang mapansin ni Tristan na patayo na si Kristina sa kinauupuan niya saka lang niya nakilala na si Gio pala ang kasama nito. Nahagip naman siya ng tingin ni Gio bago lumabas sa cafe. Huminto ito at bumati sa kanya.

"Oh, Tristan," anito.

"Nice to see you here, Gio," aniya. 

Nagtaka naman si Kristina.  Hindi niya alam na magkaedad ang kuya niya at ang kaaway niya o baka naman wala lang galang si Tristan. Mas pinili niyang paniwalaan ang huli.

"Kuya hintayin kita sa labas," mahinang pahayag ni Kristina nang maramdamang mag-uusap pa yata ang dalawa. Tumango lang si Gio. Inasahan naman iyon ni Tristan dahil katulad niya, hindi rin niya gustong nasa paligid niya si Kristina.

Nang makaalis na si Kristina, nagpatuloy sa pag-uusap ang dalawa. "She hates me," ika ni Tristan habang inaayos ang pagkakasara ng coat niya.

"She really does," sagot naman ni Gio. Walang tensyon ang usapan nila dahil hindi naman na nakakubli ang katotohanang iyon.

Nang makalabas sila sa cafe, nabaling ang pareho nilang tingin kay Kristina na nakatingin lang sa kalsada. Tinapik ni Gio ang balikat ng kapatid saka nagpatuloy. Ramdam ni Tristan kung gaano kalapit ang magkapatid, nakahawak sa braso ni Gio si Kristina na parang nanghihingi ng alalay, hindi naman ito iniinda ni Gio. Hindi niya lubos na kilala si Kristina. Matagal niya na itong katrabaho pero wala siyang alam na kahit na ano tungkol dito, maging kung saan siya nag-aral at kung anong tinapos niya. Marahil nasabi na noon ng assistant niya sa kanya, hindi niya lang pinagtutuunan ng pansin.

Hanggang sa elevator ay magkakasabay silang apat, kasama ang assistant ni Tristan. Gustung-gusto nang makaalis doon ni Kristina kaya pagkarating na pagkarating nila sa palapag na bababaan niya, lumabas siya agad at tanging "Bye kuya" na lang ang nasabi niya sa kuya niya.

--


DeadendWhere stories live. Discover now