Special Chapter

90 3 2
                                    

Hindi yata ako maka-move on sa istoryang 'to, so...

--

Hindi pa rin sanay si Kristina, hanggang ngayon -- ilang buwan na ang nakalilipas mula nang magising si Tristan -- na hayagang pinakikita ni Tristan ang pag-aalaga at pagmamahal niya sa kanya.

Madalas siya nitong sunduin sa location nila kahit gaano pa 'yun kalayo sa Taguig, kung saan sila nakatira. Hindi niya alam kung paano pa iyon naisisingit ni Tristan sa trabaho niya.

"I told you to eat on time, Kristina. Ang hirap bang intindihin?" sermon nito sa kanya.

Kapag kayang isingit ni Tristan ang pagsundo o paghatid kay Kristina ay hindi niya talaga pinalalampas. Ang lagi niyang sinasabi ay parang ang liberating ng pakiramdam na nagagawa na niya ang mga ganoong bagay nang hindi kailangan ng dahilan.

Mula sa pagkakapikit ay unti-unting dumilat si Kristina, halatang naiinis na pero paano niya mapangangatawan ang inis kung lahat na lang ng gawin ni Tristan para sa kanya ay nakapagpapatunaw ng lahat ng inis, asar, o galit niya.

Bumungad sa kanya ang cool na cool lang na si Tristan, nakatingin ito sa kanya habang nakapamulsa. Nakasuot lang ito ng simpleng maroon na polo shirt at naka-shorts.

Umiling siya saka tinakpan ang mukha. Hindi niya pa rin kaya hanggang ngayon na ganoon na lang siya kung titigan ni Tristan.

"Baby. Babe. Love. Wife," paulit ulit na tawag nito sa kanya. Kaunti na lang ay bibigay rin si Kristina, alam iyon ni Tristan.

"Tin," tawag pa rin ni Tristan.

"Ugh," tinanggal na sa wakas ni Kristina ang nakatakip sa mukha niya.

Alam ni Tristan na ang pagtawag niya sa pangalan ng asawa ang laging nagpapalingon o nakakakuha sa atensiyon nito, walang mintis.

Samantalang si Kristina, kapag tinatawag na siyang "Tin" ni Tristan ay wala nang napagpipilian kundi ang pansiin ito o kumalma. Gustung gusto niya ang tunog ng pangalan niya kapag si Tristan na ang nagsasabi.

"I'm trying to get some sleep. Kailangan ba talaga nandito ka na naman? Kahit wala ka rito, kukulitin mo pa rin ako sa pagkain. San Antonio naman," reklamo niya, iniiwasang maakit sa hitsura ng asawa niya.

"Tin, what am I some guy who's trying to court you? Pinapaalala ko lang sa'yo, asawa mo 'ko," ani Tristan.

Sandaling napako ang tingin ni Kristina sa kabuuan ni Tristan, partikular sa daliri nitong nasa labi niya.

"Okay, sorry," pagsuko ni Kristina na siyang nagpangisi kay Tristan. Napabunyi nang tahimik si Tristan doon.

"Come here," utos ni Kristina nang makita ang ngising iyon ng asawa. "Come here," ulit pa niya.

Napailing si Tristan doon, sa isip isip niya, bibigay na naman siya. Lumapit siya sa asawa, yumuko siya para pumantay sa kanya. Hindi siya nagkamali, kabisado niya ito. Inabot ni Kristina ang kanyang batok saka ito bubulong ng "get the fuck off." Pero iba ang nasa isip ni Tristan, uunahan niya ito, hahalikan niya ito hanggang sa matahimik ang asawa.

Pero iba ang ginawa ni Kristina, sa halip na inisin pa lalo ang asawa ay niyakap siya nito nang mahigpit.

"It's been four days without you," mahina niyang pahayag. Nagulat doon si Tristan kaya lalo pa niyang hinigpitan ang yakap, binuhat niya ang asawa para lalo pang mayakap hanggang sa mapatayo na ito, nakatingkayad.

"God, I missed you. You should really stop doing this job. Hindi ba puwedeng dito ka na lang sa tabi ko lagi?" pagsusumamo ni Tristan.

Marahang humiwalay si Kristina sa kanya, ang mga kamay nito ay nakapulupot pa rin sa batok niya. Minamasahe siya.

DeadendWhere stories live. Discover now