Feel the moment

168 2 0
                                    

Nadismaya si Tristan nang madatnang gising pa si Kristina - nasa dining area siya habang abalang abala sa harapan ng laptop niya.

"Gising ka pa?" tanong niya habang lumalapit rito.

"Oo," matipid na sagot nito na hindi man lang nag-angat ng tingin.

"Ano ba 'yang ginagawa mo?" hindi niya napigilang tanungin.

"Nanonood ng porn," seryosong sagot nito na hindi parin nag-aangat ng tingin sa kanya.

Napailing at napakamot nalang ng ulo si Tristan dahil mukhang ayaw paistorbo ng kausap. "Panood rin," patol niya.

Hindi na sumagot si Kristina pagtapos noon, kaya umupo nalang siya sa harapan nito para panoorin siya. Hindi naman natinag si Kristina kahit nahahagip ng mata niya ang ginagawang pagtitig sa kanya ni Tristan.

"Para saan pala 'yung mga blinds sa kwarto? Pati sa kwarto ko meron," hindi parin ito nag-aangat ng tingin.

"Wala lang," sagot niya.

Sa pagkakataong iyon ay nag-angat na siya ng tingin pero binawi niya rin agad at nagkibit balikat na parang hindi siya naniniwalang wa;a lang iyon.

"I guess, you need it."

Tiningnan siyang muli ni Kristina.

"Bakit?" tanong niya. Tanong na hindi na lang basta tungkol sa blinds. Tanong na hindi nalang basta dahil baka kailangan niya nag mga iyon.

"Anong bakit?" balik niya sa tanong dahil ayaw niyang sagutin iyon. Ayaw niyang pati sa sarili niya maamin niyang hindi lang iyon tungkol sa blinds. Hindi lang iyon baka kailangan ni Kristina.

"Wala naman," nagdalawang isip na siyang usisain dahil alam niyang wala lang naman talaga. Wala naman talaga.

Kinabukasan, hindi na kinailangan ni Kristina na higpitan ang pagkakapikit sa kanang mata niya. Salamat sa blinds. At naalala na naman niya. Naalala na naman niyang nagawa niyang isipin na baka hindi lang basta "wala lang."

--

"Jazz, 'yung deal natin. Madaya ka kagabi hindi mo ginawa. I want you to do it again tonight."

Tumangu-tango nalang si Jazz habang pinagmamasdan ang tiyuhin niyang nagsusumamo.

"Oo na, Tito. I'll do it. Alis ka na baka malate ka pa," utos niya rito.

Mula sa hagdan ay tanaw na tanaw ni Kristina ang matatamis na ngting pinakawalan ni Tristan sa pamangkin bago ito patakbong lumapit sa sasakyan. Napapakunot ang noo niya saka niya biglang naisip, para saan kaya ang mga ngiting iyon? Pwede kaya niya iyong bilhin para sa kanya?

--

Pagdilat ni si Kristina sa mga mata niya nang sumunod na araw ay hindi niya inasahan kung ano ang nakita niya. Pumikit siya uli saka dumilat, pumikit, dumilat, inulit niya ng tatlo pang beses pero iyon at iyon pa rin ang nakikita niya at nang matauhan ay binawi niya sarili niyang kamay mula sa pagkakayakap kay Tristan. Hiyang-hiya siya sa sarili. Sinesermunan na niya ang sarili dahil nakatulog na naman siya sa kwarto nito.

"Akala ko epekto lang ng blinds, 'yun pala totoo."

Naalala niya kung pa'nong sinamahan na naman niya kagabi si Jazz dahil natatakot raw ito matulog mag-isa. Halos hating gabi na iyon kaya nakatulog narin siya, hindi na naman siya nakalipat at laking pagsisisi niya dahil alam niyang hindi naman siya ililipat ni Tristan sa kwarto niya kasi pagod na ito at hindi naman ugali ng lalaki na matulog sa ibang kwarto.

Huminga siya ng malalim at saka dinahan dahan ang pagbangon, umaasang wala siyang magising kahit na sino sa dalawang nasa tabi niya.

Nang makalabas na siya sa kwarto saka niya lamang nabitawan ang hininga niya, saka niya lamang pinakawalan ang labi niyang halos dudugo na sa pagkakakagat niya.

DeadendWhere stories live. Discover now