Masakit na masyado

64 4 0
                                    


Tanga na kung tanga, sabi ni Kristina sa sarili, siguro panahon na para pakawalan niya ang lahat ng dinadala niya.

Seryosong pinagmamasdan lang siya ni Tristan habang nagsasalita. Inilapit na niya ang tingin sa harapan dahil hindi na niya kinakaya ang mga titig ni Tristan.

"Sana nga hindi na lang ako sigurado para mas madali lang lahat," bitaw niya.

Walang nagsalita pagkatapos. Parehong tahimik, pinakikiramdaman ang isa't isa.

Pinagpatuloy ni Kristina ang pagmamaneho nang maramdmaan niyang wala nang balak sabihin si Tristan.

"What do we do now?" Maya maya pang basag ni Tristan sa katahimikang bumabalot sa loob ng sasakyan.

Tangina, mura ni Kristina sa sarili niya, anong tingin niya sa nararamdaman ko puwedeng gawan ng paraan? Mahina niyang reklamo sa isip niya.

"Tell me what to do, Tin. Hindi puwedeng ganito tayo."

Hindi na sana sasagot pa si Kristina ngunit ramdam niyang hindi siya nilulubayan ng titig ni Tristan.

"Wala. There's nothing you can do about it," sagot niya.

"Just let me get away," patuloy niya.

"What ever happened to no falling -"

"Please. 'Wag," mabilis na sabat ni Kristina habang unti unting dinudurog ang puso niya.

"Wag, Tristan. Masakit na masyado," pag-amin niya.

"Tin, you know very well that we're in a deal. Letting you go will never be an option here," pirming pahayag ni Tristan.

Gusto sanang matuwa ni Kristina sa sinabi nito pero agad na umatake ang katotohanang wala 'yong ibang ibig sabihin.

"Ako nang bahala, kaya ko na 'yang gawan ng paraan," seryoso at punung puno ng kasiguraduhang pahayag ni Kristina.

"Anong paraan? You'll leave me? Tell our family it didn't work out?" Tila may panunumbat sa tono ni Tristan.

"Hindi," tipid at matapang na sagot naman ni Kristina.

"Hindi ko pa alam. Puwede ba, hayaan mo na lang ako," dagdag niya.

"It's not as if ikamamatay mo kapag nawala ako," pahabol niya ngunit bulong na lamang iyon.

Narinig pa rin iyon ni Tristan. Bigla naman siyang napasuri sa sarili kung hindi nga ba niya ikakamamatay kapag nawala si Kristina sa kanya?

"Hindi ko ikamamatay pero sinanay mo na ako na nandiyan ka palagi. It'll be hard to get used of you not being around," mahina niya ring sagot pero sinigurado niyang maririnig iyon ni Kristina.

"All actions no words - laging ganyan. Pero ngayon you're using words. Tss. Tangina!" Bitaw na Kristina, ngumisi na lang siya sa mapait na katotohanan.

Para silang nakikipag-usap sa sarili lang nila pero pareho naman nilang naririnig ang isa't isa, nagbabaka sakaling magkakaintindihan.

"Pull over," matigas na utos ni Tristan kay Kristina.

"Ayoko," nagmamatigas din siya.

"I said. Pull over, Kristina," mas seryoso iyon.

Ayaw niyang sumunod. Hindi siya susunod pero itinabi niya pa rin ang sasakyan.

"What do you want now?" tila nangangalit na tanong ni Tristan sa kanya.

Nakaramdam si Kristina ng kirot, hampas, sapak, sipa at kung ano pa sa dibdib niya. Sa paraan kasi ng pagtatanong ni Tristan parang wala lang sa kanya lahat. Parang kasalanan ang nararamdaman niya.

DeadendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon