How are you?

136 3 0
                                    

Nalaman ni Kristina kay Manang Magda na nasa taas lang si Jazz at nagbabasa ng mga libro niya. Napagpasyahan niyang magluto na lamang siya ng spaghetti para matuwa ang bata.

"I like it," tuwang tuwang sabi ni Jazz nang matikman niya ang luto ni Kristina. Tumango lang si Kristina. At habang abala sila sa pagkain kasama si Manang Magda ay nakatanggap ulit ng mensahe si Kristina.

"Nagdinner na kayo?"

-San Antonio

"Currently," maikling sagot ni Kristina at dahil mas mabilis mapredict ang English kapag nagtetext.

"How is she?"

-San Antonio

"Fine. Very," sagot na naman niya.

Habang papasok si Tristan sa opisina niya ay nagtetext siya, hindi niya maintindihan at parang nakokosensiya siya dahil hindi naman niya kailangang kumustahin ng gano'n si Jazz habang kasama si Kristina dahil alam naman niyang hindi iyon mapapano. Isa lang ang gusto niya ang masubukang kausapin ng hindi katulad ng dati - na marahas - si Kristina at kakaiba ang emosyong naibibigay niyon sa kanya.

"You, how are you?" tinext niya kay Kristina ngunit nang isesend na niya ay binura niya saka pinalitan niya ng "Good" ngunit binura niya ulit. "Eat well" binura niyang muli at ibinalik ang naunang itinype. Bago niya maisend ay kumatok ang assistant niya at nagbilin.

"Sir, last meeting for this day will start in five minutes." Tinanguan lang siya ni Tristan.

Nang makalabas na ang assistant niya ay binalikan niya ang text niyang hindi naisend, nag-isip pa siya kung talagang ipapadala niya iyon. Binura niya at itinype ulit. Nang maalala niyang kailangan na niyang tumayo at bumababa para sa susunod niyang meeting ay pinindot na niya ang send.

"Bahala na," ika niya.

--

Akala ni Kristina ay hindi na magtetext si Tristan kaya naman nagulat siya nang may mensahe na naman ito.

"You, how are you?"

-San Antonio

Hindi niya maiwasang titigan lang iyon. Hanggang sa mapagtanto niyang ang tinatanong niya ay kung kumusta siya habang silang dalawa lang ni Jazz ang magkasama.

"Okay naman. Hindi naman ako war freak, hindi ko muna 'to aawayin, mukhang mabait naman na e," sagot niya.

Nang matanggap iyon ni Tristan ay nasa byahe na siya papunta sa susunod niyang meeting, napailing nalang siya sa reply ni Kristina.

"I'm talking about you, tss," bulong niya na parang kinakausap ang cellphone niya.

"Meanings are in people not in words," iyon nalang ang nasabi niya sa sarili at nagpakawala ng malalim na hininga.

Pagkatapos nilang kumain ay ilang beses na pinilit ni Kristina si Jazz na umakyat na sila sa taas para makatulog na siya pero ayaw ni Jazz gusto niyang kantahan daw ng kantang palaging inaawit sa kanya ni Tristan. Gusto sana ni Kristina na mapatulog niya na kaagad ang bata dahil may mga gagawin pa siya para sa Academy at lalo na para sa bago niyang trabaho, ipinadala na kasi sa kanya ang script at sinabing pag-aralan daw niya iyon.

Wala naman siyang nagawa kaya nasa sala parin sila, pinagbigyan niya na lamang ang bata dahil baka bigla iyong topakin, naisip niya.

"I don't know how to sing it, Jazz," palusot ni Kristina kahit alam na alam naman niya.

"I don't believe you and I want you to play the guitar too, please Tita Tin so I can already sleep," pakiusap ng bata na parang utos na rin.

"God Jazz, I don't know how to play the song," palusot niyang muli. Marunong siynag maggitara pero hindi niya alam ang chords ng kanta.

"Here!" natutuwang abot ni Jazz sa ipad niya kung nasaan ang chords ng kanta na gusto niyang marinig na niresearch niya sa google.

"Talaga nga namang buhay 'to oh!" reklamo niya.

"What?" tanong ni Jazz.

"Nothin' baby just give me that thing so I can start singin'," sarkastiko niyang pahayag sa bata gamit ang mala-New Yorker na tono habang tinuturo ang gitara. Agad namang iniabot iyon ni Jazz.

Tumikhim siya at pinagbigyan ang gusto ng bata. Noong una ay nangangapa si Kristina. Pero nang matapos niya ang kanta ay mukha namang nagustuhan ni Jazz.

"One more time, please, tita," hiling ni Jazz pagakatapos.

Nagkamot ng ulo at tumikhim nalang si Kristina at sinunod rin ang gusto ng bata sa huli.

Tell me something

When the rain falls on my face

How do you quickly replace it with

A golden summer smile?

Bubuksan na sana ni Tristan ang pintuan pero natigila siya nang makarinig ng boses, malamig na boses ng babae, kumakanta.

Pinakinggan niya lang hanggang sa mapagtanto niyang boses iyon ni Kristina.

Tell me something

When I'm feelin' tired and afraid

How do you know just what to say

To make everything alright?

Natigilan siya dahil sa hindi niya malamang dahilan. Hindi ganoon kakaiba ang boses ni Kristina pero yung katotohanang ngayon niya lang ito narinig na umawit ang nagpatahimik sa kanya.

I don't think that you even realize

The joy you make me feel when I'm inside

Your universe

Huminga siya ng malalim at pumasok na sa loob. Hinanap kaagad ng mga mata niya ang kinauupuan ni Kristina. Nakapatong sa mga hita niya ang gitarang tinutugtog habang nakasandal sa isa niyang hita ang ulo ni Jazz na mukhang mahimbing na ang tulog.

You hold me like I'm the one who's precious

I hate to break it to you but it's just

The other way around

You can thank your stars all you want but

Nang makalapit na si Tristan sa kinaroroonan nila ni Kristina ay napansin na kaagad iyon ni Kristina at napatingala kay Tristan habang kinakanta ang huling linya.

I'll always be the lucky one

Sa linyang iyon, sa boses na iyon, na tinging iyon ni Kristina biglang gumuho lahat ng pinaniniwalan ni Tristan tipong iyon ang unang pagkakataong nakita niya si Kristina.

Nang makarekober ay agad niyang tinanggal ang coat niya, nirolyo hanggang siko ang puti niyang polo sakto namang tumigil sa pagkanta si Kristina.

Agad niyang dinaluhan si Kristina na mukhang nangangalay na sa posisyon.

"Let me," pahayag niya habang inaayos ang pwesto ni Jazz. Inalalayan naman sila ni Kristina at dahan dahang ibinaba ang gitara sa center table.

Kinarga na ni Tristan si Jazz paakyat, susunod pa sana si Kristina pero pinigilan siya ni Tristan.

"Huwag na, ako na," tumango nalang si Kristina pagkatapos.

--

Pasensiya na, paikli nang paikli ang mga updates. I'll try harder guys just bear with me. :) Salamat.

DeadendWhere stories live. Discover now